37

4.7K 87 0
                                        


"Cash po ma'am or credit card?" Tanong sakin ng babae na staff dito sa isang jewelry store.

"Credit card nalang" sagot ko at ibinigay ko ang credit card dito.

I want to give Draze something special. A thank you gift for not giving up on me. Anvalso, nalaman ko kay Jascha kanina na brthday niya pala.

So ayun nalang ang magiging birthday gift ko.

It's a necklace na may pendant ng name ko na nasa loob ng heart habang ang isang pinagawa ko ay may name niya na naka engrave sa isang arrow.

"Ito na po ma'am. Maya maya o matatapos narin po yun" magalang na saad sakin ng babae.

I smiled at kinuha na ang credit card then pumunta ako kay Jascha.

"Ayan Adi. Mamayang hapon nalang natin kunin ang necklace na para kay Fafa Draze mo. For now, gala muna tayo!" Hyper nitong sabi ng makalabas kami sa jewelry store.

"Saan tayo? Lunch na muna?"

"Yup, pero bago yan cr muna tayo. Nawiwiwi na talaga ako eh" saad nito at hinila ako papunta sa banyo.

Pero syempre hindi sumama dahil hindi naman ako naiihi.

Nagpaiwan nalang ako sa labas habang siya pumasok na.

"Ayoko po!"

Napalingon ako sa isang malapit na store dito sa may cr.

May isa doong batang medyo payat at naka dilaw. Nakatalikod ito habang hinihila ng isang babaeng naka dress ng itim.

"Ano bang bata ka. Wag matigas ang ulo" pasigaw na saad ng babae na halata ng nagtitimpi.

"Ayoko nga po. Gusto ko si mommy! Mommy!"

Napapikit ako ng biglang kumirot na naman ang ulo ko. Sumandal ako sa wall at hinawakan ang kumikirot kong ulo.

I waited for the pain to subsie ang kaso, mas lumalala ito kada maririnig ko ang pagtawag nito ng mommy.

"Ayoko nga! I wanna go home! I wanna see my mommy!" Sigaw ng bata at tuluyan ng umiyak.

Napamulat ako at tinapik tapik ang pisnge ko. Napatingin ako sa relo ko.

What's taking Jascha so long? Gusto ko ng umuwi dahil pakiramdam ko biglang sumama ang pakiramdam ko.

I looked at their direction pero wala na sila. Pahakbang na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Adi, san ka pupunta?"

Napalingon ako kay Jascha na siyang nakahawak sakin.

"W-wala" sagot ko dito at luminga linga ng biglang may mamataan ako.

My heart skipped a beat.

Kusang gumalaw ang mga paa ko hanggang sa nagtatakbo ako.

"Sandali lang Adi" tawag pa ni Jascha pero hindi ko ito pinansin.

Tumakbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa dagat ng mga tao.

Ang there, I saw my little boy.

"Ice!"

His Regrets (COMPLETED)✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon