(Sorry guys! Si Jascha ang nalagay ko! Si Adi pala dapat yun. Nakandalito na. Ahahahah anyways, sorry talaga)Pagkarating namin dito sa bahay, walang sabi sabi akong pumasok sa kwarto at inilock kaagad ito.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko lang, magdamag akong nag-iiyak sa loob ng simbahan. Halos aluin na ako ng lahat doon pero walang nakapagpatahan sakin. Kahit ako nga hindi ko kayang patahan n ang sarili ko gayong hindi ko naman alam kung bakit ako umiiyak.
Basta ang alam ko lang, naghihinagpis tong puso ko at patuloy paring kumikirot.
Tulala akong umupo sa kama at pinagmasdan ang bilog na bilog na buwan mula sa bintana dito.
Makaraan ang ilang minuto, biglang bumakas ang pinto at nakarinig ako ng yabag papasok dito sa kwarto ko. Hindi ko na iyon inabalang tingnan dahil alam ko naman kung sino yun.
It's was Draze, again. Every night, pumupunta ito dito sa kwarto ko para kausapin ako pero hindi ako sumasagot dito. Yet, hindi parin ito tumitigil. Mukhang kakausapin na naman nito ako kahit hindi ako sumasagot sa kanya.
Hindi ko parin kasi siya kilala. Hindi ko parin siya maalala. Ang alam ko lang ay ang pangalan niya at asawa ko daw siya.
"Hi Adi" casual na bati nito pero nahihimigan ng lungkot ang boses nito.
Napalunok ako at inabala ang paningin ko sa maaliwalas na kalangitan.
"Alam mo ba, ayaw mo dati sa dilim. That is why naninibago ako sa tuwing makikita kitang nakatingin sa labas tuwing gabi" kwento nito sakin pero as usual, wala na naman akong isinagot dito.
Napatingin ako dito. Nakatingin ito sakin habang malungkot na nakangiti.
"I'm sorry I couldn't help you. But please, don't blame yourself. Ako ang dapat mong sisihin hindi ang sarili mo. Kung hindi ko lang noon inuna ang trabaho ko, magkakasama pa sana tayo ngayon"
Napatitig ako dito habang unti unting kumikislap ang gilid ng mata nito. Agad nitong iniwas ang paningin sakin at mabilis na pinahid ang mga luha niyang nagbabadyang tumulo.
Bumuntong hininga ito at tumayo na.
Yumuko ito at hinalikan ang noo ko.
"Good night Adi" bulong nito bago lumabas ng kwarto ko.
"Good night" bulong ko ng nasa hamba na ito ng pinto.
Tumingin ito sakin at tipid na ngumiti bago tuluyang lumabas.
(Someone's POV)
"It seem like our plan work. Hindi lang iyon, mas nagustuhan ko pa ang kinalabasan. Mukhang nakikiayon ang tadhana satin" nakangiting bulalas ko kay Mike.
"Is this enough?" Tanong nito sakin habang nasa daan ang mga mata nito dahil nag didrive siya
"It will never be enough Mike pero gusto ko ang nakikita ko ngayon. Gustong gusto kong nakikitang naghihirap si Draze. Akalain mo yun, nawawala ang anak nila tapos nawawala rin ang memorya ng asawa niya" saad ko at tumawa.
I'm enjoying what I am seeing right now. Hindi pa sapat yun. Kulang na kulang pa iyon.
"Then what is your next plan?" He asked bago ipinark ang kotse sa basement ng condo nito.
Ngumti naman ako at tumingin sa labas.
"I don't know. Pag-iisipan ko pa. But for the mean time, makikipagkaibigan muna ako kay Adi. Malay mo on the way may maisip ako" sagot ko dito at humagikhik.
Umiling iling ito bago ngumisi.
"Can't wait babe"
I smiled at him at lumabas na ng kotse niya. I can't wait either. Now, pag-iisipan ko muna kung paano ako makakalapit kay Adi.