"I'm tired na po Daddy. Kahapon lang tayo dumating sa house galing sa beach" reklamo ni Ice habang naglalakad kami dito sa mall.
Medyo marami rami ang tao dahil malapit na nga ang pasukan, madaming bumibili ng school supplies.
At nandito kami para bumili rin ng school supplies para kay Ice dahil ipapasok na namin siya ngayong pasukan.
"Up up!" Saad nito kay Draze at nag pabuhat. Yumuko naman si Draze para buhatin si Ice na kanina pa reklamo ng reklamo.
Napangiti naman ako. Draze loves Ice very much. At nakikita ko iyon hindi lang minsan kundi araw araw.
"Wife, saan tayo bibili ng school supplies ni Ice?"
Ay wow! Sabi ng friends lang eh tapos ang endearment niya pang mag-asawa na.
"Sa National Bookstore" sagot ko at pumasok na.
Sumunod naman ang dalawa at tumungo sa section ng mga notebooks.
"Mommy! Gusto ko po Phineas and Ferb"
Napatingin naman ako sa mga notebooks. May isang set ng notebook na lima agad ang laman na may cover na phineas and ferb. Agad ko itong kinuha at inilagay ko sa basket kong hawak.
Kumuha na rin ako ng mga lapis, eraser, pantasa at madami pa. Basta yung typical na ginagamit ng mga bata sa school.
Matapos bayaran ang mga pinamili namin, tumungo kami ni Draze aa isang storw kung saan nagbebenta ng mga bags.
"Here baby oh, diba favorite mo ang adventure time?" Turo ko sa isang trolley na adventure time ang design.
"Eto nalang para mas medyo boyish. Spider man" turo ni Draze sa katabing trolley nito na spider man ang design.
Tumingin ako kayDraze at tiningnan ito ng masama. Kinokontra niya ba ako?
"Sabi ko nga adventure time nalang. You want that baby?" Baling nito kay Ice.
Ngumisi naman ako. Ha! Ano ka ngayon! Adi for the win!
"Yes Daddy. Mas like ko po ang adventure time kaysa kay Spider man" untag nito. Kinuha na ni Draze ang trolley at binayaran kaagad ito.
"Saan na tayo pupunta next?"
"I'm hungry. Let's eat" anunsyo ko. Tumango tango naman silang dalawa dahil sa suggestion ko. Malamang nagugutom na rin sila.
12:00 na rin kasi eh.
"Where do you want to eat baby?" Tanong ni Draze pero hindi ito nakatingin kay Ice kundi sakin.
Inismiran ko lang siya at tumingin kay Ice.
"Sa Jollibee po!" Masayang sambit ni Ice. Nakabgiti namang tumango si Draze at ibinaba na si Ice.
Hawak hawak nito ang left hand ni Draze habang naka hawak naman si Ice sa right hand ko.
"Jollibee! Jollibee!" Ice keep chanting habang papunta na kami sa Jollibee.
"Ayt! Ang cute ng anak nila" rinig kong saad ng isang babae na malapit sa entrance ng Jollibee. May mga kasama rin itong iba pa.
"Oo nga. Gwapo. Manang mana sa mga magulang niya" sagot nito.
"Ang ganda naman nilanh tatlong tingnan. Ang sweet nilang magpamilya"
Napangiti na ako ng tuluyan. Family. I wanted to hear that more.
Someday, maybe that can be true. Maaaring magiging totoong pamilya na kami.
But for know, I'll let time heal me. Hanggang sa bumalik na ang tiwala ko sa mga taong nasa paligid ko.
Nakangiti akong tumingin kay Draze. Ngumiti rin ito then winked at me bago kami tuluyang pumasok sa loob.
