(Draze's POV)
"So gumana naman ang plano?" Tanong ni Zeb at prenteng umupo sa sofa.
"T*ngina ka. Hindi, ang sakit. At hindi ko naman nagawa ang plano mong maging pilay ako. Nadulas mismo ako sa puno kaya heto at nakabenda na tong bali kong braso" naiinis na singhal ko dito. Humalakhak naman ang magaling kong kapatid at sumimsim ng alak mula sa kanyang baso.
Ayoko sanang gawin ang plano niya kasi ayaw ko lang. Ayokong lokohin si Adi pero nakikiayon yata samin ang tadhana at talaga namang napilayan ako.
"Edi effective ng. Kitams, inalagaan ka ni Adi" sagot nito. Napangiti naman ako dahil totoo yun pero saglit lang yun dahil napangiwi muli ako dahil kumirot na naman ting braso ko.
"Pero pansin ko, medyo ilag parin sayo si Jascha. Next step na ba tayo?" Tanong ng mokong na ito.
Next step? Hanggang ilang step ba to?
"Be kind to her. Maging mabait ka-"
"Aba aba! Yun naman ang ginagawa ko ah!" Sabat ko agad. Tong mokong na ito, so iniisip nitong nagiging masama parin ako kay Adi?
"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Um.... bawas bawasan ko ang pagiging mabait. Baka ma weirduhan sayo si Adi. Bumalik ka sa ugaling una niyang nakita noong college pa kayo. Yung tahimik, bookworm at minsan lang magsalita na Draze" sagot nito.
Napaisip naman ako. Hindi ko ata kaya yun. Hindi ko kayang hindi kausapin si Adi kasi everytime na nasa malapit siya, hindi ko maiwasan hindi ibuka ang bibig ko upang kausapin siya.
"Too much? Hahahah alam ko namang hindi mo kaya eh. Eto nalang, pagselosin mo siya"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Zeb. Say what? Si Adi? Paseselosin ko? No way! Hindi ko naman maatim na makitang magselos si Adi dahil lang sa kagustuhan kong bumalik na ang loob nito sakin.
"T*ngina mo Zeb!" Sigaw ko pero pinagtawanan lang ako nito.
(Adi's POV)
Agad akong napabalikwas ng bangon ng mapagtanto kong wala ako sa kwarto ko. Nag-inat ako dahil medsyo sumasakit ang likod ko.
Hala! Nakatulog pala ako?
Iginala ko ang paningin ko sa kwarto ni Draze. No sign of him. Kahit anino niya ay wala.
Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto ko.
Hinubad ko agad ang mga damit ko at tuloy tuloy na pumasok sa banyo.
Ilang minuto lang, nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
"Sandali!" Sigaw ko at agad tinuyo ang katawan ko. Nakatapis lang ako ng tuwalya ng lumabas ako.
Napanganga ako ng maabutan ko si Draze na nakaupo sa kama ko. Bumaling ang tingin nito sakin tapos sa katawan ko. He looked at me from my toes up to my head. He smirkes when his gaze settled in my eyes.
Agad namula ang mukha ko at binato ito ng mga damit ko. Sakto naman sa mukha nito ang mga damit ko.
"Labas!" Sigaw ko. Napahalakhak ito at tiningnan ang mga damit kong binato sa kanya.
"Your such a tease wife" saad nito at itinaas ang kapiraso ng telang binato ko sa kanya.
Mas namula pa ang mukha ko ng mapagtantong panty ko pala iyon.
Waaahhh!!
Kinuha ko agad ang libro na nakalagay sa shelves at bianto ito sa kanya.
"Bastos!" Sigaw ko. Tumayo lang si Draze at humahalakhak na lumabas ng kwarto ko.
Agad akong tumakbo papunta sa pinto at nilock iyon.
Please remind me to kill that jerk later.
