(Yuan's POV)
"It has been revealed that the cause of the recent plane crash was not an act of terrorism but a defect of the aircraft. The airline and the investigation officials analyzed the blackbox and the debris from the crash. They confirmed that a part of the compressor inside the engine was broken-"
Napabuntong hininga ako at pinatay ang telebisyon. Tinapik tapik ko ang balikat ni Draze upang gisingin ito dahil baka nangangalay na ang braso at balikat niya pati likod dahil nakapangalumababa ito sa kama ni Adi habang natutulog.
"Draze, wake up. Doon ka na sa sofa matulog. Mangangalay ka diyan" saad ko dito ng gunalaw galaw ito.
"Dito lang ako. Gusto ko, ako ang mabungaran ni Adi pagkagising nito" sagot nito at hinawakan ang maputlang kamay ni Adi.
Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa kamay ng asawa niya at bumunting hininga muli bago ko nilapitan si Sarah, ang asawa ko.
It's been a week. Isang linggo na siyang andito sa hospital, isang linggo na ring walang pahinga si Draze kakabantay kay Adi at kakahanap sa anak nito kasalukuyan parin nawawala.
"Honey, uuwi muna ako ah. Bibisitahin ko lang muna yung kambal then bukas nalang ako babalik dito" paalam ni Sarah at binigyan ako ng isang magaang halik sa labi.
Tumango tango naman ako at hinalikan ito sa noo bago lumabas na nh kwarto.
"You should rest Draze. Babalitaan nalang kita pag may maganda ng balita tungkol sa asawa at anak mo" sambit ko dito habang ang mata ko parin ay nasa pinto kung saan lumabas ang asawa ko.
Nakarinig ako ng mahihinang at mabibigat na mga paghinga.
Hinarap ko si Draze na nakahalumbaba sa kama ni Adi. Tumataas baba ang balikat nito senyales na umiiyak na naman ito.
When was the last time I saw him cried?
Ah! When Adi left. Then I saw him cry again noong nakita na nito si Adi kaso nawala rin. And then kamakailan lang. Noong magkasama na sila ni Adi. But the reason why his crying that time because he so d@mn happy.
"How can I Yuan? Paano ko maatim na magpahinga habang nandito ang asawa ko sa hospital at lumalaban sa buhay niya habang ang anak ko naman ay hindi ko malaman kung saan napunta?" Tanong nito gamit ang pagod niyang boses.
Mapait akong napangiti at napatingin kay Adi na nakaratay sa kama. May kung ano anong nakaturok sa kamay nito at mga tubo na nakakabit sa kanya.
Agad akong lumapit dito at pabiro itong sinuntok sa balikat.
"D@mn man. You change"
A weak smile appeared on his face tapos hinalikan nito ang kamay ni Adi na hawak parin niya.
"I change for the better" pabulong na sambit nito at tumulo na naman ang mga luha niya.
Agad nitong pinunasan ang mga luha niya.
"Crap. I cannot forgive myself sa oras na may mangyaring masama sa mag-iina ko. Dapat hindi ko sila iniwan noon sa airport. Dapat mas inuna ko sila kesa sa pesteng trabaho ko. Dapat hindi ko na sila hinayaang mag punta sa ibang bansa na hindi ako kasama. Bullsh!t"
Tinapik tapik ko ang balikat nito para pakalmahin siya.
"Don't blame yourself bro. Hindi mo yun kasalanan. Walang may kasalanan. Walang gustong mangyari ito" payo ko sa kanya.
I wanna hug him but that too girlish. Baka pagkamalan pa nitong mokong na ito, bakla ako. At baka mag selos pa ang asawa ko pag nakita nitong may kayakap akong iba.
"Bibili muna ako ng makakain. Maygusto ka bang ipa-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mapatingin ako kay Adi na bahagyang umungol.
"Adi!" natatarantang tawag ni Draze.
Umungol muli si Adi kaya agad agad kong tinawag ang doctor.
Iminulat nito ang mga mata niya. Umupo ito sa kama at iginiya ang paningin sa kabuuan ng kwarto hanggang sa tumigil ito sakin tapos kay Draze.
"A-asan ako" pahina at paos nitong tanong samin.
Nagkatinginan kami ni Draze kung sino ang sasagot sa tanong ni Adi kaso bago pa kami makasagot, nagsalita na muli ito.
"A-at sino ka-kayo" uutal utal na tanong ni samin.
Napakurap ng ilang beses si Draze bago tuluyang nagsitulo ang mga luha niya.
