(Adi's POV)"Kumain ka na Adi. Kailangan mo ng lakas para makalabas ka agad dito sa hospital"
Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Morena ito at hanggang balikat lang ang brownish nitong buhok. I've seen her before. Araw araw itong nandito sa hospital kasama ang asawa niya. Her name is Sarah but that didn't ring a bell.
Umiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa bintana kung saan tanaw na tanaw ko ang mga nagtataasang buoldings.
Rinig kong ang pagbuntong hininga nito at tumayo.
"Ako na" I heard a man's voice said at ramdam ko rin ang pag-upo nito sa kama, sa tabi ko.
"He-here. You need strength Adi. Please, eat" his voice cracked as he said those words.
Dahan dahan akong bumaling dito. Nangingislap ang gilid ng mata nito dahil sa namumuong mga luha sa mata nito pero nakangiti ito sakin habang hawak ang bowl na may lamang sopas at isang kutsara.
Yumuko ako at marahang umiling.
"Ayokong kumain. Hindi pa ako gutom" sagot ko at yumuko.
In my peripheral visio, I saw him wipe his tears at tumango. Nilagay nito ang bowl sa side table at tumayo.
"Lalabas muna ako. Sasama ako sa pag search kay Ice. Baka mamaya ako makabalik dito. Si Sarah na muna ang makakasama mo" paalam nito sakin at lumabas na ng kwarto.
My forehead creased at nag-umpisa na namang mamuo ang mga luha ko.
It's like I've beenreborn again. Parang natulog ako ng napakahabang panahon at pag gising ko, iba ng mundo ang ginagalawan ko. Iba ng mga tao ang nakikita ko. In fact I can't remember anything.
I can remembet some things pero malabo ito. Ang I hate myself for being this weak.
Hindi ko alam kung bakit nila ako kinakausap. Hindi ko alam kung bakit sila umiiyak lalo na siya pag nakikita ang kalagayan ko. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nila. Hindi ko alam kung sino ang mga binabanggit nila.
But deep in my heart, I can recognize them but theproblem is, I can't remember anything.
"You want anything Adi?" Tanong ni Sarah habang nakaupo ito sa sofa.
"Gusto ko ng lumabas" mahina pero may diing sambit ko.
"You can't Adi. Hindi ka pa pwedeng lumabas dito sa hospital"
"Then leavw. Please, gusto ko munang mapag-isa" bulong ko.
"Pero-"
"Please, kahit sandali lang"
Bumuntong hininga ito at tumayo.
"Sa labas lang ako. Tawagin mo ako kung may kailangan ka" saad nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Humiga ako sa kama at kumurap kurap ng tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"Mommy!"
Napatakip agad ako sa tenga ko ng makarinig ulit ako ng mumunting boses na parang tinatawag ako.
"Mommy wake up!"
Napaupo ako sa kama at diniinan ang pagkakatakip sa tenga ko.
"Aaahhhhh!!!" Sigaw ko ng tuluyang kumirot na naman ang ulo ko habang samot saring boses ang naririnig ko.
"Mommy!"
"Adi are you okay?"
"Wake up! Mommy!"
"Hang in there Adi. Magiging okay rin ang lahat"
"Mommy"
"Aaarrhhhgggg!!!" Sigaw ko ulit. Marahas na bumukas ang pintuan at inuluwa nito sa Sarah na nagpapanic.
"Oh my gosh! Asi, anong nangyari? Okay ka lang ba?!" Natatarantang tanong niya pero hindo ko siya pinansin.
I am sweating and crying hard habang patuloy ang pagsakit ng ulo ko at patuloy ang mga naririnig kong boses sa ulo ko.
"Adi. Doc! Nurse!" Tawag nito.
May nagsipasok namang mga taong nakaputi.
Two mem are holding my hands habang nagpupumiglas ako habang ang isang lalaking nakaputi na may stethoscope sa leeg ay may hawak na injection.
Iniangat ng isang nurse ang damit ko sa balikat at itinurok ng doctor ang injection sakin.
Unti unting nanlalabo ang paningin ko habang humihina na rin ang pagpupumiglas ko at pag-iyak ko.
"Mommy" huling narinig ko bago ako lamunin ng kadiliman.
A/N
Okay? About sa amnesia thingy guys, ewan ko. Fan ako ng amnesia. Nakaka thrill kasi eh kaya naman pangatlo na si Adi sa mga bida ko na nagkaroon ng amnesia. First ay si Vic then si Kiane tapos taran! Si Adi! See, fan ako ng amnesia
