Napahiga ako sa sahig ng storage ng makaramdam ako ng pangangalay ng likod ko. Hindi ko na alintana kung madumi ba ito basta ang mahalaga sakin ay mapahinga ko muna tong nananakit kong likod.
Nabaling ang tingin ko sa Ducatti na kasalukuyang inaayos ko. Dahil sa bored kanina, pumunta ako dito sa storage para sana tumingin tingin ng mga lumang gamit dito hanggang sa makita ko ang motor ni Draze.
At dahil nangangati tong mga kamay ko, I tried tofix it but failed. Dahil na rin ata sa kalumaan. Ayos pa naman sana kaso may butas ang makina nito at tumatagas ang gasolina.
Gusto ko sanang bumalik doon sa talyer dahil gustong gusto ko na mag-ayos ng mga kotse at madama ang grasa sa kamay ko.
Napailing ako at ngumiti ng bahagya. Nababaliw na ata ako eh.
Humikab ako at bahagyang nakaramdam ng antok. Ipinamtakip ko ang braso ko sa mga mata ko at bahagyang umidlip.
Hindi naman ata nila ako hahanapin ano?
(Ice's POV)
"Mommy?" Tawag ko kay mommy sa kusina kaso wala ito. Pumunta rin ako sa room nito at sa living room, sa bathroom at lahat na ata ng kwarto dito sa house ni Daddy ay napuntahan ko pero wala parin si mommy.
I pouted then lumabas ako ng house.
Maybe nagtago na naman si Mommy kay Daddy. Palagi niya kasi yung ginagawa. Almost one week na kami ditong nag lilive sa house ni Daddy. Nag try si Daddy na mag talk kay Mommy kaso palaging sagot ni mommy, some other time daw or busy ito. Or minsan, nawawala ito pag andito sa house si Daddy.
I just can't understand Mommy. Diba dapat ang mommy love ang daddy? Love naman ni mommy si Tito Daddy at Daddy Pogi ah kasi Daddy ko sila.
Umiling lang ako at pumunta sa garden.
"Mommy?" Tawag ko pero walang sumagot.
Napabuntong hininga ako at lumabas sa gate kaso bigla kong nakita si Daddy. Nakakunot ang forehead nito habang kausap ang isang girl na nakahawak sa braso nito.
"Get the h*ll out of here Steffy before I lose my cool" tiim bagang na pagtataboy ni Daddy sa girl. The girl pouted at lumapit ang face ni Daddy.
Mas napanguso ako at lumapit sa kanila. Why does this girl touched my Daddy's arm? At bakit hinahayaan iyon ni Daddy. Akala ko ba love nito ang mommy ko kaya bakit hinahayaan nitong may mag touch sa braso niya.
Dapat si mommy lang ang pwede!
I stopped at the girl's place and I stomped at her foot.
"Ouch! What the heck!" Reklamo nito at napakahawak sa paa nitong tinapakan ko.
I crossed my arms at inis na hinarap ang bad girl at si Daddy.
"Stop flirting with my Daddy. Si Daddy ay para kay Mommy ko lang" saad ko dito then stick my tongue out.
Her eyebrows met at galit akong tinitigan.
"And you Daddy! I hate you!" Sigaw ko at nagmartsa paalis.
Pumunta ulit ako sa garden at may nakita akong maliit na house na bahagyang nakabukas ang pibto noon.
Tumakbo agad ako at pumasok sa loob.
"Mommy!" Sigaw ko ng makita si mommy na nakahiga sa sahig habang natutulog.
Napabalikwas ito ng bangon at ngumiti agad ng makita ako.
"Ice" nakangiting tawag nito pero bumusangot lang ako.
Lumapit ako dito at umupo sa lap ni Mommy.
"I hate Daddy" nakabusangot na sagot ko.
Before mommy could utter any word, biglang bumukas ang pinto ng maliit na house na ito at ang pawisang di Daddy ang bumungad samin.
Tiningnan ko ito ng masama at niyakap si Mommy.
"I don't like you na po" nakabusangot kong saad dito.
