17

8.9K 132 1
                                    

Nanatili ako sa kwarto ng mga ilang minuto. Pulang pula parin ang mukha ko dahil sa kahihiyang ginawa ko kanina.

Unti unti kong binuksan ang pinto at sumilip sa siwang nito. Tiningnan ko muna kung may tao ba o wala bago ako lumabas ng kwarto.

"Good morning mommy!"

Napatalon ako sa gulat sa biglaang pag bati sakin ni Ice. Napalingon ako dito at ngumiti.

"Good morning daw mommy" untag ni Draze na kakarating lang. He wiggled his eyebrows ang olayfully looked at me.

Agad uminit ang mukha ko ng maalala na naman ang scenario kanina.

Lumapit sakin si Ice at alalang tumingin sakin.

"Are you sick mommy?" Tanong nito. Umiling lang ako dito.

"Mommy's fine. Mag breakfast ka na doon. Susunod nalang si mommy" saad ko dito. Tumango tango naman si Ice at hinaliaan ako sa pisnge.

Tumakbo na ito palapit kay Draze at hinila ang kamay nito pababa.

Draze looked at me once agaun then winked.

Napailing nalang ako at susunod na sana ng biglang may nag door bell.

Dali dali akong bumaba at lumapit sa pinto.

"Rhyon!" bati ko ng mabungaran ko si Rhyon sa pinto pagkabukas ko nito.

Agad akong ngumiti at niyakap agad ito.

"Haha I miss you too Adi" natatawang saad nito at yumakap pabalik sakin.

D@mn! I miss this guy. Ilang linggo ng hindi ko sila nakikita ni Dex. Nasanay na kasi akong sila ang kasa-kasama ko sa ilang taon na naninirahan ako mag-isa kaya naman miss na miss ko talaga silang dalawa.

"Napadalaw ka" untag ko at kumalas na ng yakap kay Rhyon.

"Visiting my little sister" he playfully said at ginulo ang buhok ko. Pabiro ko naman itong sinuntok sa dibdib niya.

He always said that I am his little sister kaya naman para fair, kuya ko rin siya. Minsan naman tatay, minsan barkada, minsan protector, at minsan daddy ni Ice. See, ang galing ni Rhyon. Andami niyang naging papel sa buhay ko at sa anak ko kaya naman, grateful talaga akong nakilala ko siya. Sila ni Dex. Included na yung mokong na iyon. Baka mag selos.

"Aysus. Baka si Ice lang dinalaw mo. Halikana, pasok tayo. Noong isang linggo ka pa hinahanap ni Ice" saad ko dito at hinila na ito papasok ng bahay.

Inilapag nito ang dala nitong paper bag sa center table at nilibot ang paningin sa loob ng bahay.

"You live here?" Manghang tanong nito habang linilibot ang paningin sa bahay.

I smiled at hinila na ito papasok sa kusina kung saan kumakain ng agahan si Draze at si Ice.

Sabay na napalingon samin ang dalawa ng marinig ang mga yabag ng paa namin. Nabulunan si Draze habang si Ice naman ay napangit ng malawak.

Yan kasi! Kain ng kai, nabulunan tuloy.

"Tito Daddy!" He shrieked at tumakbo papunta kay Rhyon.

Nag squat naman si Rhyon para mabuhat nito si Ice.

"How are you Ice. Nagiging good boy ka ba dito? Hindi mo ba pinapasakit ang ulo ng mommy mo?" Tanong nito ng makatayo na buhat si Ice.

"Good boy po ako! Nagiging mabait po ako dito kasama si Mommy at Daddy" sagot nito. Ginulo naman ni Rhyon ang buhok nito na siyang nagpahagikhik kay Ice.

"Ehem" agad akong napatingin kay Draze ng tumikhim ito. Nakasalubong ang kilay nito at parang naiinis na nakati gin kay Ice at Rhyon na nag-uusap. Agad itong nag-iwas ng tingin at yumuko nalang pero hindi parin natatanggal ang pagkakunot ng noo nito.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa inakto ng lalaking to. Problema ng isang toh?

His Regrets (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon