Chapter 12 Arguing

97 4 0
                                    

Jade POV

Napunta ako dito sa likod ng school namin, sa isang lumang building na dating room ata. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko palayo sa dalawang bwisit na mga ipis na iyon. Hindi ko din mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Magulo, Halo-halo ang nararamdama ko. Galit, inis, pagka-munghi, lungkot ngunit mas nangingi-babaw ang galit na nararamdaman ko.

Galit sa mga binitawan salita ng lalaking iyon, Ito ang pangalawang beses na sinabi niya ulit sa akin ang mga salitang ayaw na ayaw kong marinig. Hindi niya alam kung ano ang pinag-daanan ko, Hindi niya alam kung sino at ano ang kaya ko. Wala siyang karapatan para maliitin, kung ano ako. Dahil hindi niya ako kilala.

Nanginginig ang mga kamay ko sa galit, gusto kong ilabas ang nararamdaman kong ito. Baka hindi ko na kaya pang-pigilan pagnaka-harap ko ulit ang lalaking iyon. Dahil sa galit at inis ko, lumapit ako sa isang basag na salamin at pinag-susuntok iyon. Wala akong paki-alam kung gaano katigas at katibay ang sinusuntok ko, gayong 'Bullet proof' ito. Ang mahalaga ay mailabas ko ang kanina ko pa pinipigilang galit.

Kung ito lang ang paraan para mailabas ko lahat ng galit ko ay ayos lang, kahit na ang sarili ko lang ang nasasaktan ko. Sa paraan na pag-susuntok sa mga salamin ito ko lang maibubuntong ang inis ko sa mundong ginagalawan ko. Hindi lang naman sa sa physical ako nasasaktan maging sa emotional. Kaya ano pa ang pinagka-iba non? Matagal na naman akong nasasaktan.

Madaming gumugulo sa isipan ko. Madaming katanungan sa isipan ko na sa pag-lipas ng segundo, minuto, oras, panahon, at taon ay nadadagdagan ng nadadagdagan. Bakit?.. Bakit ako dapat makaranas ng ganto? Bakit?.. Bakit gantong buhay ang meron kami ni ate? Ano bang nagawa naming masama? Para makaranas ng ganto?

Why my life is became miserable like this?

No.. My life is so miserable and its killing me, little by little..

Iyan ang araw-araw na tumatakbo sa isipan ko.

Hindi ko namalayan ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko. Fvck sh+t! Tuloy lang ako sa pag-suntok sa mga salamin dito hanggang sa mabasag ko sila. Hindi dapat kami ang nandito, hindi dapat kami ang nakakaranas ng ganto. Wala kaming ginawang masama para maranasan ang ganto kadilim na mundo. Hindi ko gusto ang gantong buhay. Sinubukan ko na hindi pumasok sa isang madilim na mundo.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko dahil sa iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko. Napa-luhod ako at napahawak sa dibdib ko gamit ang kaliwa kong kamay. Ito ba talaga ang dapat na kinalalagyan namin? Ito ba? Kasi kong ito, hindi ko gusto ito. Isang simpleng buhay lang naman ang gusto ko. Isang simpleng pamumuhay na walang iniisip na may masamang mangyayari. Malayang gawin ang bagay na hindi matatakot na gawin ang gusto ko ano mang oras o saan mang lugar.

Bakit sa tuwing iisipin ko ang mga ginawa ko, wala akong nakikitang masama na nagawa ko para maging ganto ang lahat. Habang ang taong gumawa ng bagay na ito, sumira ng buhay ko, ni ate, ng pamilya ko ay malayang nakaka-galaw. Malayang nakaka-kilos, And that's totally bullshit. To think na hindi dapat ako ang nasa gantong katayuan.

Lahat ng mga salitang binitawan ni Shin, Oo isa nga lang akong babae, pero hindi ako mahina gaya ng iniisip nila. Sa dami ng pinag-daanan ko, pinatibay ako at pina-tatag ng lahat na iyon. Kung bakit ganto ako ngayon, dahil iyon sa isang dahilan. Wala silang karapatan maliitin ako dahil hindi nila alam kung sino ako, wala silang alam kahit isa. Kung gaano kadilim ang mundong gusto kong takasan.

Matagal na panahon bago ako naging ganto, dugo, pawis, hirap para lang maging malakas. Halos matagal na panahon ang ginugol, pinag-aralan ang lahat ng pwede kong matutunan para maging isang matatag, matibay at malakas.

Tumayo na ako at pinunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pag-bagsak. Hindi dapat ako umiiyak, dahil matagal ko ng pinatay ang pagiging mahina. Matagal ng wala ang dating ako. Ako si Savannah Jade Young, Papatunayan na hindi porket isa akong babae ay kaya nilang apak-apakan at maliitin. Patutunayan ko na kaya ko silang lagpasan.

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon