Special Chapter

12.3K 154 15
                                        


(Adi's POV)

Napabusangot ako ng makita ko si Draze sa tabi ko ng magising ako ng hating gabi.

Pano ba hindi ako maiinis, eh anong oras na naman yan umuwi kagabi. Then aalis ng napakaaga. Uuwi ng late then aalis ulit ng umaga.

Araw araw nalang. Siguro may katagpo tong babae? Naku naku. Kung meron man, hindi siya makakaligtas sakin. Kakalbuhin ko tong asawa ko at ipapalapa sa buwaya doon sa Manila Zoo

Bwiset siya.

Umusog ako at nilagyan ng unan sa gitna namin.

Matutulog na sana ako ng biglang kumalam ang sikmura ko.

Gutom na ata si baby.

"Psst. Draze" tawag ko dito at niyugyog ang balikat niya.

"Hmm?" Sagot nito habang nakapikit parin ang mata

"Nagugutom ako" bulong ko.

Bumangon naman ito mula sa kama habang pupungay pungay ang mata nito. Halatang pagod at antok na antok.

"Ipagluto mo ako"

Napabuntong hininga ito.

"You know that I can't cook Adi. Magpaluto ka nalang kay Manang Terisita" saad nito at humiga sa kama.

"Ayoko. Gusto ko luto mo" pamimilit ko.

"Sige na"

"Draze"

"Hubby"

"Pagluto mo na ako"

"Sweet-"

"Stop it Adi. Magpaluto ka nalang ka Manang Terisita. I'm tired" napapitlag akong bahagyang tumaas ang boses nito.

Kinuha ko ang unan at sumubsob doon dahil feeling ko, maiiyak na ako.

First time in history na nainis siya sakin dahil sa mga cravings ko. Kasalanan ko ba kung hinahanap hanap ng sistema ko ang luto niya?

"Kasalanan mo to eh. Hindi naman ako mag cacrave sa luto mo kung hindi mo ako binuntis! I hate you!" Saad ko dito habang tulo na ng tulo ang mga luha ko.

Naramdaman ko nama ang pag-uga ng kama then ang pagyakap nito sakin.

"Sshhh, I'm sorry Adi. I'm very sorry. Pagod lang ako kaya ko yun nasabi. Tahan na, sorry na. Ipagluluto na kita" saad nito.

Suminghot singhot ako bago tumingala.

"Really? Promise yan ah" paninigurado ko dito.

Hinalikan naman nito ang tungki ng ilong ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Promise. Now, what do you wanna eat?"

Napaisip naman ako. Ano nga ba? Parang hindi naman ako nagcacrave sa pagkain. Nag cacrave lang talaga ako sa luto ng asawa ko.

"Anything basta luto mo"

Napangiti naman ito at ginulo ang buhok ko.

"I'll be back. Magluluto muna ako ng pagkain para kay baby at sa misis ko" sambit nito bago lumabas ng kwarto.

Ngumiti ako at hinintay siyang pumasok pero lumipas na ang isang oras ay wala parin siya.

Napahikab ako at pumikit. Maybe iidlip nalang muna ako.

-Morning

Mapabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng kalabog sa sala.

Napatingin ako sa gilid ko. As usual, wala na naman si Draze.

His Regrets (COMPLETED)✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon