Chapter 20 Confused

91 3 0
                                    

Third Person POV

"Hahahaha.. What the hell, dude. Bakit mo naman natanong yan?" natatawang sambit ni austin, halata sa mukha nito ang hindi pamaniwala sa tanong niya.

"Nothing, naisip ko lang. Hindi lang ako mapaniwala na pinuri mo ang babaeng iyon. For me, she's not a type of girl na kapuri-puri. She's a bad, demon, heartless person I seen.." Sagot ng binatang si Shin, sa tono ng pananalita nito ay may inis kahit na kalmado niya lamang itong sinasabi.

"Yeah.. I know that, but I think hindi naman siguro ito pagka-gusto dahil lang sa pinuri ko siya. I just find her cool at wala namang ibang meaning iyon." nakangiting wika ng binata, pero bigla na lang itong nag-laho. "You know who I want and I want too see.." malungkot na tugon ng binata. Panandaliang katahimikan ang bumalot sa pagitan nila.

"Ah-eh.. Austin, paano kung hindi mo na siya makita? Antagal na panahon na iyon at bata ka pa non, diba?" may pag-aalinlangang wika ni Elijah.

"Tama si elijah, austin. Sinabi mo na hindi ikaw ang pinupuntirya nila kung hindi ang hinahanap mo. Baka mas masasaktan ka lang dahil umaasa ka na makikita mo pa siya." seryosong pag-sang-ayon ng binatang si Dylan.

"Alam ko, Pero may part sa isipan ko na makikita ko siya. Mahahanap ko siya.. Hindi ko man alam kung saan, paano, at kailan. Pero pakiramdam ko ay makikita ko siya." malungkot na sagot na binata.

"Kung makita mo siya, ano bang gagawin mo? Do you like her? Hindi naman siguro, diba? I mean, you're just a ten yrs old that time. Bata pa kayo non." sunod-sunod na tanong ni Hunter, kita sa mukha ng binata ang naguguluhan at may pagka-interesadong malaman ang balak gawin ng kaibigan.

"I know I'm just a kid that time, pero hindi ko masasagot kung gusto ko nga ba siya. Ang gusto ko lang mangyari ay makita siya, gusto kong malaman kung buhay ba siya, at gusto ko lang siya kamustahin, gusto ko malaman kung bakit siya hinahabol ng mga taong iyon. Madami akong gusto itanong sa kanya na matagal ng gumugulo sa isip ko. Ito ang mga bagay na nag-tutulak sa akin kong bakit gusto ko siyang hanapin." sagot ng binata, pilit man itong ngumiti para ipakita na okay lang siya sa harap ng kaibigan ngunit kita naman sa mga mata niya ang lungkot, pagka-sabik na makita ang taong hinahanap.

"Sana mahanap mo siya.." mahina at sincere na wika ng binatang si shin.

Natahimik na lang ang binatang si Dylan sa mga binitawang salita ng kanyang kaibigan, gayunman na imposible ang ginagawa nitong pag-hahanap sa taong matagal ng gustong makita. Hinihiling pa rin niyang makita niya ito, para sa ikatatahimik ng kanyang isipan at kalooban.

---

Jade POV

Lumipas ang mga araw, matapos ang nangyari sa amin sa loob ng cafeteria, na nadetension lang naman kami bilang parusa. Nasuspende naman ang grupo ng mga sino nga ba sila? Basta nasuspende ung grupo ng mga babae dahil sa pag-dala nila ng matalim na bagay. Simula ng nangyari ang bagay na iyon ay nag-bago ang tingin sa akin ng iba, kung dati ay hinahangaan ako ng mga kalalakihan sa school na iyon ngayon ay kinatatakutan ako ng iba. Tss! as if i care!

Mas gusto ko nga iyon dahil wala ng lalapit sa akin. Kung dati ay para lang akong normal na studyante, cold and snobber. Ngayon ay iba na ang tingin nila sa akin, gangster. Iyan ang salitang inihahambing nila sa pagka-tao ko, sa mga kasamahan ko. Tss! -_______- Kelan pa ako bumuo ng grupo at sumali sa gangster world na kinabibilangan ng mga nakaka-away namin? insane!

Kung dati ay tahimik at walang gulo tuwing papasok ako sa school. Ngayon ay nag-bago na, ang gulong iniiwasan ko ay pilit na lumalapit sa akin, ang tahimik ay pilit na nagiging maingay.

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon