Chapter 37

7.9K 265 25
                                    

Chapter 37

Dalawang oras ko itong pinag-isipan. Gusto kong sapakin ang sarili dahil hindi ko alam kung ano ba talaga dapat ang gagawin. Malakas akong bumuntong hininga nang makita ko si Stan na papasok ng kusina.

He's done with his shower. Pagkatapos niyang magluto ng adobong manok ay umakyat siya para maghugas ng katawan. Patagilid ko siyang pinanood habang naglalakad siya palapit sa akin.

He's wearing a white tee shirt and maroon shorts. Plain and straightforward, but damn, he looks so sexy in it.

"Gutom ka na?" Tanong niya nang makalapit siya sa akin.

Hindi pa ako nakakasagot ay dumukwang na siya upang hagilapin ang aking labi. It was a quick kiss but it sent havoc to my system! Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng aking upuan, tumayo siya ng ilang segundo sa aking gilid.

"Breath, Veil..." he chuckled and walked towards the sink.

Malakas akong huminga at napatakip sa mukha. Narinig ko ang malakas niyang tawa na mas lalong nagpa-init sa aking mukha. Gosh! Move on, Veil!

Damn you, Stanford! Our make it earlier was so intense. Kanina pa iyon paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan kaya hindi ako makapag-isip ng mabuti! Idamay pa ang mga salita niyang nagpapakabog sa aking puso.

Masama akong tumingin kay Stan nang ilapag niya ang mga kubyertos sa lamesa. Inayos ko na kanina ang ulam at kanin. Kinagat niya ang kaniyang labi nang mahagip ang matalim na titig ko. Umiwas siya ng tingin pero nahuli ko pa rin ang kaniyang pagngisi.

"Let's talk after we eat." He said.

Umirap lang ako at umayos sa pagkakaupo.

"I will go home to take a bath first, malagkit na ako sa pawis." Tumikhim ako at hindi na siya nilingon.

Ramdam ko ang titig niya sa akin habang nagsasandok siya ng kanin. Naglagay siya sa aking plato kasama na ang ulam. He placed a glass of juice beside my plate before sitting in front of me.

"V, you are insulting me. Maraming banyo rito sa bahay. Meron din sa aking kwarto. Why do you have to go home?"

Sa tono pa lang ng boses niya ay alam kong nakataas na ang kilay niya ngayon. Well... bakit nga ba? Ugh! Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa nangyari kanina, that's embarassing!

Kung hindi ko pa sinabing gutom na ako sa kalagitnaan ng aming umaatikabong gawain ay baka nakabalot na ako ngayon sa kumot. Nakagat ko ang labi sa naisip at napapikit ng husto.

"Wala akong damit na dala." Umirap ako.

"I have clothes that will fit you and besides mas lalo ka lang mapapagod kapag bi-byahe na naman tayo." Kumunot ang kaniyang noo.

More alibi, Veil!

"I... uhm, I will have rashes if I use different soap or bath g-gel..." tumikhim ako at napainom ng malamig na tubig.

He was silent for a second kaya 'di ko napigilang sumulyap. Nakatitig siya sa akin, he's playing with his tongue. Nakataas ang kilay at nang magtama ang aming paningin ay ngumisi siya na may kasamang kagat sa labi.

Halos maibuga ko ang iniinom na tubig. Agad akong umiwas ng tingin. Tumawa si Stan at umiling.

"I have those in my toiletries. It's in my room." Mapanghamon ang tono niya.

Ano? Paki-ulit?! Kunot ang noong tumingin ako sa kaniya.

"Give it up, Veil. Just eat, take a bath in my room later and we'll talk. Akala ko ba gutom ka?" Tanong ni Stan at dinagdagan pa ang kanin ko.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon