Chapter 5

16K 281 4
                                    

Lumapit samin si Ice at mas tiningnan si Draze na mataman lang na nakatingin kay Ice.

Napalunok ako at pinabalik balik ang tingin sa dalawa.

"But I am more handsome than you are. Daddy Pogi and Tito Daddy said that I am the most handsome kid here on earth" proud pa nitong dagdag at nag pogi sign sa harap ni Draze.

"Then ang second ay si Daddy Pogi at ang third ay si Tito Daddy" dagdag pa ni Ice kaso nakatingin lang dito si Draze.

Ngumiti ang bata at lumapit kay Ice.

Binalingan ako ng tingin ni Draze tapos pabalik kay Ice.

"Secret lang po natin to ah. But for me pang second ka po kasi po kamukha kit. Ibig sabihin your handsome din po" saad nito sa mahinang boses at tiningnan ang loob ng talyer kung nasaan sina Dex at Rhyon na matamang nakatingin samin.

Umatras si Ice at inosenteng tiningnan si Draze. Napanguso ito at tumingin sakin tapos pabalik kay Draze.

"Hindi ka ba marunong mag talk Mister?" Tanong nito kay Draze.

Bumaling sakin si Ice at lumapit.

"Hindi po ba siya marunong mag talk mommy?" Tanong ng inosente kong anak. Nag squat ako sa harap niti at bahagyang ginulo ang buhok niya.

"Um.... I-Ice baby. Punta ka muna kay Daddy Pogi at Tito Daddy mo" utos ko kay Ice. Tumango naman ito mabilis na pumasok sa loob ng talyer.

Tumayo na ako at akmang susunod na rin ako kay Ice sa loob ng bigla akong hapitin ni Draze paharap.

"I-Is he-"

"Hindi" mabilis kong sagot at binawi ang kamay ko.

"But he looks like me" bulong nito na parang hindi parin makapaniwala sa makita.

I am trying to compose myself at bumuntong hininga ng napakalalim.

"Ano namam kung kamukha mo ang anak ko? Pagkamukha mo na ang isang bata anak mo na agad? Haven't heard of the word lihi? And I've meet many mens matapos nating maghiwalay. Hindi ko na alam kung sino sa isang yun ang ama ni Ice" sagot ko.

Pinaglihian? Aha! Lamest reason na naibigay ko sa tanang buhay ko.

"You did what?" Tiim bagang tanong niro sakin. Tinaasan ko ito ng isang kilay.

Ngayon, ano na namang problema nitong mokong na ito.

Mariin itong pumikit at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"I don't care if you've slept with dozens of men but I am very sure na hindi lang paglilihi sa mukha ko ang dahilan kung bakit ko kamukha yung batang lumapit dito kanina" sagot nito sakin. Napalunok muli ako.

Napatingin ito sa loob ng talyer and a small smiled crept in his face.

"Dagdag rason para mas mag pursigi ako sayo. I really want you back Adi. And this time I am sincere. Alam kong hindi mo pa ako napapatawad but please, let me prove my worth to have you back in my life"

I looked at him. Sincerity is all written in his eyes. He may be sincere pero hindi pa yun sapat na dahilan para magpapaniwala na naman ako sa mga sinasabi nito. Once is enough, twice is too much.

Binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon.

"I have to go" saad ko at mabilis na tumalikod.

"Quit staring" naiirita kong sikmat kay Draze na kanina pa ang sulyap ng sulyap sakin.

Nandito parin kami sa talyer. Nakaupo ako sa isang stool habang si Ice naman ay naka upo sa hood ng kinukumpuni kong sasakyan.

"Who is he mommy? He's creepy" buling ni Ice at sinulyapan ng tingin si Draze.

"He's no one baby. He is just a psychopath" sagot ko kay Ice at iningusan si Draze na mukhang walang balak na alisin ang mga titig niya sakin.

Dukutin ko kaya mga mata nito? Magandang ideya guys noh? Para hindi na kami mabulabog ulit nito.

Tumayo na ako at dumeretso sa isang mesa kung saan nakalagay ang mga blue prints ng mga pinapagawa saming mga sasakyan.

"Hey Dex. Kailan ba uumpisahan ang paggawa nitong race car na ito?" Sigaw ko kay Dex na kasalukuyang nasa ilalim ng isang sasakyan at kinukumpuni ang makina doon.

"Naumpisahan na yan ni Rhyon Ads. Kailangan nalang ng makina at mga gulong" sagot nito sakin. Tiningnan ko muli ang mga blue print at napahinga ng malalim.

My body went stiff ng biglang may isang kamay ang pumulupot sa bewang ko.

My danger reflexes went alert. Agad kong inapakan ang paa ng kung sino man ang nasa likod ko at siniko ang mukha nito.

"Aray" I heard him groaned. Lumingon ako sa likod ko. Tumambad sakin ulit si Draze na nakayuko habang nakahawak ito sa ilong niyang dumudugo.

I scoff and rolled my eyes. Serves him right. Ayan ang napapala ng mga taong nanggugulat sakin.

"Your still a sadist"

"Old habits die hard" sagot ko at nilampasan ito. Sumunod naman agad ito sakin habang sapo sapo parin ang ilong nitong dumudugo.

I smirked secretly.

Kinuha ko ang mga gamit ko at isinilid ito sa dalang back pack ko.

Napataas ang kilay ko at tumalikod ng maramdaman kong wala ng nakasunod sakin na parang aso.

Finally! Sana naman hindi na bumalik yung mokong na iyon.

(Ice's POV)

"You still can't talk Mister?" Tanong ko sa lalaking kanina pa ako tinitingnan.

Inilapag ko ang toy car na hawak ko at lumapit kay Mister na di marunong mag talk.

"What's your name little boy" tanong nito. Napangiti ako dahil marunong pala si Mister mag talk.

"Brice Andi Ashworth. But my mommy call me Ice. Ikaw po Mister?" I asked him. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Draze Bryson Cruise" sagot nito

"Then what shall I call you Mister? Yung friends kasi ni Mommy ay may tawag rin ako. Katulad ng Tito Daddy at Daddy Pogi. Ano naman pong itatawag ko sayo?"

Kumunot ang noo ni Mister Draze dahil sa sinabi ko.

"Ang who the hell is Tito Daddy and Daddy Pogi?" He asked.

"They are my Daddy Mister. Since wala pa naman po daw akong Daddy I can call them Daddy nalang po. Sila po kasi ang kasama namin ni Mommy dati eh hanggang ngayon. Sila yung nag-aalaga kay Mommy dati noong nasa tummy pa daw ako. Sila rin yung nag hehelp na mag-alaga sakin dati. Tapos sila din yung nag-aalaga kay Mommy tuwing sick ito. Tapos noong na doctor nga ako at natulog sa hospital sila ang naghanap ng money noon pambayad at bantayan ako. See, they help us a lot po kaya Daddy ko na rin po sila. Yun naman diba dapat po ang ginagawa ng mga Daddies?"

Napatigil naman si Mister at nanlambot ang face nito. Bumuntong hininga ito at lumapit sakin then hugged me.

"I'm sorry Ice I couldn't done all those things before. But I promise to you and to your mom that I will be the best Daddy you could have" he whispered tapos kiniss nito ang side ng head ko.

Tiningnan ko naman ito.

"You are my Daddy?" Masayang tanong ko dito. Ngumiti naman si Mister at tumango.

"Edi tatlo na po kayong Daddy ko. Wow! Andami ko naman pong Daddy" nakangiting sabi ko dito. Tumawa ito at ginulo ang buhok ko.

"Then ano pong itatawag ko sa inyo?"

"Daddy. Just Daddy" sagot nito sakin.

Napatalon naman ako sa tuwa at niyakap ito. Yes! Tatlo na ang Daddy ko!

"Ok Daddy"

His Regrets (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon