44

6.8K 104 0
                                    


"He's fine. He's with Nathaniel. Andun na sila sa labas naghihintay"

Nakahinga naman ako ng maluwag at ngumiti.

I jump towards him and hugged him once more.

"Thak you, thank you"

I faced him then gave him a peck on the lips.

"Ahem. Ito nalang muna ang suotin mo Adi" rinig kong tikhim ni Kuya Yuan.

Napalayo naman ako kay Draze at tumalikod.

Napatingin ako sa katawan ko at mabilis itong tinakpan.

D@mn! Napunit nga pala ang pang-itaas kong damit.

Naramdaman ko ang paglapit ni Draze at siya na ang nagsuot sakin ng damit.

"Don't be shy. I've seen it all" may panunuyang saad nito dahilan para mas lalong pumula ang pisnge ko.

"Ahem ulit. Mamaya na yan. We have to move. We still need to capture Staphanie" biglang putol ni Zeb.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Draze. Tumango ito at hinila ako palabas ng kwarto.

"Your here too?" Tanong ko kay Zeb na kasunod lang namin habang tinatahakang madilim na hallway.

"Ngayon mo lang napansin?"

Ngumiti ako at umiling. Actually, kanina ko pa siya napansin. Pero ngayon lang nagka-oras para tanungin siya.

"State the obvious. I am here. Unless isang dummy ang nakikita mo dito na kamukhang kamukha ko" sarkastikong saad nito.

Nakita ko naman ang pagbaling ng tingin ni Draze at sinamaan ng tingin si Zeb.

"Sabi ko nga, tatahimik na. Kay Jascha my labs nalang ako mag kukuwento mamaya" bulong nito.

Hindi ko na siya napagtuonan ng pansin ng biglang may pumutok na isang baril sa labas nitong bahay na kinaroroonan namin.

"Shit! Sina Nathaniel!" Bulalas ni Draze at tumakbo na palabas habang hila hila ako.

Binuksan nito ang double door. Bumungad samin ang dalawang katawan ng lalaki na nakahandusay sa sahig tapos may isang lalaking nakatago sa likod ng puno, may tama ito ng baril sa kanyang balikat habang nakatutok ang baril nito.

Nasa likod nito si Ice na kasalukuyang umiiyak at nanginginig sa takot.

"Ice!" Sigaw ko at akmang tatakbo ng bigla akong higitin ni Draze pabalik sa loob dahil kamuntikan na akong tamaan ng baril.

"Careful wife" saad nito at sumilip sa labas.

Napatingin sakin si Ice at taktakbo sana palapit ng hapitin ito ng lalaki at ibalik sa kanyang likod.

I bit my lower lip at umiling iling sa kanya.

Stay there baby. Be safe.

"Five mens are outside including Stephanie" anunsyo nito.

"Take down the four men while Zeb take down Stephanie. Ako ang lalapit kay Nathaniel at kay Ice" utos nito.

Ngumiti naman si Zeb at may idinikit sa damit dito, sa may dibdib.

SPO2 Zeb Brandon Cruise.

Napangiwi naman ako ng dikitan din nito ang damit ni Kuya Yuan ng sticker.

SPO1 Yuan Brixen Cruise.

Napailing nalang ako. He is still the same Zeb Brano Cruise I used to know.

"And you Adi, stay here"

"But-"

"Ayokong mapahamak ka pa. It's my duty as a husband and a father to protect my wife and my child. Don't worry, I'll be fine" he kissed my forehead bago unti unting lumabas para puntahan sina Ice.

His Regrets (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon