(Adi's POV)
"Mommy, let's go back to Tito Daddy and Daddy Pogi" pangungulit ulit sakin ni Ice. Nakapasok na kami sa loob ng bahay at lahat lahat, hindi parin ako nito tinatantanan.
Kanina ko pa ito tinatanong bat mukhang galit ito kay Draze gayong hindi na nga mapaghiwalay ang dalawang to noong mga nakaraang araw na nandito kami naninirahan sa mansion ni Draze.
Pero ayaw ako nitong sagutin. Basta ang sabi lang nito sakin, he hates Draze daw.
Hinarap ko ulit ang anak kong kanina pa nangungulit na bumalik kami kina Dex at Rhyon.
"Will visit them tomorrow. But first, tell mommy kung bakit kanina pa mainit ang ulo ng little Ice ko" nakangiting sambit ko. Nag pout langito at umiling.
"Never mind nalang nga po. Halikana po mommy" aya nito at umupo sa sofa.
Kinuha nito ang laptop na nakapatong sa center table at binuksan ito.
Lumapit naman ako at tiningnan ang ginagawa nito.
Inopen nito ang videos at binuksan ang folder kung saan nakalagay ang mga k-drama's na pinasa ni Jascha sa laptop ko.
Napangiwi nalang ako. At kailan pa natutong manood ng korean drama tong anak ko?
"What's that baby" tanong ko ng may inopen itong isang kdrama na hindi ko alam.
"I don't know mommy. Nakita ko lang po tong pinapanood ni Tita Jascha tapos kinikiss niya po tong boy na bida. Tapos sasabihin nitong I love you oppa ko" nakangusong sambit sakin ni Ice.
Napailing nalang ako. Babatukan ko talaga yang Jascha na iyan. Kung ano ano ang pinapakita sa anak ko.
Lumapit naman samin si Draze na may dala dalang plato tapos tumabi kay Ice. Bale pinagigitnaan namin si Ice.
"Hey Ice, are you still mad?" Tanong ni Draze pero inirapan lang ito ng magaling kong anak.
At kailan pa ito natutong umirap?
Narinig ko ang pabuntong hininga at inilapag nito ang plato na may lamang chicken curry sa center.
"I'm sorry na Ice"
Napakurap ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko. At kailan pa natoto mag sorry tong si Draze? The famouse Draze Bryson Cruise nagsosorry?
Well that's new. Wala kasi sa bokabularyo ng magkakapatid na Cruise ang salitang sorry kaya naman naninibago ako.
"If you are really sorry daddy, subuan mo po ako. Please!" Nakapuppy eyes na utos ni Ice kay Draze.
Napahagikhik nalang at napailing. Si Ice talaga.
Kinuha naman ni Draze ang kutsara at sumandok ng chicken curry. Tinapat niya ito sa bibig ni Ice at isinubo ang curry dito.
"Yum! Masharap po! Mommy rin!" Sigaw ni Ice. Ngumisi naman si Draze at sumandok muli.
"A-ako na" sambit ko at akmang aagawin ang kutsara ng biglang hawakan ni Ice ang kamay ko.
"Daddy na po" sambit nito. Wala na akong nagawa kundi subuin ang laman ng kutsarang hawak ni Draze.
Umusog si Ice at nanood na.
"He's cool mommy" untag nito at itinuro ang bidang lalaki na may hawak na baril.
"Eh ako baby, am I cool too?" Tanong ni Draze. Napaamang naman ako.
Si Draze ba tong kaharap namin.
"Yup Daddy" sagot ni Ice.
"Baby, maliligo muna ako ha. Stay here with you Daddy muna" paalam ko at agad umayta sa kwarto ko.
Kumuha ako ng mga damit pantulog ko at naligo na.
After 15 minutes, lumabas muli ako. Fresh na dahil nakaligo na ako.
"Daddy, tell me a story po" rinig kong request ni Ice kay Draze. Napasilip ako sa kanilang dalawa. Nakahiga ni Ice sa lap ni Draze habang hinahagod naman nito ang buhok ng anak niya.
"About what Ice? Umm..... Hansel and Gretel? Or Superman?" Tanong ni Draze. Umiling iling ang bata.
"I want mommy's story. Yung about po sa princess na na inlove sa prince but may ibang love po pala yung prince" kwento ni Ice. Napakunot ang noo ng ama nito.
"Can you tell me the story?"
"Edi baliktad po. Diba ikaw ang magtetell sakin ng story?" Kunot noong tanong ni Ice. Napangiti nalang si Draze at ginulo ang buhok ng bata.
"I just want to hear you mommy's story" sagot nito. Tumango naman si Ice at umayos ng higa.
Napasandal naman ako sa wall at matamang nakikinig sa dalawa.
"Once upon a time, may isang princess daw ang naka live sa isang lonely castle. Wala po itong king at queen tanging ang old queen lang nito ang kasama niya. One day, ipinakasal daw ng old queen ang princess sa isang prince. The princess was happy because finally, magkakasal na sila ng prince na love na love ng princess. But the prince was not happy, he didn't love the princess. May love pong iba ang prince. Noong naging mag-asawa na po sila, ayaw parin ng prince sa princess. Marami ng nagawang paraan ang princess upang maging love po ito ng prince but the prince refuse. Hindi niya po kasi love ang princess. The prince and the princess did not live happily ever after. Instead, umalis noon yung prinsesa dala dala ang cute little prince niya habang ang prinsepe naman ay nagkaroon na ng bagong pamilya" kwento nito kay Draze. Tumingala si Ice kaw Draze.
"I hate that ending" nakangusong saad nito at humikab.
Napatulala naman si Draze at tumingin kay Ice. A sad smile crept on his face.
"Do you want to know the prince version?" Tanong nito kay Ice. Napatayo naman si at tila kuminang ang mga mata nito.
Tumango ito at sumandal sa balikat ng Daddy niya.
"Once there was a prince. He was madly inlove with another princess but one day, his mother the queen and another old queen arrange his marriage with another princess. The prince don't love the princess. Ginawa nito ang lahat para lumayo ito at hindi matuloy ang kasal but in the end, nakasal parin sila. The prince was very mad, sinisisi nito ang princess kaya naman gumawa ito ng paraan para umalis ang princess. But the prince didn't knew the he already fell for the princess. Isang araw, umalis ang princess. Hindi nito alam na may cute little prince sa tummy ng princess. He was dumb and a big jerk. Hinanap nito ang princess at nagsisi na dahil sa pagtataboy na ginawa nito. He knew that he didn't deserve any second chance but hinanap parin nito ang princess ang now, the prince is still trying para maging happily ever after ang life nila kasama ang princess at ang cute little prince nito"
Napakurap ako at hindi ko mapigilan mapaluha sa narinig ko.
Kung ganun lang sana ang magiging ending nitong kwento ko pero alam ko, malabo naman iyong mangyari.
I don't know. They say forgive ang forget. Madali sabihin pero mahirap gawin. I can forgive him but I can never forget.
I can't forget all the pains, the sufferings. All Ican do is live my life and continue until my heart is finally numb. Yung hindi na ito nasasaktan at masasaktan pa.
Tinakpan ko ang bibig ko ng biglang kumawala ang hikbi sa bibig ko. I immediately run outside habang walang habas ang pagtulo ng mga luha ko.