(Draze's POV)
It's been 3 month. Nakalabas na si Adi sa hospital at dito na siya nakatira muli sa bahay ko. Pero madalang lang siyang lumabas sakwarto niya, madalang niya lang rin akong kinakausap. She prefers being alone. Palagi rin itong nakakulong sa kwarto niya at umiiyak.
Nakatanaw lang ako sa litrato naming pamilya habang umiinom na naman ako ng alak.
It's been a 3 months but fvck it. It feels like it all happened yesterday. I lost my child and it feels like I lost my wife too. Did I surrender already? No. I will never ever surrender pero hindi nakikiayon sakin ang tadhana.
Parang balak pa nitong pasakitan ako araw araw at sirain ang pamilya kong sinira ko na dati.
Sinalinan ko muli ng alak ang baso ko at inisang lagok ito. Kinuha ko ang frame na nakapatong sa mesa ko at hinaplos ito.
D@mn it!
I wipe my tears at pataob na sinaoli ang litrato.
Pakiramdam ko paulit ulit akong pinapatay. Ito na ba ang kapalit ng katarantaduhangnagawa ko dati? Bat ang sakit? Bakit hindi nalang sakin nangyari? Bakit sa mag-iina ko pa?
D@mn it. D@mn this life.
Humugot ako ng malalim na hininga bago tumayo. Kinuhako ang susi ng kotse ko at lumabas.
I looked at my table, specifically sa nakataob na frame bago lumabas ng tuluyan.
(Adi's POV)
Dahan dahan akong naglakad papunta sa loob ng simbahan.
I blinked twice ng makita ko ang isang litrato ng bata na medyo hawig sakin. Nakalagay ito sa may altar at napapalibutan ito ng sandamakmak na bulalak.
Hindi ko maintindihan but I felt how my heart twitched in pain.
Namalayan ko nalang ang sarili kong unti unting naglalakad palapit sa litrato hanggang sa harap na ako nito.
"Wife" tawag sakin ng isang lalaking napatayo mula sa kanyang upuan. Kilala ko siya. Siya si Draze.
Napakuyom ang kamao ko at tulala lang na nakatingin sa litrato.
Napahawak dibdib ko at nag-umpisa ng magsitulo ang mga luha ko. I don't know why my heart aches so much and I don't know why I am crying right now pero damang dama ko ang sakit dito sa puso ko. Ramdam na ramdam ko na parang nawalan ako.
Everytime na kumukulong ako sa kwarto, umiiyak lang ang ginagawa ko. And everytime I slept, boses ng isang bata ang naririnig ko. Minsan nga ayoko ng matulog dahil ayoko ulit marinig ang boses ng batang yun kasi, palaging bumibigat ang paghinga ko at pakiramdam ko, libo libong karayom ang nakaturok sa puso ko.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at tumalikod agad pero hindi parin nagpapaawat ang mga luha ko. Tulo ito ng tulo kahit nakatulala na ako sa kawalan.
Maya maya pa, biglang bumigay ang mga tuhod ko at napaupo na ako sa sahig ng simbahan.
"Adi!" Sigaw ni Draze at agad akong dinaluhan.
Napasulyap muli ako sa litrato ng bata at humagulgol na ng iyak.
"I-Ice" nahihirapang sambit ko habang patuloy ako sa pag-iiyak. Hindi ko alam kung saan nagmula ang pangalang sinambit ko. Para bang may sariling buhay tong bibig ko. Na para bang, iyon ang tamang pangalang isambit ko sa sandaling ito.
Agad namang umusog palapit sakin si Draze at niyakap ako.
I burried my face on his chest at doon na nag-iiyak.
"I-Im so-sorry. I'm sor-sorry Ic-Ice. I-I'm s-sorry" sambit ko at hindi na nagpaawat pa ang mga luha ko sa kakatulo.
I heard his sobs at ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko dahil sa mga luha nito..
"It's not your fault wife. Please don't blame yourself" bulong nito sakin pero umiling iling lang ako.
Sinuntok suntok ko ang dibdib ko para tumigil na ang sakit na nararamdaman ko. I don't even know why I am crying and hurting right now.
"I-Im sorry" sambit ko muli at wala ng habas ang pagtulo ng mga luha ko.
I felt my head spins at ang huli kong nakita ay ang nag-aalalang mukha ni Draze bago ako lamunin ng kadiliman.
