"Wow! Ang ganda po dito Daddy!" Manghang bulalas ni Ice. Napatingin naman ako sa paligid.
Andito kami ngayon sa isang resort called Paradiso. Simple lang ang mga cottages at mga inns. May basketball court rin dito at napakalawak ng front beach.
Hindi rin siya masyadong crowded dahil hindi pa sikat itong resort na ito kaso may mga iilan ng nag sta-stay inn dito at ang iba pumunta lang para maligo sa beach.
Tinahak namin ang daan papumta sa inn namin. Maliit lang ito pero sakto naman sa iisang pamilya. May second floor ito at gawa ang mga muebles sa kahoy at nipa naman ang atip.
"I want to swim na! Swim!" Sigaw ni Ice pagkapasok namin sa kwarto dito para ibaba ang mga dala namin.
"Teka lang baby. Mag bihis ka muna ng swimming trunks mo" saad ko at kinuha sa backpack ko ang swimming trunks nito.
Pagkatapos kong bihisan si Ice, inayos ko na rin ang mga damit namin sa cabinet na nakalaan dito.
"Daddy! Let's swim na!" Rinig kong sambit ni Ice. Napatalikod ako ng tingin.
Naka labas narin ng banyo si Draze. Naka swimming trunks lang rin ito at walang suot na pang-itaas na damit.
Ngumiti ito sakin at itinaas baba ang kilay niya.
Agad akong tumalikod dahil nararamdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko.
D@mn. Pwede namang magsuot ng shirt diba? Kailangan ibalandra ang katawan doon.
"Alis na kami" paalam nito. Tumango lang ako at kunyaring mag kinukuha sa bag ko pero ang totoo, wala ng laman ang bag ko.
Napatingin ako sa relo, 4:00 na ng hapon kaya naman, kitang kita ang sunset mula dito.
Masaya akong lumabas at pinanood ang paglubog ng araw.
The whole place began to lit ng tuluyan ng lumubog ang araw.
May mga tao paring lumalangoy sa dagat. Syenpre kasama na ang mag-ama ko.
Nagbihis ako ng short shorts at t-shirt lang at dumeretso sa mini kitchen nito. Kummpleto rin ang mga gamit. Buti nalang naka grocery kami kanina bago pa pumunta dito.
Hinanda ko na ang mga ingredients at inumpisahan ng hatiin ang manok. Plano kong magluto ng tinolang manok ngayon.
Nasa kalagitnaan na ako ng paghahati ng manok ng bigla akong napatili dahil niyakap ni Ice ang bewang ko.
Napasulyap naman ako at ngumiti. Nasa likod rin nito si Draze at nakatayo lang.
"Sh!t" biglang bulalas ni Draze at dali daling lumapit sakin.
Kinuha nuto ang kamay ko at inilapit ito sa lababo.
"Bak-"
"Does it hurt?" Tanong nito at itinapat ang daliri ko sa running water.
Huli ko na mapagtanto na nasugatan pala ang daliri ko dahil sa pagkakagulat kanina.
"Mommy! Sorry po" saad ni Ice at lumapit samin.
"It's okay baby. Hindi naman siya masakit eh" sambit ko dito at nginitian siya to assure him that I am just fine.
"Masakit pa ba?" Tanong ni Draze at pinatay na ang tubig.
"Medyo lang naman" sagot ko dito.
Kumuha ito sa kabinet ng first aid kit. Inilabas nito ang cotton, betadine at band aid.
"No! Wag po yan!" Biglang saad ni Ice at kinuha ang betadine.
"Mahuhurt po si mommy niyan" dagdag nito.
Napatingin naman sakin si Draze tapos pabalik kay Ice.
"Then anong igagamot ko kay mommy kung masakit panggamot yan?" Tanong ni Draze kay Ice. Napaisip naman bigla si Ice.
Ilang segundo itong tahimik at nag-iisip lang. Nakatingin si Draze kay Ice habang ako, nakatulala sa kamay kong hawak hawak niya.
Nabalik lang ako sa huwisyo ng biglang sumigaw si Ice
"Alam ko na po! Kada may sugat ko ak, kinikiss ni mommy yung sugat ko" hindi po yun masakit tapos madali pa pong gumaling!" Suhestyon nito.
Nangamatis bigla ang mukha ko. Mukhang alam ko na ang ipapagawa ng magaling kong anak sa ama niya.
"Ah eh baby-"
"Sige na pi daddy. Kiss niyo na po ang sugat ni mommy" saad nito na parang nababagot na.
Tumingin naman sakin si Draze at ngumiti sakin bago nito hinalikan ang sugat ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko trying to hide my smile.
"Yehey! Macucure na pi ang sugat ni mommy" saad ni Ice at siya na ang naglagay ng band aid dito.