"Stupid a**hole mutt. D@mn the son of a b*tch. Jerk" I mumbled habang kinukumpuni ang sirang makina ng isang sasakyan.Narinig ko ang pagbuntong hininga ng dalawa at lumapit sakin.
"I think you should go home. Siguradong naghihintay doon si Ice. Don't worry, we will assure na hindi na makakabalik yung lalaking yun kanina" untag sakin ni Rhyon. Napatayo naman ako bigla at napatampal sa noo ko.
Oo nga! Si Ice! Malamang gutom na yun. Hindi ko pa kasi naluluto yung curry. Naman oh.
Nagmadali akong lumabas ng talyer at dumaan sa 7/11 at bumili ng donuts tsaka slurpee. Mamayang gabi ko nalang lulutuin ang curry.
Pagkarating ko sa apartment, naabutan kong nanonood ng cartoons sa t.v si Ice habang kumakain ng lollipop.
Inilapag ko muna ang mga binili kong pagkain tapos nilapitan ko si Ice na wiling wili sa pinapanood niya.
"Hi baby"
Nabaling ang tingin nito sakin. Tumayo ito sa sofa at yumakap sa bewang ko.
"Look mommy oh! Tita Ganda gave me this" saad nito at tinuro ang lollipop na kinakain niya.
Napangiti at agad tumabi kay Ice.
"Gusto mo bang uminom ng slurpee? Mommy bought some"
Nagningning agad ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Agad agad itong bumaba sa sofa at tumakbo patungo sa kusina para kunin ang mga pinamili ko.
Napaunat ako ng katawan ko. Feeling ko, drained na drained ang energy ko ngayon.
Pasalamat nalang kay Rhyon at Dex. Kung hindi dahil sa kanila, malamang hindi parin umaalis yung Draze na yun.
Yung gagong mokong na yun. Nagpakita pa kung kailan aganda na ang buhay namin at tatawagin akong wife. Pwe! Gago siya. GAGO.
Ano ako? Laruan na pwede niyang balik balikan kung gusto niyang may mapag laruan?
Nako! Hindi pwede yun! May pride ako at hindi na ako papayag na mag papakababa ulit ako ng pride ko para sa isang lalaking hindi naman deserving ni katiting ng pagmamahal ko.
"Mommy! Come po! Eat po tayo!" Sigaw ni Ice mula sa kusina. Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti.
"Coming baby!"
Morning....
"Good morning po mommy!" Masayang bati sakin ni Ice. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at binalingan itong tingin.
"Good morning my baby" bati ko at pinugpog ito ng halik.
Bumangon na ako sa kama at naligo agad.
"Gusto mo bang sumama ulit sa talyer?" Tanong ko kay Ice habang pinupusod ko ang buhok ko.
"Mamaya nalang po mama. Mag paplay po kami ni Jess at Aika" sambit nito habang punong puno ng cereals ang bibig nito.
"Be good okay. Wag kang lalayo sa bahay nila Tita Ganda mo at Tito Edgar" bilin ko kay Ice na ang tinutukoy ay ang kapitbahay naming sina Edgar at ang asawa nitong si Marie na si Tita Ganda niya kung tawagin.
"Say Hi nalang po kay Tito Daddy at kay Daddy Pogi mama" habilin ni Ice. Tumango ako at lumabas ng apartment kaso napatigilako ng may isang itim na kotse ang nakaparada sa gate ng apartment namin. Tinted ang bintana nito kaya hi di makita ku g sino ba ang nasa loob nun.
"May bisita ka Adi?" Tanong ni Marie na nagwawalis sa bakuran nila. Napakunot ang noo ko sabay iling.
Biglang bumaba ang bintana ng kotse at halos murahin ko na ang lahat ng bad words na alam ko dahil lulan ng itim na yung kotse ang lalaking kinaiinisan ko mag mula kahapon pa.
Napatingin ako sa loob ng apartment. Nakaupo pa sa dining table si Ice at kumakain ng cereals.
Marahan kong sinara ang pinto at naglakad ng hindi pinapansin si Draze.
"Adi" tawag nito at dali daling lumabas sa kotse. Mas binilisan ko ang paglalakad ko kaso naabutan parin ako nito.
Hinawakan nito ang braso ko at hinigit paharapsa kanya.
"What do you want?" Asik ko dito at matalim itong tiningnan.
"Let's talk"
"Wala na tayong pag-uusapan pa" may diing sambit ko at binawi ang mga kamay ko. Agad agad akong tumalikod at binilisan ang paglalakad.
Isang tili ang lumabas sa bibid ko ng bigla ako nitong buhatin na parang isang sako ng bigas.
Nagpupumiglas ako at pinagdadamba ang likod nito.
"Let me go you stupid a**hole jerk" sigaw ko at pinagpapadyak ang mga paa ko.
"I said let's talk"
"Wala na nga tayong pag-uusapan eh! Ang kulit mo!" Sigaw ko dito at nararamdaman ko ang unti unting paghapdi ng gilid ng mga mata ko.
Ano ba yan!
"Bitawan mo nga ako Draze. Ayokong makausap ka. Ano, ipapamukha mo lang saakin kung ano ba talaga ako sa buhay mo? For pete sake Draze! Five years na po yun! Alamna alam ko na ang posisyon ko! Kaya nga ako umalis diba!" Sigaw ko habang patuloy ang pagpupumiglas sa pagkakabuhat niya.
"Stay still" sambit nito at binuksan ang shot gun seat. Mas lalo akong napatili at pinagdadamba ang likod nito.
"Let go!"