"Waaahhh!! Truth or Dare?!" Hyper na tanong ni Krista kay Chris. Napakamot naman ito ng ulo at masamang tumingin kay Krista.
Sila ang mga pinsan at barkada ni Draze. Pangalawang araw na namin dito at ang dapat na family bonding namin ay nauwi sa wala dahil biglang sumulpot ang dalawa nitong pinsan, dalawang kapatid, at apat na kaibigan.
Si Wella at Krista ang pinsan nito habang si Zeb at Yuan kasama si Sarah ang asawa nito tapos si Chris, Xyron, Hunz at Payton.
About kay Ice naman, kasama ito Kirk at Krisha, ang kambal na anak ni Yuan at Sarah tapos kasama rin nito ang pamangkin ni Krista at ang pamangkin ni Hunz doon sa inn. Kasama naman nila ang kapatid na babae ni Hunz na siyang nagbabantay sa mga bata kaya no worries.
"Dare!" Nakasimangot na sagot ni Chris kay Krista. Palibhasa, magaling talagang bumigay nitong Dare si Krista. Minsan out of the world.
Sukat pa naman pahulihin ng maliit na isda kanina si Peter tapos pag hindi mo nagawa ang dare or kung mag gigive up ka, huhubad ka ng isang gamit sa katawan mo. For example ay ang hinubad kanina ni Peter na relo, ang suot ko ring relo na hubad ko na kanina dahil hindi ko nagawa ang Dare na ibinigay ni Krista rin sakin kanina.
"Ano kaya maganda" tanong ni Krista sa sarili at nag-isip.
"It better be good or else pahihirapan rin kita sa dare mo pag natama sayo mamaya ang bote" pambabanta ni Chris. Napapalakpak si Krista ng may maisip na ito.
"See that tree?" Tanong nito sa puno ng mangga na sa gilid ng inn namin.
"Gusto ko yang akyatin mo tapos manghuli ka ng red ants" utos nito.
Napaawang naman ang bibig ni Chris dahil sa dare ni Krista tapos kami naman napatawa na. Sinong matinong tao ang makakahanap dyan ng langgam eh ang dilim dilim na. 8:00 na ata ng gabi.
"Are you serious?" Tanong ni Chris.
"I am d@mn serious Chris. Now go. Tsupi!"
"D@mn it! I am not doing that stupid dare!" Inis na singhal ni Chris at hinubad ang polong suot nito at inilagay ito sa harap medyo malapit sa ginawang bon fire namin.
Napasipol nan kaagad ang tatlong babae ng makita ang naka sandong si Chris. Maganda kasi ang katawan nito tapos bakat na bakat ang muscles sa suot na sando. Kahit ako ay hindi ko rin maiwasang hindi tumingin.
"D@mn it wife. Don't look" utos ni Draze at tinakpan ang nata ko.
Napanguso nalang ako at kinuha ang kamay nito sa mata ko. Umirap ako at piniling ituon nalang ang mata ko sa bon fire.
Inikot na ni Chris ang bote at tumapat ito kay Payton.
"Mmmm, truth nalang sakin" mabilis nitong sagot.
Ngumisi naman si Chris dito.
"Did you enjoy the kiss I gave to you last week?" Diretsahang tanong nito.
Napasipol naman sina Hunz at Xyron habang nanlaki naman ang mata ni Payton at agad namula ang mukha.
"Ay hala! Kiniss ka niyang unggoy na yan? Wala ka manlang bang taste Pay?" Gulat ring tanong ni Krista at niyugyog pa ang balikat ng katabi nito which is si Wella.
"Ano ba!" Reklamo ni Wella at tinampal ang kamay nito.
"I-I di-did" nauutal na sagot ni Payton. Naghiyawan naman ang mga lalaki at pabirong sinuntok si Chris habang mas namula ang mukha ni Payton.
"Next na nga!" Sigaw nito at pinaikot ang bote.
Tumapat ito sa katabi ko which is si Draze.
"Truth or Dare?" Tanong ni Payton.
"Dare" walang alinlangang sagot ni Draze.
Magsasalita na sana si Pay ng biglang tumayo si Krista at lumapit kay Payton para bumulong.
Nanlaki naman ang mga mata ni Payton at umiling iling.
"Ayoko nun" sagot nito kay Krista pero ngumiti lang si Krista
"Yun nalang. Bet ko pabor naman doon si Draze" sagot nito.
Napakunot naman ng noo ko sa ginagawa nitong dalawang ko.
"U-ummm kiss mo daw si Adi" saad nito.
Ah okay.
"Sa lips daw" dagdag nito.
What??!!
Nanlaki ang mata ko. Ay hala! Si Draze kaya ang may Dare bakit kasali ako?
"Iba nalang" saad ko dito pero nagsiilingan lang silang lahat.
Bumaling ako layDraze at.........
*tsup*
"Yiiiieeeehhhhhhh!!!" Chorus na saad nila. Napakurap kurap naman ako at automatic na namula ang mukha ko.
Heck! Hindi ako handa dun ah! Tumagal pa ng 3 seconds!
Ngumiti ito sakin at binalingan ang bote at pinaikot na parang walang halik na nangyari.
Tumingin nalang ako sa boteng umiikot ikot hanggang sa bigla itong tumapat sakin.
Napakurap kurap ako muli. Sakin tumapat? Ako talaga?
"Truth or Dare?"
Maganda sanang mag dare kaso may trauma na ako eh. Ang Dare kasi sakin kanina ni Krista ay mag lap dance daw. Eh ayoko naman, walang ka amor amor nga tong katawan ko, matigas pagdating sa sayawan kaya napalagay ako ng gamit ko kanina sa harap.
"Truth" sagot ko.
"Do you still love me"
Agad akong napalingon kay Draze na siyang nagtanong sakin.
Nakatingin lang ito sakin at hinihintay ang sagot ko.
Ang maingay na paligid kanina, bigla ring nagsitahimik at nakinig sa magiging sagot ko
I swallowed the lump in my throat before answering.
"I-I d-do" nauutal kong sagot nito.
I saw Draze smilling and before I knew, his lips clashed into my lips again and surprisingly, I responded.