Third Person POV
Tahimik na nakikinig ang lahat ng studyante sa nag-tuturong guro sa harapan. Animo'y ang lahat ay interesado sa tinuturo ng kanilang guro. Ngunit, maliban sa apat. Lutang ang kanilang mga isipan at madaming katanungan ang iniisip.
Mayzie, hindi maalis ang kanyang pag-aalala para sa kaibigan. Ngayon niya lang ulit itong makitang galit na galit, na halos pwede niya ng mapatay ang kaharap. Takot, hindi dahil sa nakita niyang reaksyon o inasal ng kaibigan, kundi, takot para sa pwede nitong magawa kung hindi niya mapigilan ang galit.
Jade, hindi maalis sa kanyang isipan ang ginawa ni Yuina. Naiinis pa rin siya at nakakaramdam ng galit sa tuwing maaalala ang ginawa nito. Pero ang malaking katanungan sa kanya ay sino ang taong kanina ay nahagip ng mga mata niya dahilan para hindi maiwasan ang pangatlong matalim na bagay, na dumaplis sa braso nito.
Yuina, hindi pa rin niya malimutan ang ekpresyon ni Jade. Hindi niya maitatanggi ang naramdamang takot at kaba. Halos sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng takot. Malaki na nga ang pinagka-iba ng taong dati niyang kakompetensya. Ibang-iba na ito sa kanya nakilala. Ang taong walang ginawa kung hindi ay ang talunin siya sa lahat.
Pero ang isang bagay na tumatakbo sa isipan niya, ang mga huling salitang binitawan nito. Hindi niya makuha kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang makahulugan iniwan niya bago umalis. Paanong naging komplikado? Ano ba ang nangyari sa loob ng ilang taong nag-daan?
Dylan, iniisip niya ang nasaksihan kanina. Oo nakita nila ang lahat kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi nila maitatanggi na mabilis itong kumilos pero hindi ganun lang ang mas inaasahan nila sa kakayahan ng dalaga. Pero ang mas iniisip niya ay, ano ang koneksyon ng mga tranferee's sa babaeng pilit niya ina'alam ang totoong pagka-tao.
Habang lutang ang kanilang mga isipan ay hindi nila namalayan na natapos na ang kanilang pang-apat na klase. Lumipas ang tatlong minuto, dumating ang kanilang sunod na guro. Si Mrs. Rivera ang science teacher nila. Bumati ang lahat at nag-simula na itong mag-turo.
Jade POV
"Okay class, we have an activity today and it's by group. But, I will decide who will be your group in this activity." paninimula ni tanda. Remember the teacher na sinungitan ko? Siya yon, the old lady. At hindi ko gusto ang mangyayari ngayon.. iba ang nararamdaman ko.
"Okay let's start i'll group you, by three's." at nag-simula na siyang buksan ang attendant book niya kung saan ang lahat ng pangalan namin ay nakasulat.
Alesia, Carla, and Austin.
Mike, Gina and Ricky.
May, Aya, and Hunter.
Mayzie, Ronel and Elijah.
Tss! What a idiot smile. Ang laki ng ngiti niyang malaman na kasama niya si Best. Asa naman akong pansinin siya. Baka sungitan lang siya. Kaasar!
Dave, Zahra and Yuina.
Mia, Renan and Mitch.
Kim, John and Jenny.
Bakit ang tagal naman banggitin ng pangalan ko. Wag naman sana ako igrupo sa mga ipis na natitira sa likod ko. Hayss.. Asar!
Karen, Robin and Jiggy.
Savannah, Dylan and Shin.
Fvck sh+t !
Fvck sh+t !
May galit ba sa akin ang teacher na ito? Talagang sinakto pa niya sa mga ipis ako i'grupo. Asar! Hindi ko pinahalata ang pagka-inis ko dahil sa magiging grupo ko. Halata sa mga mukha ng mga kaklase ko ang gulat maging sila Zahra at Mayzie. Alam kong hindi ko ito magugustuhan.
BINABASA MO ANG
Miserable Life
Bí ẩn / Giật gânIsang babaeng walang hinangad kung di mag higanti. Nabuhay ng puno ng galit at poot. Laging kaligtasan ng mga taong mahal niya ang iniisip. She's not scared to face death. And biggest goal is to kill the person who destroy her life. Kill only in her...