"Mommy!"
"Mommy wake up!"
"Mommy!"
"Adi are you okay?"
"Wake up! Mommy!"
"Hang in there Adi. Magiging okay rin ang lahat"
"Mommy"
"Adi"
"Adi!"
Napalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pagtawag ni Draze sa pangalan ko.
Agad akong napakurap kurap.
Panaginip. Panaginip ulit. Kailan ba ako tuluyang lulubayan ng panaginip na iyon. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya pang makita ulit iyon.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Draze sakin. Doon na ako tuluyang napahagulgol ng iyak.
"Ssshhh.... it's just a dream Adi. Wag ka ng umiyak" pagpapatahan nito sakin.
Ayoko ng umiyak. Pero sa tuwing naaalala ko yun, sa tuwing napapanaginipan ko iyon, hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko maiwasang masaktan.
"Ayoko na Draze. I need to do something. Ayoko ng paulit ulit akong masasaktan ng hindi ko alam ang dahilan" sambit ko dito habang walang habas ang pagtulo ng mga luha ko.
Lumayo bahagya si Draze at tiningnan ako. He cupped my face while looking straight into my eyes.
"We'll find Ice. I'll help you remember everything Adi. I'll help you to remember Ice, and to remember me" saad nito sakin.
I can see sincerity in his eyes. Napangiti ako at tumango dito.
Kinabig ko siya payakap then rested in his shoulders.
"Thank you" bulong ko dito at pumikit na.
"Thank you for not giving up on me Draze" dagdag ko at naramdam ko na ang antok.
Dahan dahan itong humiga sa kama habang nakasandal parin ako sa braso niya.
"Anything for you Adi. I love you" bulong nito at naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi nito sa noo ko.
I smiled contentedly feeling safe inside his arms. Yung tipong walang makakasakit sakin as long as nandito ako sa mga bisig niya.
No doubt. I am falling for this man beside me.
(Someone's POV)
"Let me go! I want my mommy! I want to see her!"
Inis na ibinato ko ang basong hawak ko sa may pinto.
"Shut up or else I'll kill your mommy!" Inis kong bulyaw ko dito.
Narinig ko ang impit na hikbi ng bata at natigil na ang pagkalampag sa pinto.
I grin. Edi ayan! Tumahimik na!
Lecheng bata. Imbis na namumuhay ako ng maayos dito ayan tuloy, nadagdagan ang palamunin namin. Kung bakit kasi pumayag payag ang Kuya kong ampunin muna pansamantala yang batang yan. Eh ni hindi nga namin yan kilala. Ayaw rin magsalita. Basta palaging hinahanap ang nanay niya.
Nakakairita na. Wala ng ibang ginawa sa loob ng dalawang buwan kundi umiyak.
"Please, gusto ko pong makita ang mommy ko" mahina at humihikbing saad nito.
Napailing nalang ako at kumuha ng panibagong baso.
Cry little boy. Cry all you want. Wala akong pakialam sayo.
"Just shut up or else hindi kita papakainin hanggang hindi pa dito dumadating si Kuya" banta ko dito.
Humikbi hikbi lang ito pero tumahimik naman. Atlast! Peace and quiet.
