Chapter 16 Let's us help you

117 4 0
                                    

Mayzie POV

"Pull the trigger now, jade!" matapang at walang takot na sigaw ni yuina.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ngayon ni Jade, pero isa lang ang pwedeng maging dahilan, iyon ay ang ayaw niyang madamay sila dito, ayaw niyang pasukin nila ang magulo at napaka-dilim niyang mundo. Pero hindi naman sana sa gantong paraan.

Nananatili ganon lang ang kanilang katayuan, takot at gulat ang makikita sa mga mata nila alesia pero maliban kay Yuina. Hindi ko alam kung hindi niya makuha ang punto ni Jade, pero sana makinig na lang sila.

"Besty! Put down your guns. Please!" seryoso kong utos sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin.

Bagkos ay lumapit pa siya kay yuina ng ilang hakbang, tatlong hakbang na lang ang pagitan nila. Nakatutok ang isang baril sa direksyon nila alesia at ang isa ay sa matapang na mukha ni Yuina.

"Akala ko ba kaya mong pumatay? Then killed us! Kung itong paraan ba ang sinasabi mo para pigilan kami, dahil hindi pa rin mag-babago ang disisyon namin. Dahil.." she paused, at buong tapang na hinarap si jade. "HINDI KAMI GAYA NG INIISIP MONG MAHINA JADE! YES! YOU ARE BRAVE THAN US BUT WE ARE NOT W-"

BANG!~

Ang lahat ay napatigil, tulala, halos pigil ang pag-hinga.

Gulat

Takot

Kaba

Ang naramdaman namin.

Hindi na natapos ni yuina ang sasabihin.

Ang tanging nangingi-babaw ay ang putok ng baril, baril ni Jade. Hindi ako maka-kilos, maging sila alesia.

Agad namin nilingon si Yuina, nakatayo at gulat sa ginawa ni Jade, kita ang sugat sa kanyang braso, daplis dahil sa tama ng bala.

"Alam niyo ba kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito?" malamig niyang wika. "Para maayos ang mundong ginagalawan ko, para maka-alis ako sa madilim na mundong ito." ramdam ang lungkot sa kanyang boses pero pinanatili niya ang malamig at blangkong ekpresyon. "Pero, bakit?.. Bakit gusto niyo pasukin ang mundong ginagalawan ko? na matagal ko ng gustong maka-alis. Hindi ba malinaw sa inyo ang gusto kong iparating? ayoko kayong madamay. Dahil hindi lang ang buhay niyo ang pwedeng manganib, kundi pati ang mga mahal niyo sa buhay na maaring sa kamatayan din humantong."

Binalot ng katahimikan ang kwartong ito, tanging ang pag-hinga lang ang maririnig. Walang nag-tangkang mag-salita dahil sa gulat pa rin sila sa nangyari. Nang ibinaba na ni Jade ang kanyang baril at ibinalik sa kanyang gun pocket, lumapit si alesia.. Kita sa muka at mata na may takot pero nag-patuloy pa rin siya sa pag lalakad.

Sinalubong niyo ang malamig nitong tingin.

Isang bagay ang hindi namin inaasahan ang ginawa niya..

*Pakk!*

Isang napaka-lakas at napaka-lutong na sampal ang idinapo niya sa mukha ni jade.

"WHAT THE HECK ARE YOU THINKING?!! ARE YOU IDIOT!?" galit, yon ang makikita sa kanya.

"I can't forgive the person who slap me with-" she cut jade.

"I don't fvcking care, Jade!" matapang at galit na wika niya. Nagulat ako sa pag-babago ng ekpresyon ni alesia, wala na akong makikitang takot kundi galit, pagka-munghi, inis, lungkot.

Marahas siyang kinewelyuhan ni Jade.

"What did you said?!" jade.

"Akala mo ba ikaw lang ang nakakaramdam ng ganyang bagay? huh?" nag-tatagis na bagang na wika ni alesia.

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon