Chapter 8

8.8K 287 108
                                    

Chapter 8

I felt the eagerness of Bea and Iya to ask me about what happened earlier in the kitchen but they didn't dare because I am isolating myself from them kanina pa. 

Naiwala rin ang nangyari dahil inilibot kami ni Neil sa malawak na garden sa likuran ng mansyon nila. Mula kanina ay iniwasan ko rin na magtagpo ang mga mata namin ni Stan. Hindi ko na rin siya nakita simula kanina dahil naabala kami sa pag-eensayo at kasalukuyan kaming nasa garden nina Neil.

"May caretaker kayo rito Neil? These flowers are beautiful. Halatang alagang-alaga." Namamanghang sambit ni Iya.

I think she's fond of flowers kasi alam niya ang tawag sa ibang halaman, even the foreign flowers I've never seen before. Maganda nga at lahat ay namumulaklak. It's colorful and instagrammable.

"Not really. Hilig talaga ni mommy ang gardening at siya ang nag-aalaga sa sarili niyang garden." Tugon ni Neil at iginiya kami sa isa pang row ng mga bulaklak.

We have a garden back in the province pero hindi ko hilig 'yon. Mas malaki nga lang ang kila Neil at mas maraming variety ng bulaklak.

I wonder if how's the garden in our house now. Napalingon kami nang may umubo sa pintuan ng garden. It's one of Neil's friend.

"We're going to chill, are you guys coming? Tapos na ba ang praktis niyo?" The guy asked and smiled coldly at us.

Ngumuso ako. It's already 3 in the afternoon. Wala naman na akong gagawin pero papasok ako mamaya sa SeLo. I want to sleep pero may balak pa yata ang mga kasama kong makisama sa chill ng mga kaibigan ni Neil.

"We're done, Spencer." Tugon ni Neil at sinulyapan kami.

"Gusto niyo bang sumama or do you already want to go home?" Tanong niya.

"Game kami!" Mabilis na sumang-ayon ang dalawang babae. Tumango lang si Tyler at ngumisi.

"How about you, Veil?" Tanong ni Neil nang hindi ako kumibo.

I sighed and pursed my lips. Kung uuwi ako ngayon, wala rin naman akong kasama at hindi ko tanda ang pasikot-sikot palabas ng village na ito. Nakakahiya rin namang magpahatid ng mag-isa at maiiwan silang nagsasaya rito.

"Call." I said and averted my gaze to the flowers.

Dumaan kami sa kanang bahagi ng mansyon kung saan nakaparada ang mga sasakyan nina Neil. They're obviously wealthy, most of DCC students are. That's why some look down to scholars like me.

Narinig ko ang tawanan ng mga kalalakihan nang palapit na kami sa rectangular pool nina Neil. Doon nakaset-up ang mga pagkain at inumin. The usual chill.

Umismid ako nang masulyapan si Stan na abala sa phone niya habang ang iba niyang kasamahan ay nag-iinuman na. Naka-upo siya sa pahabang metal bench na kaharap ang wooden table kung nasaan ang mga pagkain.

He look so out of place in the group. Naka-topless ang mga kasama niya, habang siya'y balot na balot pa rin at preskong naka-upo habang kinakalikot ang phone niya. Iiwas na sana ako ng tingin nang namataan ko sina Iya at Bea na biglang tumabi sa kaniya.

They got his attention. Sinulyapan niya ang mga ito ng nakakunot ang noo.

Pasimple akong tumabi kay Tyler na nakikitawa sa mga kalalakihan. Nakipagkilala siya sa mga naroon at binigyan siya ng inumin. Nang lingunin ko ang metal bench ay nahagip ko ang paninitig ni Stan sa akin.

Suminghap ako at kinunotan siya ng noo. Kinakausap siya nina Iya at Bea. They were giggling but Stan looks so serious while staring at me.

Pakiramdam ko'y parang may kumakalabit sa puso ko habang iniisip kung bakit panay na lang ang paninitig niya sa akin. Iiwas sana ko ng tingin pero nauna na siya. Nginitian niya sina Iya at Bea na halatang sobrang naaliw at kinikilig.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon