Chaptet 28 Hospital

85 4 0
                                    

Third Person POV

Matapos ang laban ay agad na nag-silapitan ang lahat sa dalagang walang malay, si Jade. Binuhat ito ni Mayzie upang dalhin sa Hospital, ganon din ang ginawa ng apat na babae sa limang lalaking walang malay. Isinama na rin nila ito dahil hindi naman nila ito kayang iwan. Iba't-iba ang nararamdaman nila ng matapos na ang laban sa pagitan ni Jade at ni Dylan. Parang nabunutan ng tinik sa kanilang mga dibdib.

Masaya sila Yuina dahil nanalo ang kanilang kaibigan na si Jade, kahit sa kabila ng panghihina nito. Hindi nila lubos maisip na mananalo pa ito, siguro dahil sa pursigido nitong ayaw ng ungkatin ang kanyang nakaraan. Ito ang bagay na mahirap para sa kanya, ang malaman at kaawaan siya.Pero hindi din mawawala ang pag-aalala sa dalaga, mukang malubha ang lagay nito. Iba naman ang nararamdaman ni Mayzie, malungkot, inis, takot, sakit, galit at pag-aalala.

Inis dahil sa pinasok ng dalaga, galit dahil sa ginagawa niya sa sarili. Halos ikamatay niya na ang nangyayari, halos ikapahamak niya na ang sarili. Galit siya sa kaibigan dahil sa pagpaparamdam nito ng sobrang takot at pag-aalala. Malungkot, kasi nakikita niya dito kung gaano kasakit kapag tungkol na sa nakaraan niya ang pag-uusapan. Sakit, sakit ng nakaraan na pilit tinatakasan ni Jade.

Pag-aalala, nag-aalala siya baka kung mapaano ang dalaga dahil sa biglang pag-bagsak nito. Nag-aalala kung paano niya sasabihin sa nakakatanda nitong kapatid ang nangyari sa kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito, kung anong dahilan ang sasabihin.

Malaki ang takot ng dalawa kapag ang nakaka-tanda ng kapatid ang nagalit, tiklop sila dito. Ayaw naman ni Mayzie hindi ipaalam dito, may karapatan ito lalo't na siya ang nakaka-tandang kapatid. Gusto niyang isigaw, iiyak ang lahat ng nararamdaman. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin kung may mangyaring masama sa dalaga. Pero pilit na pinapakalma ang sarili, hindi siya dapat panghinaan ng loob.

--

Hospital

Binalot ng pag-aalala ang buong sulok ng kwarto kung saan ay nakahiga ang dalagang si Jade. Nananatili pa din itong walang malay at mag-tatatlong oras na. Masyado lang napagod at nabugbog ang katawan ng dalaga kung kaya't nawalan ito ng malay. Nagtamo lang ito ng madaming sugat at pasa, konting bali sa kaliwa nitong kamay kung saan ay naka-benda. Sinabihan na din sila ng doctor na hayaan lang makapag-pahinga ito at magkakamalay din.

Nananatiling naka-bantay ang apat na dalagang sila Yuina, Aya, Alesia at Zahra. May pag-aalala sa mga mukha ngunit hindi nila maiwasan mamangha at matuwa kay Jade. Natutuwa sila sa tibay at tatag nito, namamanga sa lakas ng loob. Wala sa kwarto si Mayzie, kanina pa lumabas ang dalaga. Hindi alam nila Yuina kung saan ito nag-punta, wala itong sinabi.

Bumukas ang pinto ng kwarto, iniluwa nito ang nakaka-tandang kapatid ng dalaga. Namilog ang mga mata nila sa gulat, bumilis ang tibok ng puso nila sa takot at kaba. Hindi nila inaasahan ang pag-dating nito, napa-isip sila kung paano ipapaliwanag ang kalagayan ng kapatid. Hindi nila alam kung sasabihin ba nila ang totoong nangyari pero baka magalit naman ang dalagang si Jade.

Nalaman ni Dianna na nasa Hospital ang kanyang kapatid, dali-dali itong pumunta kahit na nasa gitna ito ng meeting. Mas mahalaga sa kanya ang kapatid. Halos paliparin na niya ang sasakyanan nito makarating lang sa nasabing lugar. Bumibilis ang tibok ng puso at lumalaki ang namumuong takot. Madaming sumagi sa isip niya kung ano ang nangyari dito, kung bakit ito nasa Hospital.

Abot-abot ang pag-aalala niya sa dalaga, naiiyak ito na baka napaano ito. Nang makapasok sa kwarto kung saan ay nakahiga sa isang puting kama ang kapatid, nanlambot ang kanyang mga tuhod. Kumirot ang kanyang puso na para bang dinudurog ng makita ang lagay ng kapatid. Madaming pasa, sugat, meron bandage ang kaliwang kamay.

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon