Chapter 31
"I want you to evaluate these designs. They are still not approved yet, I just want an honest judgment before it will be passed." Architect Talia Lumawig gave me a friendly smile when she reached my table.
Kaagad akong tumayo para batiin siya pero itinaas niya ang kamay at iniabot sa akin ang isang puting portfolio.
"If you have any feedback concerning the designs, I want to know. Hindi naman 'yan kritikal o seryosong project but it needs to be checked by the team just in case it will have consented when presented in any meetings." Aniya at tinapik ang aking balikat bago umalis.
Ngumuso ako at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. I looked around only to notice the same aura inside the extensive 17th floor. Nasa right-wing ang aking lamesa, katabi ang nakahilerang cubicle. Kasama ko rito ang ilang designer at arkitekto.
Sa left-wing ay ganoon rin. Abala ang lahat sa sari-sariling gawain. Weeks have passed since I started working in La Cerda Architecture and Design Studio. May iilan na akong kakilala, kadalasan ay 'yong mga architects na nagpapatulong sa mga gawain nila at humihingi ng opinion sa kanilang mga design.
Before I started, I have met the Department Head and some senior architects and project managers. I don't think that was needed because I am just an intern. I am supposing that it is because I am Kuya Trean's cousin. At dahil kilala siya roon ay pinakilala rin ako ni Sir Colter.
I don't really like the idea that I am being acquainted with the people in the company just because I am part of the Cordivilla race. I hate the indication that people will only acknowledge me because of my influential cognomen. And that I am the firstborn of Austen Cordivilla Jr., the current owner of Cordivilla Summit Holdings.
Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin tanggap na nakapasok ako ng gano'n lang. It is a blurry dismissal to recognize my aptitude. But just like what my cousin said, I just need to demonstrate my real ability. Sa paraan na 'yon na lang ako babawi.
Tahimik akong umupo sa aking puwesto. Tapos ko na 'yong pinapagawa ng isang architect din. Noong kahapon pa 'yon at ito pa lang ang natatanggap kong trabaho ngayong araw. Kasisimula ko pa lamang ay marami na akong natutunan, kung hindi man mga disenyo na sariwa sa aking kaalaman ay sa mga bagong pamamaraan at mas maunlad na paggawa ng mga proyekto o pagdidisenyo naman.
The proposals I have to review are three different housing designs for a certain subdivision. Halos lumuwa ang aking mata sa paninitig sa mga 3D designs na nakapaloob doon. In every proposal, narratives of the house are encompassed, the materials to be used – its quality and costs are also counted in.
Bumuntong hininga ako at binuksan ang MacBook na binigay sa akin ni Kuya Trean. I didn't want to accept it lalo na't bago pero hindi ko matanggihan ang aking pinsan. Applications that are useful to me are already installed. Siguro'y pinalagay ni Kuya para sa akin.
I researched the whole morning regarding the type of housing designs used in the proposal. I am not familiar with some elements of the designs that I needed a backdrop and a deeper appreciation of some of the convoluted parts.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil masyado akong napokus sa ginagawa. It was already lunch when I finished checking the two designs. Naririnig ko ang usapan ng mga empleyadong malapit lang sa aking lamesa. Ngumuso ako at ipinikit ng mariin ang matang ilang oras nababad sa laptop. I should buy an anti-radiation glass.
"Veil, gusto mo ulit sumama sa amin?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Architect Andres Nueva na nakangiti sa akin. Sa tabi niya ay ang mga kapwa niya architects at ibang designer. Noong nakaraang araw kasi'y pumayag akong sumama sa cafeteria na pinagkakainan nila tuwing tanghali. Inaalala ko pa lang ang mga presyo ng mga pagkain doon ay napapangiwi na ako.
BINABASA MO ANG
CORDIVILLA: Breathless
RomanceStarved of any support from her family, Veil Cordivilla struggles to finish her degree in Architecture. After her very first heartbreak, she questioned herself whether she made the right choice. Now, she's trapped in a place where she has no option...