(Adi's POV)"Sir Draze, your flight tomorrow is ready. 9:00 po ang alis niyo dito at baka 1:00 na kayo makakarating doon sa NY" rinig kong sambit ng secretary ni Draze.
May mga investors kasing kikitain doon si Draze at ichecheck niya ang site na pagtatayuan ng bagong branch nito ng companya niya.
"Are you sure isasama mo kami ni Ice? Baka makaabala lang kami sayo"
Tumingin sakin si Draze at ibinaba na ang tawag. He smiled at me tapos lumapit at tinulungan ako sa pag-eempake ng mga damit na dadalhin namin papunta sa New York.
"Of course. Mas gusto ko ngang andun kayo. Malulungkot lang ako doon mag-isa" sagot nito.
"And beside, ayoko namang iwan kayo dito ni Ice"
Tinaasan ko ito ng kilay at sumimangot.
"Are you saying that I can't take care of our son?" Tanong ko dito. Napalingon ito sakin at umiling iling.
"No, no, no. Hindi yun ang ibig sabihin ko" mabilis nitong sagot sakin. Napahagikhik ako at ngumiti dito.
"I'm just joking Draze. Halikana. Kain na muna tayo" aya ko dito at tumayo na.
Kinabukasan...
"Mommy, sasakay pa tayo sa plane? Tapos mag fl-fly?" Sabik na tanong sakin ni Ice.
Buhat buhat ko si Ice habang si Draze naman ay hila hila sa right hand niya ang maletang dala namin. Iisang maleta lang daw ang dadalhin namin sabi ni Draze dahil doon na daw kami bibili sa NY ng mga ibang damit namin.
Edi siya na! Siya na ang mayaman.
"Yes baby. Excited ka na bang sumakay sa ariplane?" Tanong ko kay Ice.
Ngumiti naman ito ng pagkandalawaklawak at tumango tango.
"Yes momm. It will be my first time na makasakay ako sa airplane" masayang sagot nito sakin.
Niyakap ko naman ng mahigpit si Ice at nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa airport.
Napatigil lang ako ng biglang hawakan ni Draze ang kamay ko at marahan itong pinisil.
"Bakit?" Tanong ko pero nginitian lang ako nito.
"Para hindi ka mawala" tipid nito sagot.
I just shrugged my shoulder at benalewala ito.
Maya maya lang, napatigil ulit kami ng biglang mag ring ang phone nito.
Kinuha niya ito at sinenyasan niya kaming madali lang ang pagsagot niya sa tawag.
Tumango naman ako at inilapag na sa sahig si Ice dahil sumasakit ang balikat ko dahil mabigat na tong baby ko.
"Hello Marie....... not, not yet. Mga 30 minutes pa bago ang flight namin......... yes, natapos ko ng pirmahan yun....... what? May changes na gusto si Mr. Suarez ng changes??...... what?! Now?.......... okay okay, I'll be there in a minute" at binaba na nito ang phone niya.
Tumingin ito sakin then kay Ice na inosenteng nakatingin lang sa kanya.
"I think we can't go today. May changes kasing nangyari sa pag sign ng contract sakin ni Mr. Suarez kaya pinapabalik-"
"It's okay Draze. Unahin mo na muna yang trabaho mo. We can have a family bonding some other time right?" Sambit ko dito. Napakamot naman si Draze sa batok nito bago bumaling kay Ice na nakatingin dito.
Mag sasalita na sana ito ng biglang may dumamba kay Draze.
"Hey Kuya Drazey!" Nakangising saad ng nakababatang kapatid nito na si Zeb.
"Argh! Get the h*ll off me" galit na saad ni Draze at pilit na kinalas ang braso nitong nakapulupot sa leeg niya.
Tawa lang ng tawa si Zeb hanggang sa mabalingan nito kami.
"Hey Ads!" Bati nito at lumapit sakin habang may nakalagay na isang malaking bag sa likod nito.
Lumapit siya kay Ice at kinarga ito.
"Where to?"
Inis namang inayos ni Sraze ang damit nito at tiningnan ng masama.
"Sasama dapatkami sa NY kay Draze kaso mukhang maka-cancel ito" sagot ko.
"Greet! Sakin nalang kaso sumama. Papunta rin ako ngayon doon sa NY. Ang as for you Kuya Drazey, sumunod ka nalang" mabilis nitong sabi kay Draze at inagaw ang maleta. Ibinigay niya ito sakin at hinila ako patakbo.
"What the h*ll! Zeb Brandon Cruise! Ibalik mo ang asawa at anak ko!" Sigaw nito.
Tumawa lang si Zeb habang patuloy kami sa pagtakbo papasok.
"Akala ko ba friends lang kayo!" Sigaw nito pabalik na siyang ikinailing ko.
"Fine! Just take care of my wife and son. Pagmaynakita ako sugat or gasgas sa asawa at anak ko, paoatayin kita. And I'm dead serious!" Huling sigaw ni Draze. Tumigil naman kami sa pagtakbo at bumaling kay Draze
Zeb saluted habang si Ice naman ay kumaway kaway dito.
"Bye Daddy! Sunod ka po agad ah! I love you po!" Sigaw nito at patuloy na kumakaway kaway.
"We'll wait for you. Siguraduhin mong susunod ka ah! Or else babangasan kita. Wala pa naman akong alam sa NY" sigaw ko sito. I saw him smiled bago tumango tango.
He mouthed the words I love you bago kumaway kaway sakin.
Nginitian ko lang ito pabalik at tumango tango.
I know. I know.
Kumaway kaway nalang rin ako bago na kami tuluyang pumasok kung saan kami maghihintay ng flight namin.
Finally! Makikita ko na rin ang itsura ng New York.