Chapter 4

9.7K 254 27
                                    

Chapter 4

"Ano 'yung pamantayan sa solo?" Tanong ko kay Azu pagkatapos ng pangatlong subject namin sa araw na ito. Nilingon niya ako at ngumiti na hindi abot hanggang mata.

"Have you finally decided?" Tanong niya. 

Tinitigan ko siya bago tumango. I need to compensate and this will help. I don't know if this will have an extra point direct to the grade but it doesn't matter. Wala rin naman kaming kalahok sa solo kaya ako na lang.

"Last registration mamayang hapon. You should go to the PAC Office now, sasabihin rin nila ang pamantayan kapag nakapagpalista ka na." Aniya at tinawag si Ver para sa praktis nila sa duet. Nagpasalamat ako at mabilis na kinuha ang bag ko.

The Arts Festival will be two weeks from now. Syempre ay may mga booth 'yon kaya abala rin ang department namin sa paghahanda. Each department will prepare a wide variety of workshops, activities and events focused on themes such as music, dance and arts. May mga exhibition rin para sa traditional at contemporary paintings, I don't know if we have entry to that. Marami ang activities kaya abala ang lahat ngayon. May meeting pa kami mamaya after class with our instructor for the distribution of works.

Mabilis kong tinungo ang office ng Performance Arts Club. Hindi ko na pinansin ang kuryosong tingin ng ibang estudyante sa akin. I know that look. It's been five months, hindi pa rin ba nila makalimutan ang paghihiwalay namin ni Kaizer? Ako nga nagmomove on na, e. I sighed and didn't mind them.

Tama nga si Azu, last registration will be this afternoon at nakahabol pa ako sa deadline. Lahat ng sasali sa paligsahan sa pagkanta, dapat ay OPM. Iyon lang naman ang pamantayan, iba na 'yong criteria for judging. Sa ngayon ay wala pa akong maisip kung ano ang kakantahin. Lumabas ako ng PAC office habang nagtitipa sa phone ko para i-take note lahat ng schedule ko para sa susunod na linggo.

"Veil?"

Umangat ang tingin ko nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Neil sa gilid ng pintuan, may nakasabit na guitar case sa balikat niya. Nilingon ko ang paligid niya, mag-isa lang siya. Suminghap ako at tipid na ngumiti. A memory of last night flashed in me, umiling kaagad ako para tanggalin iyon.

"Ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at nilapitan siya para na rin hindi ako makasagabal sa pintuan. 

Pinagtitinginan si Neil ng ibang kababaihan. Ngumuso ako at umiling. Gwapo siya, malakas ang dating kaya hindi na 'yon nakapagtataka.

"Yeah. Sa solo ako, first year representative." Tugon niya at ipinilig ang ulo.

"Really? I'm fourth year's rep! Goodluck!" Ani ko at ngumiti.

He nodded seriously at me. Magsasalita pa lang sana siya nang may tumawag sa kaniya. Hindi ako kaagad lumingon pero nang makarinig ako ng mga tili mula sa kababaihan ay kumunot ang noo ko. Neil raised his arm, his eyes passed through me. Lumingon ako at halos magsalubong ang kilay ko nang makita kung sino ang naglalakad palapit sa amin.

He was distinctly attracting too much attention. Impit na nagtitilian ang mga kababaihang naroon pero mukhang wala naman siyang pakialam at diretso ang tingin sa akin... kay Neil pala. Umismid ako habang sinisiyasat ang itsura niya.

Nakasuot siya ng asul na damit na may tatak, kagaya kagabi. Real Men's Gonna Stay. Iyon ang nakaprint sa damit niya. A gold necklace with a gold ring hang laxly on his neck. His hair is gelled to the back and his gray pants hugged his long legs firmly.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon