Chapter 25

8.8K 235 32
                                    

Chapter 25

"Kumbinsihin mo kaya 'yang manliligaw mo na habang narito siya ay maging instructor muna siya dito sa gym ko. Mukha namang maraming alam e," ngumisi sa akin si Kevin sabay siko sa aking tagiliran.

Pinandilatan ko siya ng mata. My lips pursed when I glanced at the other side, where the punching bags are located. Naroon si Stan at kasalukuyang dinadaluhan ang isang teenager na nagwo-work out gamit ang punching bag.

Hindi ko alam kung paano siya kumportable sa pagtuturo ng tamang postura at paraan ng pagsuntok sa ganoong suot niya.

His white polo is tucked inside his chinos and he's even wearing a leather topsider!

An improper getup for someone's who's going to work out in a gym. Well, hindi naman gym ang ipinunta niya rito pero tingnan mo naman ang ginagawa!

"Dumarami ang mga costumers ko e! Kumbinsihin mo!" Siniko ako muli ni Kevin.

I glared at him and rolled my eyes. Iginala ko ang tingin sa mga babaeng halos itigil na ang kung ano mang ginagawa para lang manuod. Tumaas ang kilay ko at ngumuso.

"You're not punching the bag, you're just pushing it." Matigas na ingles ang narinig ko kay Stan nang lumapit ako sa kinalalagyan nila.

"Kanina ko pa sinusuntok," tugon ng lalaki.

"Fix your gloves and throw some snap punches. Fix your stance." His voice is hard and intimidating.

Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil nakatalikod sila sa akin. Lalapitan ko na sana sila nang tawagin ako ni Kevin.

When I glanced at him, he pointed the entrance of the gym. Naitikom ko ang labi nang makita roon si Robin. Seryoso at medyo busangot ang mukha. Hindi ba talaga siya titigil? Nang makita niya ako ay dali dali lang siyang lumapit.

"I went to your apartment. Wala ka na roon," malamig na sinabi niya nang salubungin ko siya.

Nilingon ko si Kevin na nakatupi ang labi, para bang nagpipigil ng ngiti. Itinuro niya ang kinaroroonan ng mga treadmill at iniwan ako roon. Umirap ako at bumaling muli kay Robin

Humugot ako ng malalim na hininga at tinitigan siya. Nang tinitigan niya ako ay bumuntong hininga siya at inangat ang kamay. Doon ko lang napansin ang asul na paper bag na hawak niya.

On its cover is the Mikimoto word.

Kumunot ang noo ko at tinitigan iyon. His brows pulled up when I stayed looking at him curiously.

"Ano 'yan?

"It's for you." Aniya at kinuha ang kamay ko para ibigay ang paper bag.

Nilingon ko si Kevin na parang naririnig kong nagre-react kahit sa malayo. His eyes are widening while pointing to the paper bag I am already holding. His mouth formed an 'O' and continues to retort eccentrically on his place.

Alam ko! Kagat ang labi kong nilingon si Robin. Mataman siyang nakatitig sa akin at naghihintay ng reaksyon. I think he wants to smile but he's suppressing it. Isang silip lang sa katamtamang paper bag ay nanlamig na ang aking tiyan.

"I can't accept this." Seryosong ani ko.

The sides of his lips fell. His shoulder tensed and his eyes smoldered with coldness.

"Robin, hindi ba sinabi kong itigil mo na 'to?"

"Hangga't hindi mo pa boyfriend ang lalaking iyon hindi ako titigil." Matigas na tugon niya.

"Pero sinabi ko na sa 'yo na hindi na ako tumatanggap ng manliligaw." Giit ko at ikinunot ang noo.

"I don't need that, Veil. Kaya nga ako pursigido para ipakita sayo na seryoso ako." Iritado na siya.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon