Napahawak ako sa sentido ko ng bumaha ang labis na sakit sa ulo ko.
Napaungol ako at dahan dahang umupo.
"Mo-mommy!"
Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang sigaw ni Ice.
"Are you okay mommy? Tanong niya at hinawakan ang braso ko.
Agad nagsitulo ang mga luha ko at akmang yayakapin ito ng mapatigil ako.
Napatingin ako sa kamay ko. Nakaposas ito ng isang kadena.
Tiningnan ko ang bata.
"I-Ice, ikaw yan diba?" Naniniguradong tanong ko sa anak ko. Tumango tango ito habang wala na ring humapay ang pagtulo ng luha nito.
Napangiti ako ng lumapit ito sakin at yumakap. Gustuhin ko mang yakapin ito pero hindi ko magawa dahil nakatali ng kadena ang mga kamay ko. Umusog ako palapit dito at pinugpog ito ng halik.
Para na akong baliw dahil tulo ng tulo ang mga luha ko pero nakangiti ako. Hindi ko maiwasan eh. Sobrang saya ang nraramdaman ko dahil nandito na ulit sa mga bisig ko ang anak ko.
"Aww.... What a happy reunion" napatigil ako sa paghahalik ko sa anak ko at tumingin sa taong nagsalita.
She's an epitome of beauty, I can't deny it. Pero sa kabila ng gandang taglay nito ang pait at sakit na nakaguhit sa mga mata niya.
"Ste-steffy?" Garagal kon tanong dito. Kinabig ko palapit sakin si Ice upang protektahan ito.
"Steffy? I'm not" nakangising sagot nito at unti unting humakbang palapit samin.
"Nice to meet you b!tch" saad nito sabay hablot sa buhok o kung kaya't bahagya akong napadaing at umangat sa sahig.
"Mo-mommy! Let go of my mommy!" Sigaw ni Ice at sinipa ang babae. Bigla namang may dumating na isang lalaki at kinuha nito ang nagwawalang si Ice.
"Bi-bitawan mo ako!" Sigaw ko at nagpupumiglas ng bigla akong sampalin nitong babaeng may hawak sakin.
"Shut up!" She shouted between gritted teeths at mas hinila pa ang buhok ko.
Napangiwi naman ako pero pinanatili ko ang mukha kong poker. Hindi ako masisinak sa simpleng pananabunot niya lang.
"Listen very well" saad nito at inilapit ang ulo ko sa kanya.
"I'm gonna kill you b!tch. You and your precious son" bulong nito at tinulak ako pasalampak sa sahig.
"Try to hurt my sonand I'm gonna kill you first" banta ko rin.
Binigyan ako nito ng sarkastikong ngiti bago lumabas sa kwarto.
Inis akong umupo sa sahig at tiningna ang kamay kong may posas.
The only problem is this piece of sh!t in my hand. Paano ko mataanggal to ngayon?
