45

8.4K 94 0
                                        

Napatili ako ng ilang beses na nagpalitan ng putok ng baril.

I stayed hidden behind the door kahit gustong gusto kong lumabas. Pero ano nga bang maitutulong ko? Hindi naman ako pulis. Hindi rim ako marunong bumaril. Magiging sagabal lang ako doon.

Napatili muli ako ng tumagos ang bala mula sa pintuan at tumama ito sanisang pader kung saan malapit akong nakatayo.

"D@mn it" rinig kong mura ni Draze.

Napatingin ako dito at hilaw na ngumiti.

Nakatago ito sa isang puno malapit dito sa bahay kung saan ako ngayon.

Nakatingin ito sakin habang puno ng pagalala ang kanyang mukha.

I smiled then mouthed 'okay lang ako'

"Close your eyes and cover your ears Adi!" Sigaw nito sakin.

Kahit na naguguluhan ako sa pinapagawa niya, ginawa ko parin.

Umusog ako ng konti dahil baka matamaan ako ng bala at ipinamtakip ang dalawang kamay ko sa tenga ko.

I closed my eyes gently. Tanging mahihinang putok ng mga baril ang naririnig ko.

I am silently praying na sana, walang masaktan sa kanila. Na sana ligtas silang lahat.

Napamulat ako ng mata wala na akong marinig na mga putok.

Napatingin ako sa may puno pero wala akong nakita doon. Binaha agad ng pangamba ang sistema ko at dali daling dumungaw sa labas.

Sa lupa na ang apat na lalaki at mukhang nahimatay yata tapos si Zeb at Yuan, nakatutok ang mga hawak nilang baril kay Stephanie.

"Mommy!"

Nagitla ako ng biglang may maliliit na bisig ang yumakap mula sa likuran ko.

Napatalikod kaagad ako. Napangiti ako ng makitang si Ice ang nakaakap sakin habang nasa likod nito si Draze.

"Baby" bulong ko at niyakap din ito pabalik.

I smiled widely habang tulo ng tulo ang mga luha ko.

"Duty accomplished" rinig kong sabi ni Draze bago ko naramdaman ang pagyakap nito samin.

One month later........

"Ayoko sayo! I hate you! I hate you!" Napangiwi ako ng umalingawngaw ang boses ni Jascha sa buong bahay namin.

Napa-indian seat ako ng upo sa sofa habang may tangan tangan akong isang bowl ng popcorn.

"Ayoko sayo! Magsama kayo ng babae mo!" Sigaw nito.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sa Zeb at mga gamit na nagliliparan patungo kay Zeb.

"Ano na namang problema nila?" Tanong sakin ni Draze ng tumabi ito sa sofa sabay akbay sakin.

"Ayaw naman. Nakira kasi ni Jascha na may kasamang babae si Zeb. Alam mo naman, nagiging emotional ang mga buntis kaya inassume niyang babae yun ni Zeb" paliwanag ko at kumuha ng popcorn para isubo ito kay Draze.

"Eh ikaw ba? Kailan ka ba mabubuntis? It's already a month, hindi parin tayo nagkaka baby"

Pinamulahan agad ako ng mukha sa tanong niya aabay tampal sa balikat niya.

Ito talaga. Hindi makapaghintay.

"Layas! Alis!" Sigaw ni Jascha kasabay nito ang paglipad ng libro sa mukha ni Zeb.

Napatawa ako ng mahina at umiling.

"Seriously Adi? Kailan pa ba tayo magkakababy?"

"Let's just focus on Ice first. The memory is still fresh for him. Let's just help our baby recover from the incident then tumutok tayo sa panibagong baby natin. Okay?" Saad ko dito.

Napabuntong hininga naman ito at tumango.

"Right. Our baby can wait. Let's just focus on Ice for the mean time"

Exactly! Yan nga ang sinabi ko.

"Umalis ka na! Layas!" Sigaw ni Jascha at sinarado ang pinto.

Napangiwi nalang ako at tumayo na.

"Let's leave" aya ko kay Draze sabay hila dito.

"Where are we going?"

"San mo ba gusto?" Tanong ko pabalik.

He grinned towards me tapos hinawakan nito ang bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya.

"In our room"

"Tangek! Ang manyak mo" sagot ko agad at lumayo.

Tumingin ito sakin sabay hagalpak ng tawa

"What? Anong manyak don? Sabi ko lang naman pumunta tayo sa kwarto dahil inaantok na ako. Matutulog lang tayo doon. Ikaw ha, ang green ng utak mo" panunukso nito sakin.

Kinuha ko naman ang trow pillow sabay bato dito.

"C-che! Ewan ko sayo!" Sigaw ko at nagmartsa paalis.

D@mn him.

His Regrets (COMPLETED)✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon