(Draze's POV)"Ayoko niyan. Ayoko, ayoko, ayoko" Napakamot akong ulo at ipinatong ang plato ng salad macaroni sa lamesa.
"Then what do you want?" Tanong ko kay Adi. Ngumuso naman ito at nag isip.
"Umm parang gusto kong kumain ng pakwan. Ay hindi! Singkamas! Or, or mangga!" Sambit nito. Napaawang naman ang bibig ko. Lahat yun? Kaya niyang kainin ang lahat ng yun?
"Okay then. Magpapabili ako kay Mang Nestor" saad ko at tinawagan ang isa sa mga guard ko para bumili ng mga gusto ni Adi.
"On the second thought, ayoko nalang pala. Mas masarap ang siomai na nilagyan ng maraming bawang" she said.
Napangiwi naman ako at binawi ko nalang ang pinapabili ko. Instead, siomai nalang at bawang ang pinabili ko.
"Yun lang ba?"
"Pwede ring samahan mo ng kwek kwek. Yung kasing laki ng itlog ng ostrich"
Napaawang namam ang bibig ko. Seriously?
"What's with you today. Are you okay?" Nag-aalala kong tanong at lumapit dito.
Ngumiti naman ito at tumango tango.
Kinuha nito ang salad makaroni at nilagyan ng ketchup.
Mas napangiwi ako. What's with her. Nag-aalala na talaga ako. Kanina kung ano ano ang ipinapabili tapos biglang aayawan tapos ngayon, hinaluan ng ketchup ang salad macaroni.
Oh may god! Is she-
"Are you really okay?" Paninigurado ko kay Adi. Kumuha ito ng tinidor at sinimulang kainin ang salad macaro slash with ketchup.
"Yup"
"Are you sure? Baka masama ang pakiramdam mo. We could go to a psychiatrist if you want. May kakilala ako, malapit-"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang lumipad patungo sakin ang kutsara. Tumama nito sa noo ko.
"Hindi ako baliw!" Sigaw nito and then the next thing I knew lumilipad na ang plato ng salad macaroni patungo sa mukha ko.
Huli na para iwasan ko pa kaya ang ending, sumapol ito sa mukha ko.
"Adi"
"Che! Ewan ko sayo! Ikaw ang dapat pumunta sa psychiatrist hindi ako! Or else, doon ka na sa mental dumeretso!" Bulyaw nito sakin at nag cros arms sabay talikod.
Napabuntong hininga naman ako at lumapit dito. I hugged her my the back then rested my head in her shoulders.
"Sorry na. I'm just worried" saad koditowith matching paawa effect ng boses ko pero para walang epekto ito.
Hindi parin ako nito pinapansin.
"Adi baby. Please, sorry na. Ibibili kita ng maramig kwek kwek. Yung kasing laki ng itlog ng ostrich" saad ko.
Humarap naman ito sakin haang napakalaki ng ngiti.
"Talaga? Promise yan ah. Kung hindi, hindi kita papansinin ng isang buwan" nakangiting saad nito. Napangiti ako ng hilaw at tumango tango.
Now, ang problema, saan ako makakakita ng ganun kalaking kwek kwek?
"Mommy! I found it!" Biglang pumasok si Ice. Tumatalon talon ito habang papasok sa kusina tapos may bitbit itong maliit na box na nakabalot sa isang gift wrapper.
"Very good baby. Life saver ka talaga, akala ko nawala ko na. Good thing I have here my baby" saad ni Adi at lumapit kay Ice
Kinuha nito ang box at hinalikan sa noo ang anak namin.
I looked at her then at the box. Para saan naman yan?
"Here oh"
"Para sakin to?" Tanong ko ng ilahad nito sakin ang box.
Ngumiti naman ito at tumango. Lumapit si Ice at nagpakarga kay Adi habang ako, nakatitig lang sa box na hawak ko.
"Open it daddy! I'm sure matutuwa ka po sa gift ni mommy" utos sakin ni Ice.
Binuksan ko naman ang gift wrapper then lastly the box.
Napatitig ako sa laman at hindi malaman kung anong gagawin ko.
Tumingin ako kay Adi tapos sa PT na nakalagay sa loob ng box.
"I-It's positive" bulong ko.
"I'm gonna be a daddy?"
Napatawa naman ng mahina si Adi at lumapit sakin.
"Yes daddy, your gonna be a daddy again" saad nito.
Napahiyaw na ako sa tuwa habang nagsisigaw.
Napahagikhik naman sina Adi at Ice dahil sa reaksyon ko.
I'm just too happy.
Finally! I'M GONNA BE A DADDY AGAIN!
Agad kong niyakap ng mahigpit ang mag-ina ko.
"Thank you. Thank you. Thank you for making my life complete" bulong ko. Yumakap din ito sakin pabalik kasama na si Ice na buhat buhat niya parin.
"Thank you also for making my life complete. I love you daddy"
Napatawa naman akong mahina.
"I love you too Mommy" bulong ko at hinalikan ang noo ni Adi.
"Then what about me?" Sabay kaming napatingin ni Adi kay Icebat bahagyang tumawa
"We love you too baby" sabay naming saad at sabay rin kaming humalik sa magkabilang pisnge ni Ice.
I smile as I looked at my family. I'm complete. My life is complete because without them, there will be no life for me.
They are my life. I will protect them and cherished them and of course love them. Together with a new member of our family.
![](https://img.wattpad.com/cover/166244949-288-k103303.jpg)