Napatayo ako at pinunasan ang pawis ko sa noo gamit ang braso ko.
Nakausap ko ang may ari nitong talyer na ito at ililipat niya ako bukas sa branch doon sa Pasay. Nakahanap na rin ako ng bagong apartment na malilipatan namin at titingnan ko nalang yun mamaya kung doon ba kami lilipat ni Ice.
"Adi, talaga bang tuloy ang paglipat niyo doon sa Pasay?" Tanong sakin ni Dex na kalalapit lang. Kinuha ko ang basahan sa hood ng inaayos kong sasakyan at ipinampunas ito sa kamay kong puno ng grasa.
"Kailangan Dex eh. Magulo na dito ang sitwasyon ko" sagot ko habang patuloy parin sa pagpupunas ng kamay ko.
"Wag nalang kaya kayong lumipat Ads. Malulungkot kami diro ni Rhyon. Wala na kaming magiging kakwentuhan dito sa Talyer at makakakulitan. Wala na ring manlilibre samin dito" nakangusong saad ni Dex. Napangisi ako dito at ibinato sa mukha niya ang basahang hawak hawak ko.
"Ang arte mo" naiiling kong sambit at binuksan ang hood ng kotse.
"Peram ng basahan" untag ko kay Dex na nasa likod ko parin at inalahad ko ang kamay ko dito.
"Here"
Napatigil ako at humarap sa likod. Napa igting ang panga ko sa inis at marahas na sinara ang hood ng sasakyan.
"Ikaw na naman? Kailan mo ba ak tatantanan?" Tabong ko dito at matalim itong tiningnan.
"Hanggang sa makasama ulit kita" sagot nito. Napakunot ang noo ko dito at inihagis sa mukha nito ang isang basahang napulot ko.
"Sinong ginagago mo? Ako? Oh please, cut the act. Umalis ka na nga dito" singhal ko at tinalikuran ito. Nagsimula na akong maglakad palabas ng talyer ng hapitin nito ang braso ko at kinabig ako payakap.
"Bi-bitaw"
"Escaping again huh"
Napapikit ako at inis na kinagat ang pang ibabang labi ko.
Itulak mo siya Adi. Itulak mo.
But my heart says other wise.
"Kung kailangan kong kidnapin ka para lang makapag-usap tayo ng masisinsinan then hindi ako magdadalawang isip gawin iyon" malamig na tugon nito sakin.
Inis akong napatawa at pilit nagpupumiglas.
"Edi gawin mo. As if papayag-"
Napatili ako ng bigla ako nitong buhatin. Ngayon, pang bridal style naman.
Ay leche, ano ba tong pinag-iisip ko.
"Ho-hoy! Lu-lumayo kang lalaki ka!" Singhal ko dito ng mapansin napakalapit ng mukha nito sa mukha ko.
Tumingin ito sakin then I saw him smirked.
"Affected?" Nang-aasar nitong tanong sakin. Automatic na namula ang mukha ko pero pilit ko parin iyong tinago.
"Sino ako? In you worst nightmarez!" Sigaw ko at sinuntok ang braso nito kaso parang wala lang yun sa kanya.
Ni hindi nga umaray ang mokong eh.
"Draze! Isa! Paghindi mo ako binitawan-"
"Pag hindi ka tunahimik hahalikan kita dito" banta nito sakin. Agad agad na napatakip ako sa bunganga ko.
I heard him chuckled at naglakad na patungo sa kotse niya.
"San mo dadalhin ang mommy ko?"
Napatigil bigla si Draze sa paglalakad habang ako naman, nanlaki ang mata ko sa narinig.
Sh!t! Si Ice! No no no. Hindi niya pwedeng makita si Ice.
Tumalikod ito at marahan akong inilapag.
Nakatayo sa harap namin si Ice habang tangan tangan ang stufftoy nitong si Krukru habang kumakain ng lollipop.
"And who are you mister? Why do you look like me?" Tanong ni Ice kay Draze at pinasadahan ito ng tingin mula sa paa hanggang ulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/166244949-288-k103303.jpg)