(Adrianna's POV)
"Mommy! Wash na po tayo, ma dirty na ang hands at damit ko" reklamo ni Ice sabay pakita sakin ng kamay nitong puno ng grasa. Napatawa ako at pinisil ang mga pisnge nito.
"Mommy!" Saway nito sakin at ngumuso. Mas lalo akong napatawa ng bumakat ang mga daliri kong puno rin ng grasa sa maliit nitong pisnge.
"I'm sorry baby, I just can't help it. Bakit ba ang kyut kyut mo?" Saad ko dito. Mas lalong ngumuso ito sabay tupi ng maliliit nitong kamay sa tapat ng braso niya.
"I'm not cute. I'm handsome" saad nito. Hindi ko na napigilan ang mga kamay ko. Automatic na pinisil ulit nito ang mga matatambok na pisnge ng anak ko.
"Mommy naman eh! Yan tuloy po, mas naging dirty na ako" maktol nito at pumadyak padyak pa.
Napahalakhak ako at tumayo na. Kinuha ko ang gulong ng inaayos kong sasakyan at inilagay ito sa tabi.
"Uwi na tayo?" Aya ko kay Ice. Agad itong tumakbo sa puwesto ko at itinaas ang dalawang kamay niya. Yumuko atat binuhat ito.
"Uwi muna kami Dex! Pakisabi nalang rin kay Rhyon na nauna na kami" paalam ko sa katrabaho ko slash barkada ko.
"Ghe, ingat Adi! Balik ka nalang dito bukas. Patapos narin yung kinukumpuni mong sasakyan eh" Sigaw nito sakin. Nag salute lang ako at nagsimula ng tahakin ang daan pauwi sa munting apartment na inuupahan ko.
Pagkarating namin doon, agad kaming dumeretso sa banyo ni Ice para sabay na kaming maligo.
"Mommy oh! Look oh!" Turo ni Ice sa isang bula na nasa kamay niya. Ngumiti ito at pinaputok ang bula.
"Hahahaha again mommy! Gawa ka po ulit!" masayang saad nito at humagikhik. Gumawa ulit ako ng bubbles at hinipan ito sa direksyon niya. Isa isa niya naman itong pinaputok.
Matapos ang mahigit isang oras na paglalaro namin ni Ice sa banyo, binihisan ko na ito. Binuhat ko ito at pinaupo sa mesa habang ako naman ay lumapit sa lababo upang hiwain ang manok na binabad ko kanina sa tubig para matanggal ang mga yelong nakadikit dito.
"Anong gusto mong ulam baby?" tanong ko habang patuloy naghihiwa ng karne ng manok.
Ice is already four years old. Ang full name nito ay Brice Andi Ashworth. I didnt used Draze's surname. Para saan pa? At tsaka walang amang pumirma sa birth certificate ni Ice kaya apelyido ko ang gamit nito.
"I want chicken curry mommy. Yung hindi po masyadong maanghang" sagot nito. Napangiti naman ako at hinanda na ang mga kasangkapan at ingredients na gagamitin ko para sa oagluluto ng curry.
"One chicken curry coming right up. Hintay ka lang baby ah" Saad ko dito ng biglang mag ring ang cellphone ko na naka patong sa mesa.
"Could you answer that baby?"
Tumango si Ice at kinuha ang cellphone ko.
"Hello?"
"Yes po, nakauwi na po kami"
"No, mama is cooking my favorite food!"
"Mama, Sabi ni Tito Daddy ay nagtatampo daw po sa inyo si Daddy Pogi because hindi daw po kayo nagpaalam dito" sumbong sakin ni Ice. Napahagikhik namam ako at lumapit kay Ice.
"Hoy Rhyon! Kaartehan mo" sigaw ko sa cellphone na hawak ni Ice.
"Hoy Adi! Nagtatampo na ako sayo, halatang halata na may favoritism ka saaming dalawa nitong si Dexter. I hechu!" Sagot nito sa kabilang linya.
"Hahahaha tumahimik ka nga Rhyon. Geez, arte nito oh" natatawang saad ko dito.
"Anyways, bat kayo napatawag?"
"Um.... ano kasi eh. Ma-may naghahanap sayo dito kanina" sambit ni Dexter na parang hindi pa sigurado kung sasabihin ba sakin o hindi.
Kinuha ko ang phone kay Ice at umupo sa isang dinning chair.
"Sino daw?"
"Hindi namin alam eh. Andito pa nga siya sa talyer at hinihintay ka. Hindi naman namin mapaalis dahil parang persistent siyang makita ka" sagot ni Rhyon na parang naiinis. Bumuntong hininga ako at tumayo.
"Fine then, pupunta na ako diyan para naman umalis na kung sino man yan" saad ko at agad agad pinatay ang tawag.
Binalingan ko si Ice na kanina pa pala nakatingin sakin. Nginitian ko ito at binuhat pababa ng mesa.
"I'm fine here mommy. Punta ka na po doon. Baka important po yun"
Napangiti ako sa sinabi ni Ice at kinuha ang jacket ko at sinuot ito.
"Be good baby ah. Babalik rin si mommy agad. Mabilis lang ako" pagpapaalam ko kay Ice. I kissed his forehead bago ako lumabas sa apartment.
"Ed, pakitingnan muna si Ice ha" bilin ko sa kapit bahay namin si Edgar. Tumigil namam ito sa paglilinis ng motorsiklo niya at ngumiti sakin.
"No probs Adi" sagot nito at nag thumbs up pa sakin.
Ngumiti ako at isinuot na ang hood ng jacket kong suot.
Now, sino namam kaya yang mokong na yan na nangbubulabog sa hapon ko at talagang ayaw umalis kung hindi ako ang haharap dito.
Naglakad na ako hanggang sa makarating na ako sa munting talyer na pinagtatrabahuhan ko.
Naabutan kong nakaupo sa hood ng sasakyan sina Dex at Rhyon habang kaharap ang isang lalaking nakaupo sa isang monoblock chair at kunot noong nakatingin sa cellphone niya.
"Where is he-"
Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko ng biglang umangat ang tingin ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napaatras.
Kumurap kurap ako and cursed. Bumuntong hininga ako trying to compose myself.
"What are you doing here?" I asked firmly at galit itong tinitigan.
Hindi ito nagsalita at naglakad lang sakin palapit.
"Stop playing stupid games Draze. Anong ginagawa mo dito?" Naiinis ng tanong ko dito.
But the question is, paano ako nito nahanap dito? At bakit?
Pero ulit, hindi ako nito sinagot. Napatayo na si Dex at Rhyon dahil sa inis nilang nakikita sa mukha ko dahil sa lalaking to.
"Draze-"
Naputol ang sasabihin ko ng bigla nito akong kabigin payakap.
Napasinghap ako. The same feeling envelope my system. It's been five years since I had a taste of this kind of feeling.
"Adi" tawag nito sakin. Hindi ko ito magawang maitulak kahit gustong gusto ko.
My body is slowly betraying me at aminin ko man o hindi, I missed this feeling. I missed this kind of feeling only him could give.
"Wife" he whispered again that made some of the barrier I made crashed.
D@mn this man. D@mn this feeling.