(Draze's POV)
"What are you planning Draze? It's been months" tanong ni Yuan.
Nakatanaw lang ako sa glass window kung saan kitang kita ko ang mga gusali sa ilalim ng building.
"I don't know yet. I don't wanna force her to remember me" mapait kong saad dito at umalis na sa kinatatayuan ko.
"Then don't force her! Let her remember. Hayaan mo siyang siya mismo ang makaalala ng lahat lahat" saad nito na parang hindi na alam kung anong gagawin sakin.
He is righ. Wala pa naman kasi akong ginagawa para maibalik ko ang memorya ni Adi. Hindi sapat na kwentuhan ko siya gabi gabi ng mga nakaraan niya.
"Help her Draze. Gusto mo nalang bang maghintay na makabalik ang ala ala niya? Paano kung hindi na. Paano kung matagalan?" Tanong ulit nito.
Napatitig ako dito at umiwas ng tinging.
"Then, what do you suggest?"
"Reincarnate your memories with her. Gawin mo ang mga bagay na ginagawa niyo dati. Maybe it will trigger some of her memories" suhestyon nito.
Reincarate our memories?
"You mean, gagawin ulit namin ang lahat ng mga ginagawa namin dati?" Tanong ko. Tumango tango ito at ngumisi sakin.
"Gawin mo ang mga bagay na nagpapakasaya kay Adi" dagdag nito bago nag ring ang cellphone nito.
Tiningnan niya ito saka ngumiwi.
"Geh bro, alis muna ako. Hinahanap na kasi ako ni Sarah eh, baka saan na naman yun magpunta pag hindi pa ako nakauwi in ten minutes" paalam nito at mabilis na umalis sa opisina ko.
Napaupo naman ako sa swivel chair ko at humalukipkip. Reincarnate. Saan nga ba ako mag-uumpisa? From the start? Hindi ko na yata makakayang saktan si Adi.
Maybe umpisahan ko nalang kung saan ulit kami nagkita.
Sa Talyer!
(Adi's POV)
"I will be quick manang. Magpapahangin lang po ako sa labas then before lunch, uuwi na po agad ako" paalam ko kay Manang Tesa. Sa lahat ng kasambahay dito, kay Manang Tesa lang talaga ako napalagay at bakikipag-usap. Yung iba kasing maid, ilag sakin or yung iba, ako mismo ang lumalayo sa kanila.
It's like, mayroon akong trust issues kaso hindi ko alam kung bakit. Maybe may nangloko na sakin noon dati kaya hirap akong mag tiwala sa iba.
"Ohsya. Basta mag ingat ka ha? Tumawag ka agad dito sa Telepono ng bahay pag may nangyari sayong hindi maganda. At wag kang magpapalate kundi ako ang malilintikan kay Boss Draze"
Napangiti naman ako at yumakap dito.
"Thanks Manang! Promise po mag-iingat po ako" sambit ko dito atkumalas na sa pagkakayakap ko sa kanya.
Pumunta ako sa garahe kung saan naghihintay si Mang Naldo, asawa ni Manang Tesa na siyang maghahatid sakin sa mall na pinakamalapit dito sa subdivision na tinitirhan ko.
Mga ilang minuto rin ang tinagal ng biyahe bagokaminakarating dito sa mall.
Malaki ito. Every corner of this mall shouts with class. Marami ring tao dito ang naglalakad patungo sa iba't ibang direksyon o di kaya ay bumibili.
Doon na dumeretso si Mang Naldo sa parking lot. Doon nalang daw niya ako hihintayin.
Nagpalinga linga ako sa paligid at tumingin tingin sa mga damit na naka display dito. Window shopping ba kung tawagin.
"Excuse me Miss, sayo ba to?" Untagng isang baritonong boses sa likuran ko.
Napatalikod ako para lang makita ang isang lalaking may hawak ng pitaka ko. Matangkad it, kasing tangkad lang ni Draze. Matitipuno ang mga braso, moreno, itim ang buhok nito at itim na itim ang mga mata niya. Pinoy na pinoy.
"Ah, thanks" sambit ko at inabot na ang wallet ko. Ngumiti ito sakin bago luminga linga sa paligid.
"I'm Kyro. Kyro Mike Batalier" pakilala nito sakin sabay lahad ng mga kamay niya.
"Um, Adi. Adrianna Cruise" pakilala ko rin at tinanggap ang kamay nitong nakalahad at nakipag shake hands.
Ngumiti muli ito bago kinalas ang pagkaka shake hands namin.
"So pano ba Adi. Alis na ako ha. Next time ulit" paalam nito at tumalikod na.
Napatingin nalang ako sa pigura nitong lunalayo na sa pwesto ko. Why do I feel so off towards him? Hindi naman ito pamilyar saki, actually no one is familiar in my eyes. Pero ewan ko ba.
Baka nasobrahan lang ako sa kape kaya ganito ang pakiramdam ko. Nakaubos kasi ako kahapon ng tatlong mug ng kape eh. Baka nasobrahan lang.
Tumalikod na ako pero wrong move dahil may tao rin palang naglalakad malapit sa likod ko kaya nabunggo ko ito.
Tumapon sakin ang shake na iniinom niya kaya heto, at nag color brown na ang puting damit na suot ko.
"Sorry, hindi kita nakita. Sorry talaga" hinging paumanhin ko at tumingala dito.
Babae ito. Maganda at mestiza. Nanlalaki ang mga mata nito at nakaawang ang bibig na nakatitig sakin.
"Y-you!"
