Sa sumunod na araw, binisita muli kami dito ni Rhyon.
Masayang masaya si Ice dahil namimiss daw nito ng sobra sobra ang Tito Daddy niya.
Ako naman, syempre masaya. Matagal tagal ko na ring hindi nakikita tong mokong na ito. Sabi ko nga dalhin din dito si Dex kaso nag bakasyon pala kaya si Rhyon lang ang nakapunta dito.
"Tito Daddy, look oh!" Masiglang sambit ni Ice at ipinakita ang drawing niya ng isang bahay kay Rhyon. Napangiti naman si Rhyon sabay gulo sa buhok ni Ice at todo puro pa dito.
Nabaling ang tingin sakin ni Rhyon at ngumiti.
"Nga pala Ads, may resort doon sa probinsya ni Dex na kakabukas lang. Gusto sana kayong ayain na pumunta doon. Na miss ko rin-"
"Hindi pwede" sabat agad ni Draze na kakarating lang dito sa sala. As usual nakakunot ang noo nito.
Kahapon pa yan nag tatantraums. Parang menopausal na babae dahil hanggang sa umalis dito ssi Rhyon at sumapit ang gabi hanggang ngayon, nakakunot ang noo niyan.
"At bakit naman aber?" Mataray na tanong ko dito.
"May lakad tayo bukas. Mananatili tayo doon ng isang linggo" sambit lang nito at umakyat na papunta sa kwarto niya
Napabuntong hininga nalang ako at ngiwing ngumiti kay Rhyon.
"Okay lang. Sa susunod nalang" ngiting sagot nito sakin. Ngumiti ako at tumango dito.
Maya maya lang, nagpaalam na si Rhyon dahil may trabaho pa daw siya sa talyer. Speaking of talyer, namiss ko ng mag trabaho doon. Paano ba tong si Draze ayaw akong payagan. Ayaw niya daw mahati ang atensyon ko sa anak namin at sa trabaho ko kaya wala na akong nagawa kundi dumito nalang. Mas magand rin naman kung mababantayan ko ito 24/7.
Iniwan ko muna doon sa sala si Ice na patuloy parin sa pagdadrawing at pinuntahan si Draze sa kwarto niya. Nakahiga ito sa kama habang kunot na kunot parin ang noo nito.
Lumapit ako at hinilot ang noo nito para maging flat ito.
"Problema mo ba?" Tanong ko. Bumalik na naman sa pagkakakunot ang noo niya kaya hinilot ko ito para maging flat ulit.
Hays nako. Sakit sa ulo tong lalaking to.
"I'm jealous" bulong nito but loud enough para marinig ko.
Napangiti naman ako at di kalaunan ay tumawa na.
"Kanino? Kay Rhyon? Don't be, close naman talaga sila ni Ice dahil siya na ang nakagisnang ama ni Ice" sagot ko. Kumunot muli ang noo nito at ngumuso.
Hindi na ako nag-abalang hilutin ang noo nito. Nakaka imbyerna eh. Hihilutin mo para mag flat tapos kukunot na naman ulit.
"Hindi lang yun. The way you act comfortable towards him makes me jealous" nakangusong sambit nito.
Napangiti nalang ako at umiling dito. Not minding the giddy feeling that I feel now.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Tabong ko dahil feeling ko, wala ng magsasalita kung hindi pa ako bubukas ng panibagong topic.
"I don't know. Sinabi ko lang yun dahil ayoko makasama mo siya or ni Ice" sagot nito.
Nanlaki naman ang mata ko at kinuha ang unan sa tabi ko at pinaghahampas dito.
"Baliw ka na ba? Wala naman pala tayong pupuntahan bat sinabi sabi mo pang may lakad tayo" inis na singhal ko dito.
Todo ilag naman ito pero this time, nakangisi na siya.
"Don't be mad. May alam na akong beach na pwede nating puntahan. I was thinking na sa Boracay nalang kaso closure na. May alam ang pinsan kong beach na malapit sa Boracay. May white sand rin ito at malinaw na tubig. Not to mention na hindi pa ito crowded at wala doong masyadong mga building. Tanging mga bahay lang ang of course, ang bahay na ipinatayo ng pinsan ko doon" sagot nito. Napatigil naman ako sa oanghahampas dito.
Boracay? I always want to go to Boracay kaso wala na akong naging time noon. Bata lang ako ng makapunta ako sa Boracay noong isama ako ni Lola sa business meeting nito doon. Unfortunately, noong namatay na ito ay hindi na ako muling nakabalik doon.
"Where?"
"Buruangga"
"Buru- what? Saan yun?" Takang tanong ko.
It's my first time hearing that place. Saan yun? Bat parang wala akong nakikitang lugar noon sa mapa na Buruangga ang pangalan? Nag eexist ba yun?
"You'll see. Now go and pack up your things. Aalis kaagad tayo pagaapit ng umaga" pangtataboy nito sakin.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dito but I won't lie. I like the idea of me, Ice and him going into a vacation.
It makes me feel giddy again at hindi ko iyon maiwasan.
