15

9.6K 147 2
                                    


"Tayo" utos ko kay Draze ng makitang nakahiga na ito sa kama. Pinilit niya namang tunayo kahit na may cast ang kamay nito.

Wanna know what happen at bakit napailayan ng braso si Draze? Well kahapon lang naman, naglaro sila ng saranggola ni Ice. Then sumabit sa puno yung saranggola. Ito namang mokong na ito, nag unggoy unggoyan at inakyat ang puno. In the end, nahulog ito at nabali ang braso niya.

"Argh. Ang hirap naman kasing gumalaw" reklamo nito ng sa wakas ay nakabangon na ito.

Kumuha naman ako ng damit at tinapon ito sa kanya.

"Bumihis ka" utos ko at agad lumabas sa kwarto niya.

Dumeretso na ako sa kusina at nag luto ng pang hapunan namin. Nagluto lang ako ng sinabawang manok. Tutal malamig naman dahil sa ulan sa labas.

Pagkaluto ko ng sinabawang manok, agad kong pinuntahan si Ice na kasalukuyang naglalaro sa sala.

"Baby, let's eat na. Mauna ka na sa kusina at tatawagin ko lang ang Daddy mo" utos ko kay Ice. Tumango naman ito at tumakbo papunta sa kusina.

Umakyat na ako sa kwarto ni Draze. Kumatok ako ng ilang beses kaso walang bumukas.

"Draze, let's eat na" tawag ko pero wala talagang bumukas.

Dahan dahan kong pinihit ang pinto. Nag click ito senyales na hindi naka lock.

"Draze?" Tawag ko at kinapa ang switch.

Ng mabuksan ko na ang ilaw, iginiya ko ang panibgin ko. Sumalubong sakin si Draze. Naka dapa ito sa kama habang walang damit na pang itaas.

Nagsalubong agad ang kilay ko at nilapitan ito.

Pinulot ko ang binigay kong damit kanina. Tss, nagpatulong nalang sana siya kesa naman matulog ng nakahubad.

"Tayo" utos ko. He groaned a bit at tinakluban ng unan ang ulo niya.

"Draze, tumayo ka na" utos ko muli at tinapik tapik ang balikat nito.

Inaantok naman itong umupo sa kama. Pupungay pungay pa ang mga mata nito.

Napa buntong hininga ako at isinuot na ang damit dito.

"Tsk..tsk..tsk.. you could have asked for my help" untag ko dito habang tinutulungan itong mag suot ng t-shirt.

Pero wala akong natanggap na sagot. Napatingala ako only to find him staring at me.

Mapupungay parin ang mga mata nito habang nakatitig sakin.

Napalunok ako at dahan dahang umiwas ng tingin.

"Let's eat" untag ko at tumayo na. Bigla akong napatili ng biglang hilahin ni Draze ang braso ko.

Napaupo ako sa kandungan nito habang siya naman ay agad akong niyakap.

"Dra-Draze. Te-teka lang-"

"One minute. Just give me one minute" paos nitong saad sakin. Natahimik naman ako at hinayaan ito.

I reached for his hair and ruffled it.

"I miss this. I miss you" bulong nito sakin at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

I miss you too.

Gusto ko sanang sabihin yan pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang isantinig ang nais kong sabihin.

I lived like this for five years. Nasanay na akong kinikimkim lahat ng nararamdaman ko.

I continued to ruffle his hair. Walang nagsalita samin. Parehas na tahimik lang. Ako habang bahagyang pinaglalaruan ang buhok niya tapos ito naman ay nakayakap sakin.

I started humming my favorite song like a lullaby.

"Draze?" Mahinang tawag ko pero walang sumagot sakin.

Tiningnan ko ito at napangiti ng makitang natutulog na ito.

Dahan dahan kong kinalas ang kamay nito sa bewang ko at dahan dahan ko siyang inihiga sa kama.

Inayos ko ang posisyon nito at kinumutan siya.

Akmang aalis na sana ako ng biglang hawakan nito ang palapulsuhan ko.

"Don't leave" he mutter into at sleepy tone.

Umupo naman ako sa gilid ng kama at hinawakan muli ang buhok nito.

"I won't" I whispered and continue what I am doing.

His Regrets (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon