Napadaing ako ng bigla akong batukan ni Jascha. I know her. Pinakilala ito sakin kahapon ni Draze.
Nandito kami ngayon sa mall dahil nagyaya tong si Jascha na gumawala.
"I hate you" saad nito at nag cross arms pa sa harap ko.
Napangiti nalang ako at tumayo na sa upuan. She may said she hate me pero alam kong hindi naman yun ang ibig sabihin niya. She just hates my situation. That's all.
"San tayo?" Casual na tanong ko dito na parang matagal na kaming magkakilala.
Hindi naman ako naaakwardan sa kanya. In fact, I feel comfortable with her.
"Bumili nalang muna tayo ng mga cd's then sa bahay niyo nalang natin panoorin mamaya" suhestyon nito. Bago pa ako makaangal, hinila na niya ako papasok sa isang store na nagbebenta ng iba't ibang cd.
Pumunta ito sa section ng family movies at may kinuha na isa.
"Eto! Maganda to. Napanood ko na ito dati" turo nito sa cd ng My Ex and Whys.
"Kilala ko to eh. Si Enrique tapos si Liza-"
Napatigil ito at tiningnan muli ang cd.
"Liza?"
"Liza Bernardo? Oo! Ayun?"
Pfftt... Never heard of Liza Bernardo.
"You mean si Liza Soberano?" Natatawang tanong ko dito. Nangamatais naman ang mukha nito na parang nahihiya.
"Ay, oo nga ano. Eh kaninong apelyido ang Bernardo?"
"Kay Kathryn. Kathryn Bernardo" sagot ko dito.
Bumusangot ito at ibinalik ang cd.
"Ay eto nalang. Si Julia Mon- ay whatever. Wala na akong pakialam sa kanila. Tiranic nalang nga yung kay Leonardo de Caprio" saad nito at dali daling hinablot ang isang cd.
Napatawa nalang ako ng mahina. She's fun to be with. Ang swerte ng lalaking magmamahal at mamahalin nito.
Binayaran na nito ang cd at lumabas na kami ng store.
Marami pa kaming nadaanang iabng store at mga binili ang kaso, may hinahanap talaga ako eh. At hindi ko iyon mahanap hanap sa mga stores na dinaanan namin.
"Umm... Jascha, sa tingin mo ba maguhustuhan to ni Draze?" Turo ko sa isang damit na nakita ko.
Yes, it's for him. I have this feeling na parang espesyal itong araw na ito.
"Si Draze? Why, reregaluhan mo siya?" Tanong nito sabay taas baba ng kilay pa nito.
Okay, what's with that look?
"Oo sana"
"You know kasi Adi, hindi naman mahilif halos ang mga lalaki sa mga regalo. Presence mo lang, sapat na sa kanila. Plus effort, mas maiinlab sila sayo. But if you really want to give him a special gift, siguraduhin mo yung galing sa puso mo" Napangiti ako at tumango tango. At kailan pa naging love guru tong si Jascha?
"How about a personalize necklace? Magugustuhan niya kaya yun?"
"Kahit ano namam basta galing sayon. Inlab na inlab kaya sayo yang si Draze. Naalala ko nga noon nung binigya ko ng t-shirt napambabae si Zeb tuwang tuwa ito eh. Tapo-"
Bigla itong napatigil sa pagsasalita at umiling iling.
Naramdaman ko ang lungkot nito nararamdaman at kitang kita ko iyonsa mga mata niya.
"Tara na nga. Bibilhan mo pa ng gift ang hubby mo" masayang sambit nito at hinila na ako palabas. Bipolar???
Hubby? It's sounds, right. Maybe I should call him that. Ang kyut kasing pakinggan pero baka ma akwardan siya sakin?
Aish! Bahala na nga.