31

5.4K 81 2
                                        

(Adi's POV)

Napabalikwas agad ako ng bangon mula sa kama ko. Hinihingal ako at pawisan.

D@mn it! Kailan ba ako lulubayan ng panaginip na iyon?

Napatingin ako sa relo sa ding ding. It is was almost midnight.

Napatingin ako sa bintana kung saan kitang kita ko ang bilog na bilog na buwan at mga bituin na nagkikislapan.

Napabangon ako sa kama ko at tinahak ang lamesa sa may tapat ng bintana ko at nag salin ng tubig sa baso dahil nanunuyo na ang lalamunan ko. Ang kaso, ubos na pala ang laman nito.

Inis kong ibinagsak ito sa mesa at hinagilap ang tsenelas ko.

Wala akong choice kundi ang bumaba. Sana naman wala ng gising na mga gwardya or kasambahay. Ayaw na ayaw ko kasing may makakakita sakin.

Ewan ko ba kung bakit. Basta ang alam ko lang, gusto kong magtago sa lahat. Gusto kong mapag-isa palagi.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Nakapatay na ang lahat ng ilaw at ang tangin bukas lamang ay ang night light na ilaw sa sala. Wala na rin akong naririnig na mga yabag ng tao.

"San nga ba ang daan papunta sa kusina?" Tanong ko sa sarili ko matapos kong lumabas sa kwarto ko.

Binaybay ko ang hallway at bumaba sa hagdan.

Tumingin muli ako sa sala dahil baka may tao. Luckily, wala naman.

Dumeretso na ako papunta sa kusina at agad binuksan ang ref. Inilabas ko mula dito ang isang pitsel ng tubig at sinalinan ng malamig na tubig ang baso ko.

Iinumin ko na sana ang tubig ko ng makarinig ako ng mahihinang kaluskos at mga yabag.

Napatigil ako at humarap sa direksyon kung saan ko naririnig ang mga yabag.

Hindi kaya may multo dito?

And since when did I believed in ghost?

Ipinilig ko ang ulo ko at ibinaba ang basong hawak ko.

Kalma Adi. Kalma.

Mas lumakas pa ang mga yabag at parang papunta ito dito sa kusina!

Napalunok ako at agad hinagilap ang walis na nasa gilid ng ref at itinaas ito para pag sumulpot man ang kung sino ang may ari ng mga yabag na iyan, mapukpok ko agad nitong walis.

"Ahhh!" Sigaw ko ng tuluyan akong may maaninag na dalawang bulto ng tao na sumulpot dito sa kusina at pinagpupokpok silang dalawa.

"Aray! Teka! Sino ka ba!" Saad ng isa habang ang isa naman ay kinapa ang switch ng ilaw.

Tuluyang lumiwanag ang living room kaya nakita ko kung sino man ang dalawang tao napukpok ko ng walis.

Yung isa ay si Draze tapos yung isa, older version ni Draze.

"Adi?" Makapanabay na tanong nilang dalaw.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at ibinaba ang walis na hawak ko.

"Sorry. Akala ko kasi magnanakaw kayo" nahihiyang sambit ko.

Sh!t! Epic fail yun. And since when did I learned how to cursed? Naman oh! Bakit ba kasi wala pprin akong naaalala.

"Your Adi right?" Tanong ng older version ni Draze.

"I think so" di siguradong sagot ko since maskin ako, hindi ko kilala ang sarili ko.

"Why are you here? Gabi na ah" tanong ni Draze habang matamang nakatingin sakin.

Umiwas ako ng tingin at lumapit sa counter para kunin ang baso ko.

"Nauuhaw kasi ako" mahinang sagot ko at ininom na ang tubig ko.

"Eh kayo, bakit kayo nandito?"

"Chris just called earlier. Ang sabi niya ay may mga natagpuang bangkay na palutang lutang sa dagat mga passenger ng eroplanong sinakyan niyo" sagot nito at kumuha rin ng tubig sa ref.

"Nagbabasakali lang ako na kabilang doon ang anak natin. But I really hoped na hindi. Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na baka makasama ulit natin siya. Na baka buhay pa si Ice" mahinanh dagdag nito at ininom ang tubig na isinalin niya sa basong hawak niya.

Napatungo nalang ako dahil wala akong alam sa ikenukwento niya.

Bumaling ito sa kasama niya at tumango siya.

"Let's go" aya nito at bumaling sakin.

"Matulog ka na rin. Hindi ka dapat magpapapuyat" paalala nito sakin at nginitian ako.

For some reasons, I just found myself nodding and smiling towards him.

He gaved me a genuine smile before leaving.

Sh!t. Ano ba talagang nangyayari sakin?

His Regrets (COMPLETED)✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon