I Think last na tong POV dito ni ZZ at Jascha dahil meron na naman silang story.
(Zeb's POV)
"Fvck it. Leave me alone man. Your creeping me out" bulalas ko kay Draze na kanina pa ako kinukulit na tulungan ito sa pag papaamo kay Adi.
"Come on. Anong gagawin ko para hindi na sakin magalit si Adi. Para paniwalaan nitong totoo na ang nararamdaman ko ngayon" patuloy ako nitong kinukulit.
Kunot noong umupo ako sa swivel chair ko at humarap sa laptop ko.
"Please Zeb, please. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin. Ikaw rin nga diba ang tumulong noong kay Yuan para magkabati sila ng asawa niya. Please na Zeb" patuloy na pangungulit nito sakin.
Kinuha ko ang ballpen na nakapatong sa desk ko at binato ito sa kanya.
"Maghanap ka nga doon ng ibang bubulabugin mo! Alis dito! Bago ko pa bangasan yang pagmumukha mo!" Naiinis na singhal ko dito.
Pero persistent talag ang g*go. Umupo ito sa sofa dito sa loob ng opisina ko. Itinaas pa nito ang paa niya at ipinatong sa center table tapos ngumisi.
"Ayaw mong tumulong? Edi wag. Hindi ko rin sasabihin sayo kung nasaan si Jascha"
Natuod ako dahil sa sinabi ng magaling kong kapatid. Gulat akong napatingin dito. Nakangisi lang ito habang prenteng naka upo. Feel at home pa ang mokong.
"A-ano? Si Jascha?" Nauutal na tanong ko
Tumayo ito at tumango.
"Yep. I saw her, kasama ito ni Adi. Kung tutulungan mo ako, sasabihin ko sayo kung saan ko nakita si Adi" nakangising aso pa ang napakagaling kong kapatid.
Pinag-isipan ko muna ang alok ni,Draze. Maya maya nilolojo lang ako nito.
Mataman ko muna tong tiningnan bago bumuntong hininga.
"Fine" I answered in defeat.
Matagumpay na ngumiti si Draze at lumapit sakin.
"Asahan ko yan bro ah" saad nito sabay tapik sa balikat ko.
Nagpaalam na ito at lumabas ng tuluyan sa opisina ko.
Napaupo ako sa swivel chair.
Kung pinagloloko lang ako ni Draze makakatikim talaga ito sakin.
(Adi's POV)
"Mommy!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Ice. Kaso napahiga rin muli ng biglang sumakit ang ulo ko.
"Argh!" Impit kong ungol habang hawak hawak ang ulo kong kumikirot.
Hindi naman ako uminom kagabi ah. Tae, bakit mukhang may hang over ako ngayon?
"Here, uminom ka muna ng gamot para mabawasan ang sakit ng ulo mo" untag sakin ni Draze. Nakatayo ito sa harap ko at may hawak na tray na naglalaman ng isang bowl, baso at gamot.
Bumango ako sa kama at kinuha ang gamot sabay inom nito.
"Sa-salamat" nahihiyang saad ko. Kumuha ito ng unan at ipinamsuporta sa likod ko.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Malamyos na tanong nito sakin kinuha ang bowl na naglalaman ng sopas.
"O-okay lang. Medyo masakit ng kaunti ang ulo ko at medyo nagiginaw ako" sagot ko. Sumandok naman ito ng sopas at itinapat ang kutsara sakin.
"A-ako na" saad ko at akmang kukunin ang kutsara ng bigla nitong isinubo ang laman ng kutsara sa bibig ko.
Napangisi ito at inilagay ang kutsara sa bowl.
Lumapit ang mukha nito sakin at sinapo ng kanang kamay nito ang noo ko.
"Tsk..tsk..tsk.. you are still hot" sambit nito at lumayo na sakin.
Ako? Mainit? Malamang buhay!
"Diba sabi ko wag kang magpapaulan. Yan tuloy nagka lagnat ka"
Ako? May lagnat?
Tumayo ito at pumunta muna sa banyo. Lumabas ito dala dala ang isang palanggana at isang bimpo.
Inilapag niya ito sa side table at kinuha ang basang bimpo at pinunasan nito ang braso ko.
Tiningnan ko naman ang mukha nit. Seryoso lang ito habang nakatuon ang atensyon sa pagpupunas sa braso ko.
"U-umm Draze"
Napatingala ito sakin at ngumiti.
"A-about ka-kagabi-"
Naputol ang sasabihin ko ng patahimikin ako nito samit ang hintuturo niya.
"It's fine. Let's talk about that some other time" sagot nito sakin at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"For now, let me just take care of you"
