Tumayo ako mula sa pagkaka squat at napakamot ng batok dahil sa pagkapahiya sa sarili ko
"Hinahanap ko lang ang ballpen ko. Nahulog ko kasi eh" palusot ko. Tumango tango naman si Draze at bumaling sa likuran ko. Napatingin ako kay Jascha na nakatakip parin ang mga mukha nito sa palad niya.
"Who is she?"
"Umm... wa-wala. Katrabaho ko lang" alanganing sagot ko. Sumilip naman si Jascha tapos tumili muli.
"Jascha?" Tanong ni Draze.
Tumayo si Jascha at biglang tumakbo palabas ng talyer.
Bigla namang napangisi si Draze at sinundan ng tingin ang tumatakbong pigura ni Jascha.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" I asked trying to sound my voice very pissed.
"Visiting you. Masama ba?"
"Oo! Masamang masama" sagot ko agad agad.
Inilagay ko na sa bag ang mga gamit ko at isinukbit ito sa balikat ko. Kinuha ko ang bull cap ko at isinuot ito.
"Akin na si Ice" untag ko kay Draze.
Lumapit naman ito sakin at ngumuso.
"Sama ako" saad nito. Naningkit naman ang mga mata ko at mariing umiling.
"Umalis ka na Draze bago pa ulit maubos ang pasensya ko" tiim bagang saad ko dito at kinuha si Ice.
Nagsimula na kaming maglakad kaso nararamdaman kong may sumusunod samin.
"Will you please leave us alone?" Singhal ko kay Draze na siyang nakasunod samin.
Ngumuso ulit ito at umiling.
Napahilot ako sa sentido ko at binalewala ito. Naglakad muli ako hanggang sa makarating ako sa eskinita. Nilakad ko rin ito hanggang sa tumapat ako sa pinto ng apartment na nirerentahan ko.
"This is where you live?" Tanong ni Draze. Binalewala ko ito at binuksan ang lock ng pinto.
Inilapag ko na si Ice. Agad naman itong tumakbo at nag dive sa sofa.
Pumasok ako sa munting kwarto namin dito at inihagis ang backpack ko sa kama.
"It's small" komento ni Draze at pinasadahan ng tingin ang kwarto namin. Napabuntong hininga ako at umupo sa kama.
"I'm not as rich as you Draze. I can only afford to rent this apartment but still, sinisigurado ko namang magiging maayos ang pamumuhay namin dito ni Ice" sagot ko at hinubad ang sapatos na suot ko.
It may be not as fancy as those other mansions as long as masaya ang anak ko, okay na ako. Hindi naman ako laki sa yaman kaya hindi narin ako nahirapang mag adjust lalo na noong walang wala ako.
"Then live in my house. Kayo ni Ice" sambit nito. Napatingala agad ako kay Draze at tiningnan ito.
At ano? Live with your other family? No thank. Mas mabuti nang ako lang ang nakakalam na meron na itong pamilya kesa sa harap harapang makita ito ni Ice.
Binawi ko ang tingin ko at itinuon ito sa hinuhubad kong sapatos.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. Naglakad ito patungo sa kama at umupo sa tabi ko.
"I know what you are thinking. Wala sila doon Adi. At ang mga sinabi noon ni Steffy five years ago are all lies. Hindi kami nagkaroon ng anak Adi, at hinding hindi kami magkakaroon" sambit nito sakin.
Nabaling ang tingin ko dito at naguguluhang tiningnan ito.
Ano?
"Now, papayag ka na bang doon na kayo tumira ni Ice?"
Yumuko ako then bit my lower lip. I want to give Ice the lif Ice deserve at alam kong mas magiging maganda ang buhay nito pag pumayag akong doon na kami tumira sa bahay ni Draze. Afterall, he is his father.
Tiningnan ko saglit ito bago tumango. He smiled at me then wink bago lumabas sa kwarto.
Napahiga ako sa kama at pilit pinapatigil ang puso kong nababaliw na naman.
For Pete's Sake! Wag mo akong ipahamak puso ka kundi ipapatorture kita.
