Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga kalantsing sa kusina.
Kaagad akong bumangon at nagtungo sa labas. Itinali ko na ang buhok ko at hindi na nag-abala pang maghilamos.
"Daddy, lagyan po natin ng strawberries" rinig kong saad ni Ice.
Tuluyan na akong pumasok sa kusina. Naabutan ko silang dalawa na nagdedesign ng isang cake sa mesa.
Napatingin sakin si Ice at ngumiti.
"Mommy! Look oh! Nagluto kami ni Daddy ng cake!" Masayang paanyaya sakin ni Ice sabay pakita ng binake nilang chocolate cake sa mesa.
Umupo naman ako sa upuan. I dipped my hands on the icing and taste it.
"Masarap mama?" Tanong ni Ice. Tumango ako sabay ngiti.
Dinutdot ko muli ang daliri ko sa icing at itinapat ito sa bibig niya.
Ice giggled bago sinubo ang daliri kong may icing.
"Mmm.... yum! Masharap nga po!" Masayang sigaw ni Ice. Kinuha niya ang kamay ko at siya mismo ang dumutdot nun sa icing at itinapat niya naman ang daliri ko sa bibig ni Draze.
Agad akong pinamulahan ng mukha at umiwas ng tingin.
"Ahhh baby-"
"Try po Daddy! Masarap!" Saad nito.
Napakamot naman ng batok niya si Draze.
"Try Daddy!" Pangungumbinsi pa ni Ice. Wala ng nagawa si Draze kundi isubo rin ang daliri ko.
Napakagat labi ako at aagawin na sana ang kamay ko ng mahina niya iting kinagat.
"Draze!" Suway ko at mas lalong namula pa ang mukha ko. He chuckled at umayos na ng upo.
"Couldn't help it" sagot nito sakin.
I dipped my fingers on the icing again at ipinahid ito sa pagmumukha niya.
Sabay kaming napatawa ni Ice. Lumapit ito sakin at kumandong sa lap ko.
"Ugly ka po Daddy"
"Ahhh ganun"
Dinutdot din ni Draze ang daliri niya sa icing at akmang ipaoahid ito kay Ice ng biglang bumaba sa kandungan ko ang anak ko at tumakbo.
"Catchme po Daddy!" sigaw nito at tumakbo. Hinabol naman ito ni Draze hanggang makarating sila sa labas.
Napailing nalang ako at nilinis ang mga ginamit nila sa pagbabake.
"No! Daddy!" Rinig kong sigaw ni Ice mula sa labas sabay hagikhik nito ng malakas.
Napatawa ako ng mahina at dinala ang mga utensils at iba pang mga gamit sa lababo.
Kukuha sana ako ng pamunas para punasan ang counter na puno ng harina ng bigla akong mapatili ng higitin ni Ice ang laylayan ng damit ko.
"What is it-"
Napatigil ang sasabihin ko ng biglang pahiran ni Draze ng icing ang noo ko.
"Hahahah mommy oh! Look at your face!" Natatawang saad ni Ice. Lumapit ito kay Draze at nakipag-apir.
"Ah ganun ha" lumapit ako sa cake nilang binake at hindi lang ang daliri ko ang dinutdot sa icing kundi buong kamay ko.
Nakita naman ni Ice ang ginawa ko.
"Run Daddy! Andyan na po si Mommy!" Sigaw ni Ice at hinila si Ice kaso nahawakan ko ang damit nito at pinunasan ng icing mukha niya tapos ang mukha ni Draze.
Serves you right!
"Waahhh!! Mommy!" Reklamong natatawa ni Ice.
Napatawa nalang rin ako at pinahid ng likod ng palad ko ang icing ko sa noo ko. Tsk. Ang lagkit ko na.
Kumuha ako ng bimpo at inihagis ito kay Draze na kasalukuyang natatawa parin.
*ding*dong*
Sabay kaming napatingin sa pinto ng biglang tumunog ang door bell.
Naghugas muna ako ng kamay bago tumungo sa pinto para buksan ito.
"Who is that?" Tanong sakin ni Draze na kasalukuyang pinupunasan si Ice.
I just shrugged at lumapit sa pinto.
"Yes-"
Tanong ko agad ng mabuksan ko ang pinto pero napatigil rin ng magsalita ito.
"Where is Draze?" Mataray nitong bungad sakin nito at bahagya akong itinulak at siya na mismo ang pumasok sa loob.