Chapter 29 Defeat

78 3 0
                                    

Third Person POV

"We defeat." wika ng binatang si Dylan sa sarili, ngunit narinig ito ng mga kasamahan. Saka lang niya naalala ang huling laban na nangyari, kung paano natapos ang laban. Hindi pa din siya mapaniwala, natalo siya ng babae. Inis man ay wala na silang magagawa pa.

"So, mayzie is not lying?" tanong ni elijah, gulat at naguguluhan. Totoo talaga na natalo tayo?" dugtong pa nito. Hindi sumagot ang binata sa tanong ng kasamahan, hindi pa rin siya mapaniwala. Sa tuwing maaalala niya kung gaano na ito nanghihina, kung ilan beses na itong bumagsak, hindi niya lubos maisip na natalo pa rin siya. Mukhang nakuha na ni Elijah ang kasagutan sa tanong niya dahil sa nakikita niya sa binata.

"Totoo ba Dylan?" seryosong untag ni Shin sa kaibigan. Mas gusto niyang marinig ang kasagutan kahit na obvious na. Napapikit ang binatang si Dylan at isinandal ang ulo sa headboard ng kanyang kama, dahan-dahan itong tumango bilang sagot.

Napatahimik ang lahat, napa-isip ang mga ito. Madaming mga katanungan sa kanilang isipan, naguguluhan.

'I thought mananalo na ako that time, pero ginawa pa rin niya ang lahat to beat me.' wika ni Dylan sa isipan.

'So, she really prove it.' wika ni Shin sa isipan. Pumasok sa isipan nito ang sinabi sa kanya ng dalaga ng minsan niya ito ulit nakasagutan. Ang patunayan na kahit isa itong babae ay kayang-kaya niyang lumaban sa katulad nitong mga lalaki.

'Why mayzie acting like that?' tanong ni Elijah sa kanyang sarili. Hindi mawala sa kanyang isipan ang inakto ng dalaga, maging ang pakikipag-usap nito. Ibang-iba sa nakikita nila, tuwing makikita nila ito.

'She really cool!' wika naman ni Austin sa kanyang isipan. Napapangiti ito sa kanyang isipan sa tuwing maaalala ang dalaga, hindi big deal sa kanya ang pagka-talo nila. Natutuwa siya sa fighting spirit nito, pakiki-pag-laban, determinasyong patunayan ang kakayahan nito. Ang pag-hanga niya sa kakayahan nito ay mas lalong tumitindi.

'Bakit ba nila sinasabing kapahamakan ang dala ni Jade? Maging siya din, Ano bang meron siya?' tanong naman ni Hunter sa isipan. Napapaisip lagi ito sa tuwing babanggitin ni Jade na lumayo sila sa kanya, maging ang sarili nitong kaibigan. Dumadami at lumalalim ang pagka-gusto niyang malaman kung sino nga ba ito, kung ano nga ba ang dahilan ng mga ito. Bakit? Bakit ganoon na lang sila kung mag-bitaw ng salita.

Lahat ay malalalim ang iniisip, tahimik at ni hindi na nagawa pang mag-salita muli. Pero hindi naka-iwas na sumagi sa isipan ni Dylan ang mamangha sa dalaga. 'Bakit bigla ko naman naisip ito! She's my enemy! But fvck, she's amazing.. Oh! no.. no.. Erase erase that!' naiinis ngunit namamangha isip ng binata.

Hindi naman nakaligtas sa kanya ang kaninang pag-uusap nila ni Mayzie. Napaisip ito sa binitawang mga salita ng dalaga, ang lahat na binanggit nito ay nakita niya bago matapos ang laban. Ang sakit na nararamdaman, pagka-munghi, pangungulila, galit. Lahat ng iyon ay nakita niya, naramdaman niya. Pero may mga katanungan sa kanyang isipan na nag-papagulo lalo..

'Ano bang meron ang nakaraan niya? Anong dahilan ng lahat ng mga nakikita kong iyon? Ang matinding galit sa mga matang iyon, anong dahilan non? Kaya ba siya ganon? Kaya ba siya madalas mag-tago sa maskarang pagiging cold at emotionless niya?' madaming tanong ang naiisip ni Dylan ngunit kahit anong sagot ay wala siyang makuha, wala siyang makita.

"She did." mahinang sambit ni Hunter sa sarili at mapait na ngumiti ngunit hindi naka-iwas sa pandinig ng kalapit na katabi.

"Who?" tipid na tanong ni Austin, ang lahat ay naka-abang sa isasagot ng binata. Nakayuko ito, hindi malaman kung ano ang iniisip.

"Jade." mahinang sagot ulit nito, napaisip ang lahat. Ano ang tinutukoy nito?

"What about that girl?" usisa at singit naman ni Dylan. Marinig lang ang pangalan ng dalaga ay bigla na lang ito magiging interesado at sisingit. Nawala lahat ng mga malalalim niyang iniisip tungkol dito at nagka-interest malaman ang iniisip ng binatang si Hunter tungkol sa dalaga.

"I just remember what she said to Shin. She will prove it, that not all the girls a weak. Yes, babae siya pero natalo niya tayo. She beaten us, she exceed us." may mapait na ngiting sagot ng binata. Naisip nito na hindi dapat minamaliit ang isang tao base lang sa katauhan nito.

"Tss!" ingos ng binatang si Shin.

"Yeah." mahinang pag-sang-ayon ni Austin ngunit napa-ngiti sa kanyang isipan.

Si Austin ang lubos na mas nakaka-unawa sa kanila ayon sa gustong mangyari ni Jade at Mayzie. Hindi man niya alam kung ano ang pinaka-rason kung bakit ayaw nilang maungkat ang nakaraan nito at malaman ang totoo nitong pagkatao. Dahil masyado na nga nilang pinapasok ang pribado nitong buhay, kahit na isa din siya sa nagkaka-interest na malaman ito.

Mukhang may mabigat na dahilan ang dalawa ayon sa nakikita nito. Hindi man nila sabihin ang nararamdaman ay kitang-kita naman ito sa mga mata nila. Si Shin naman ang mas nahirapang tanggapin ang pagkatalo nila. Masyado niyang minaliit ang dalaga ayon sa nakikita lang. Pinangunahan niya ito, ininsulto ang kakayahang hindi sila kayang labanan. Lalo't na dahil sa isa itong babae.

---

It's 1:15 am in the morning but Jade still sleeping. Anim na oras na itong nakahiga at hindi pa rin nagkaka-malay simula ng isugod nila. Nasa tabi nito ang nakaka-tandang kapatid, naka-upo at inaantay ang pag-gising niya. Hindi pa rin nawawala ang takot nito, pag-aalala. Sumagi ulit dito ang naranasan ng kapatid 8yrs ago, kung saan ay nag-aagaw buhay ito.

Ganon din ang dalagang si Mayzie, inaabangan ang pag-gising nito. Kanina pa ito naka-upo sa couch malapit sa may pintuan, wala sila Yuina. Lumabas ang mga ito upang bumili ng makakain at prutas. Kanina pa hindi nag-iimikan ang dalawa simula ng bumalik sa kwarto si Mayzie. Malalim ang iniisip, mas pinili ang katahimikan.

Iniisip ni Mayzie na masyadong mapusok ang kaibigan, malaki na talaga ang pinag-bago nito. Nawala na talaga ang dating Jade na nakilala nang mga bata pa sila. Makaramdam lang ng inis o galit ay hindi na nito iniisip ang gagawin. Hindi na nito iniisip ang bibitawang mga salita, kung ikakapahamak ba ito. Mabilis ng uminit ang ulo at maiksi ang pasensya.

Naiintindihan niya ang pinag-daanan nito, alam niya kung gaano ito kasakit at kahirap para sa dalaga. Pero sana iniisip nito ang sariling kaligtasan at hindi lang ang kaligtasan nila. Masyado na itong nabulag ng galit at paghihiganti. Ito ang dahilan kung bakit nagiging miserable ang buhay nito, naaawa siyang makita itong nasasaktan.

Ngunit hindi niya maiwasan magalit sa dalaga, ang matinding takot, kaba at sobra-sobrang pag-paparamdam nito ng pag-aalala sa kanila ay hindi niya na kaya pang unawain. Hindi niya ito masisisi, pero gusto niya iparamdam dito na may mga taong nag-aalala sa kanya. Gusto niyang iparamdam kung ano ang nararamdaman nila sa tuwing gagawa ito ng bagay na hindi na naiisip pa.

Sa kabila ng iniisip niya ay humahanap ito ng timing upang maka-usap ang nakakatandang kapatid ng kaibigan. Ramdam pa rin niya ang galit nito sakabila ng pagiging tahimik. Maiintindihan niya at uunawain kung bakit ito nagalit sa kanya, nag-aalala ito sa kapatid kaya ganon na lang ang ipinakita nito.

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon