Chapter 5

9.7K 301 38
                                    

Chapter 5

"I said wider! Don't be too awkward with the movements!"

Kanina pa nagsisisigaw si Yanchi sa harapan namin, habang kami naman ay gumagalaw at sinusunod ang sinasabi niya. Kasalukuyan kaming nag-eensayo sa malawak na soccer field sa harap ng engineering department. 

Mahigit limampu kaming miyembro ng BSA Cheerleading Squad. Isa sa pamantayan para rito ay gumawa ng sariling concept. Kami mismo ang gagawa at hindi pwedeng kumuha ng trainor, kaya kanina ay nagkaroon muna kami ng briefing at brainstorming para may koneksyon pa rin sa tema ng Arts Festival ang sasayawin namin.

Mabuti nga at binigyan kami ng free time para rito, bawat araw sa mahigit dalawang linggong preparasyon ay may nakalaan na oras para sa pag-eensayo. Iyong iba ay nakalaan na para sa booths at iba pang contested activities. 

Bukas, Sabado ay may praktis ulit kami ng sayaw. Hindi pa ako kinakausap ni Neil tungkol sa ensayo rin para sa solo pero nakapokus muna ako sa cheerdance dahil baka magkulang kami sa oras.

Yanchi was demonstrating a pair of routine in front of us. We are positioned in a victory manner. Lahat kami ay naka-PE uniform para mas komportable. Nakita namin ang Educ na nagpapraktis din kanina sa kabilang parte ng soccerfield pero nang makita nila kami ay umalis sila.

In my more than three years here in DCC, I can say that every department is competitive when it comes to competition like this. Walang gustong magpatalo. Lahat ay layunin ang masungkit ang unang pwesto. 

Engineering is the leading department ever since, lumalaban kami kasama ang business-ad at iyong mga kumukuha ng med at educ. Marami pang department pero iyong lima ang mahigpit ang labanan.

Dalawang oras pa lang ang ginugugol namin pero malapit na kaming maka-isang minuto sa kanta. Our moves are clean and chaste. Lahat kasi ay may karanasan kaya lahat ay may suhestyon sa mga idadagdag na galaw kaya hindi kami nagtatagal.

"Ewad, Daviz, Dizon, Cordivilla, Julaton, Reyes, Lanueva..." tinawag kami ni Yanchi sa harap nang kami'y magpahinga.

"Ikaw Cordivilla ang tutuntong sa pinakamataas. Siyam kayong itataas at ikaw ang pang-lima. Everybody will back flip and the supporters will catch you down here."

Hindi na ako nakareklamo nang igiya niya kami para sa susunod na stunt. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang pinakamataas but I don't care. Nagka-counting siya habang mabilisan kaming gumagalaw patungo sa pwesto namin. We are even doing awkward hand movements. Nakaalalay na ang dalawang lalaki sa gilid ko, nagsisilbing base para mailagay ako sa balikat ng nasa harapan namin.

Huminga ako ng malalim at tumuntong sa mga palad na naghihintay. Their arms tossed me to go up, kahit medyo nawalan ng balanse ay nagawa kong pumatong sa balikat ni Robin. Nakaposisyon na rin ang ibang kasama ko at may dalawang babae na kakapit sa akin.

"We're doing good!" Pumalakpak si Yanchi at inutusan ang ibang alalayan kami sa pagbaba.

Mabilis na lumipas ang oras. Hapon na at medyo pagod ako sa ensayo, idagdag pa ang tatlong quiz na sunod sunod kanina. Buti na lang at nakapagbasa ako noong nakaraan. Hindi rin naman ako nakapag-study kagabi dahil naglasing na naman ako. Ayoko ng alalahanin ang tagpo namin ni Stan. Hindi rin naman sumagi sa isip ko 'yon. I just don't want to see him again.

Usap-usapan pa rin ang tungkol sa kaniya. Nalaman kong kaibigan niya pala ang ibang eatudyante rito, some are famous at iyong isa pa ay anak ng isa sa administrator sa skul. Hindi ko lang alam kung talaga bang mag-aaral siya rito o ano pero wala naman akong pakialam. Pinalampas ko na lang ang mga usapang ganoon.

Lagpas alas-singko na at naghahanda na rin ako sa pag-uwi. Nasa harap ako ng aking locker at inaayos ang ibang gamit ko nang may malingunan ako sa hallway. Pakiramdam ko ay nag-ugat ang paa ko sa sahig, nanginig ang kamay kong nakahawak sa gamit ko.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon