Prologue

31K 404 9
                                    

Umiiyak akong napatitig sa hawak kong pregnancy test. Bago pa makita ni Draze ang resulta nun, itinapon ko na agad ito sa basurahan.

I sob harder at pilit tinatakpan ang mga tenga ko dahil sa mga ingay na ayoko ng marinig. Mga ungol, mga kataga ko paano nila sabihing mahal nila ang isa't isa.

Martyr na kung martyr pero hindi ko kayang iwanan ang asawa ko kahit sa paningin niya, balewala lang ako.

Pinalis ko ang mga luha ko at dali daling lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa kusina at ipinagluto ito ng pananghanghalian.

"Oh! You're here now bitch. Bilisan mo at nagugutom na tong baby sa tiyan ko"

Napatigil ako sa pagpiprito ng manok ng marinig iyon mula kay Steffy. Gulat akong napatingin dito.

"A-ano?"

"Bingi ka na ba? Hurry up na! Naguhutom na ako at tong anak namin ni Draze" saad nito at umupo. She crossed her arms and legs then raised her eye brows towards me.

"Ano, tutunganga ka nalang ba diyan?" Naiinis na sambit nito. Dali dali naman akong tumalikod dahil nararamdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko.

This is one hell of a torture. Mas gugustuhin ko pang physical na saktan ako ng asawa ko kesa sa ganito. This is torture. Mas masakit ito.

I prefer getting beat up kesa sa araw-arawin nitong ipamukha kung ano lang ako. Kung sino ba talaga ang mahal nito.

Ayoko na. Sumusuko na ako. Tama na ang isang taong pagiging martyr ko.

Agad kong pinatay ang stove at tumakbo palabas ng bahay.

Nakabungguan ko pa si Draze na papasok sa kusina.

"Where are you going?" Walang ganang tanong nito sakin. I face him one more time sabay iling.

Tuluyan na akong tumakbo palabas ng bahay. Malayo sa kanya. Malayo sa taong mahal ko.

His Regrets (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon