Chapter 17 Teasing Yuina

105 4 0
                                    

Jade POV

*yawn* -_______o

Another day, its monday morning and we're here at school. Maaga kaming nakarating dito sa may parking lot, agad naman bumungad ang grupo nila Zahra. *yawn* Inaantok pa talaga ako, kaya si mayzie ang pinag-drive ko ngayon araw dahil sa antok na antok ako. Ughhhh!

Lumapit agad sila sa amin, mukhang inaantay din nila ang pag-dating namin. Dahil nakita kong mga naka-tayo sila sa hood ng mga kotse nila. Tss! Hindi ko alam kong dapat ko ba talagang sanayin ang sarili ko sa presensya nila. Pero siguro nga dapat na. =______=.

"Yo! Good morning girls!" masayang bati ni alesia, She's okay now and I can see on her eyes after ng nangyari kahapon. Medyo maga nga lang ang mata, but atleast she didn't need to pretend after all.

"Hi, Morning!" zahra.

"Good morning!" aya.

"Good morning din sa inyo. Tara, sabay-sabay na tayo." naka-ngiting balik bati ni best. Si yuina? ayon tumango lang pagka-kita sa amin. Ako? uhmmn.. Humikab lang..

*Yawn* (- O -) Kaantok talaga..

Bakit kamo ako antok na antok? saka na lang.. Tinatamad ako.. Kaya nauna na akong nag-lakad.

"Hoy, Bakit mukang puyat ka ata?" tanong ni yuina na cool na cool na naka-patong ang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo at sinasabayan ang pag-lalakad ko. Tinignan ko siya ng may bored na ekpresyon.

"Ako ba?" Walang gana kong tanong.

"Hindi, Ikaw..Ikaw.. ang kinakausap ko Aya.. OH! Bakit puyat ka?" baling nito kay Aya, And she said that in a very high tone and sarcastic way. tsss.... -______-

"Ahh.. Siya pala.." walang gana ko ulit na komento.

"Hays, Bob* ka pala hindi ko alam." aba gag* to ahh.. inaasar ko lang kaya siya. Pikon..

"Sino?!" at pinandilatan ko siya ng mata.

"Ako, ang bob* ko talaga.. Tsk!" inis na singhal niya. Tss.. Nauna lang ako mag-lakad. Dinig ko ang pag-pigil ng tawa nila, habang kung ano-ano naman ang binubulong ni Yuina. Pero nadidinig ko naman, Bob* nga siya.. -_______- bumulong pa..

"T*nga na, Bob* pa. Sino ba ang hikab ng hikab? Ako ba? Sila ba? Eh, siya lang tong panay *yawn* (she try to act like me) Bob* talaga.." iyan lang naman ang binubulong niya..tss..

Nilalakad at binabaybay na namin ang mahabang pasilyo papunta sa room namin ay pansin ko lang, lahat ng madadaanan namin ay nasa amin ang atensyon. Maraming mga bubuyog akong naririnig, nag-tataka sila sa tanawing kanilang nakikita.

Hindi siguro nila inaasahan na mag-kakasama kami after ng nangyari nung Friday. Diba nagka-sagutan lang naman kami ni yuina? Sympre sa daming tsismosa sa room namin ay kumalat na ito sa campus. Ako ba namang binansagan nilang 'Heartbreaker?' kuno, ewan ko na lang kung hindi pa ako pag-fiestahan nila sa walang kwentang pag-tsitsismis nila. Wala naman silang mapapala.

Pansin ko din ang pag-titig nila sa amin ni Yuina, marahil sigurong nahuhulaan na nila ang nangyari after ng sagutan, siguro nag-karoon na sila ng clue kung saan kami nauwi dahil sa mga marka ng sugat at pasa sa mukha namin. Hindi na din naman masyadong kita ung sa parte ng katawan namin dahil sa uniform.

Yuina are still have band aid on her left side eye, cut on her lips at pasa sa gilid ng kanyang labi at kabilang pisngi. I still have bandage in my right hand, na pinansuntok ko sa bullet proof, glass window ng lumang room sa likod ng school. Band aid on my nose line center, b'cos of cut. Pasa sa gilid ng mata ko sa may left at sa right side ng lips ko, i have cut too on my lips. Dahil sa dakilang nag-pabugbog ako kay alesia, medyo malala ang tama ng mukha ko.

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon