Chapter 8

13K 204 5
                                    


(Jascha's POV)

Napanguso ako ng makitang wala si Adi at si Icey baby my loves sa loob ng talyer na pinagtatrabahuhan nito.

Lumapit ako kay Jonas na siyang nag-aayos ng makina sa ginagawa nilang sasakyan.

"Asan si Adi?" Untag ko. Napatigil naman ito at hunarap sakin.

"Hindi ko nga rin alam eh. Basta sabi ni Boss nag file daw muna ng leave. Baka bukas babalik rin yun" sagot nito sakin. Mas lalo akong napanguso at lumabas na.

Naman eh! I miss Icey baby my loves na. Kasi naman eh, ang cute cute cute cute ng batang yun. Ang sarap nga pisilin.

Pumasok na ako sa convenience store na pinagtatrabahuhan ko at kumuha ng isang tub ng ice cream.

"Mamaya ko nalang to babayaran" untag ko kay Pao na siyang papalit sakin sa cashier. Tapos na rin naman kasi ang shift ko. 7:00-3:00 habang si Pao naman ay 3:00-10:00.

Lumabas na ako at binuksan ang tub. Na sasad talaga ako. Miss ko na si Icey.

Paulit ulit lang?

Napabuntong hininga ako at inumpisahan ng kainin ang ice cream. Broken hearted na nga ako nadagdagan pa dahil iniwan ako ni Icey. Kainis talaga yang si Adi, hindi nagpapaalam. Ayoko na! Tampo na ako.

Biglang tumilapon palipad ang hawak kong tub ng bigla akong may makabunggo na isang batang lalaki.

Napanganga ako at tiningnan ang tub ko ng ice cream na tumapon tapos sa bata.

Waahhh! Ice cream ko.

"Sorry po Mister"

Waahhh!! Mister daw oh! Porket short hair, naka bull cap, naka loose shirt at pantalon Mister na agad? Waahh taob ang beauty ko.

"Miss po baby boy" pagtatama ko at lumapit sa ice cream kong natapon. Mangiyak ngiyak kong pinulot ang tub at itinapon sa basurahan.

Babye my beloved ice cream!

"But you look like a boy po. Hindi naman po nag dedress ng pang boy na mga damit ang ate ko" singit ni baby boy.

Ginulo ko lang ang buhok nito. Disguise ko to baby boy para hindi ako madaling makilala ng mga nakakakilala dati sakin.

"Kirk!" Tawag ng isang boses lalaki. Napatingin ako sa gawi ng tumawag at automatic na nanlaki ang mga mata ko.

Why oh why! I'm starting to hate this small world.

Napatili ako ng mahina at ibinaba ang suot kong bull cap.

"Babye na baby boy" paalam ko at dali daling naglakad paalis.

(Zeb's POV)

Asan na ba ang batang yun? Papatayin talaga ako ni Kuya Yuan once na mawala ko ang anak nito.

"Kisha, are you sure na dito pumunta ang pasaway mong kakambal?" Tanong ko sa babaeng pamangkin ko. She nodded towards me at iginala ang paningin nito.

"There!" Turo niya. Sinundan ko naman ng tingin ang tinuro niya.

Si Kirk tapos may kausap itong lalaki ata? Base sa pananamit nito at pag-galaw mukhang lalaki. Marami namang mga lalaki na rin diba ang nagpapahaba ngayon ng buhok.

Nakita kong ginulo nito ang buhok ni Kirk.

"Kirk!" Tawag ko. Napatingin naman sakin ang lalaki. Nanlaki ang mga mata nito at agad na ibinaba ang bull cap na suot nito.

Naningkit ang mata ko.

Wait, she looks familiar?

Malayo kasi kami sa kinatatayuan nila ni Kirk kaya medyo mahirap kong aninagin kung sino ba ting lalaking to.

Lalapitan ko na sana ito ng bigla itong magpaalam kay Kirk at patakbong umalis

Napakamot ako sa batok ko at nilapitan si Kirk.

"Sino yun?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang ito at nauna ng maglakad.

She really looks so familiar. Parang kamukha ni Jascha.

"Come on Tito! I'm hungry na po!" Reklamo ni Kisha at hinila hila ang laylayan ng damit ko

Napabuntong hininga ako at naglakad na paalis.

(Back to Adi's POV)

"Wow mommy! Ang big po nitong house! Kanino po ting house?" Manghang tanong sakin ni Ice at iginala ang tingin sa kabuuang bahay ni Draze.

Napabuntong hininga ako habang unti unti na namang bumabalik ang mga sakit na nararamdamam ko sa mga nangyari sa loob ng bahay na ito limang taon na ang nakakalipas.

I bit my lower lip at tiningnan rin ang kabuuan nito. Nothing change. The furnitures, painting, ang kulay ng walls. Everything. Except and ambiance nitong bahay. Parang ang lungkot at napakatahimik dito.

"This is my house Ice. Our house. From now on, dito na kayo titira ng mommy mo" sagot ni Ice at tumabi samin ni Ice.

Napatingin naman dito si Ice. Happiness and excitement are all written in his face.

"Talaga? Dito na po tayo titira mommy sa house ni Daddy?" Tanong nito. Napangiti lang ako at dahan dahang tumango.

"Yehey!!" Sigaw nito at yumakap sa bewang ko then yumakap din ito kay Draze.

I couldn't help but smile. I am loving what I am seeing right now. Hindi ko aakalain na magiging ganito kasaya ang anak ko kayakap ang tatay niya.

Kung mas sinabi ko ito sa kanya ng maaga, I could have seen that kind of smile na nakikita ko ngayong yakap niya ang Daddy niya.

Napakagat labi ako at umiwas ng tingin.

Time can't turn itself back. Atleast I am seeing Ice smile like this.

Para sa anak ko, gagawin ko ang lahat mapasaya lang ito. Even it means hurting my self.

His Regrets (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon