Chapter 22 Brother?

82 3 0
                                    

Third Person POV

Hindi mapakali ang binatang si Dylan, hindi niya alam kung nasaan ba ang kanina pa hinahanap. Takbo ito ng takbo, halos malilibot na nila ang buong school. Mahanap lang ang hinahanap nila, nakasunod lang sa kanya ang mga kaibigan. Mas lalong tumitindi ang kaba, takot, na nararamdaman ng binata. Ngunit kita sa mata nito ang matinding galit, pag-aalala kung sa kaling may mangyaring hindi maganda.

Nakarating sila sa likod ng school, inilibot ang mga mata at ng matanaw nila sa hindi kalayuan ang taong hinahanap ay mabilis itong lumapit. Si Jade, ang mga kaibigan nito kasama ang isang batang lalaki.

Jade POV

Andito kami sa likod ng school kung saan may mga lumang room. Nakatayo malapit sa isang napaka-laking puno na halata mong matanda na at matagal na. Pilit kong pinipigilan ang galit, inis at pagkairita ko sa batang ito.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, napapanatili niya ang kanyang blangkong ekpresyon. Na mas nag-papa-tindi ng galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kong wala na bang halaga sa kanya ang buhay niya, kahit na pinag-babantaan ko na siya. Walang bakas ng takot akong nakikita.

"Bakit pinili mong ibigay ang buhay mo para lang sa gusto mong malaman?" kalmado ngunit pigil ang galit kong wika. "Hindi ba mahalaga sayo ang buhay mo, bata?" dugtong ko.

"Maybe." malamig niyang wika. Tss! really?

"Tell me, Why do you want to know my real reason? for sacrificing your precious life." malamig kong wika.

"Dahil hindi ko matanggap na ang tanging rason mo lang ay ang hindi mo ako gusto, gayung hindi mo pa naman ako nakikilala."

"Alam mo bang wala pang mapangahas na nag-tanong sa akin niyan? Sabihin mo, bakit mo ako nagustuhan?"

"Dapat bang may rason ako para gustuhin kita?" balik tanong niya.

"Hindi ka ba natatakot sa akin, alam mo bang iba na ang jade na dating nakikita nila sa nakikita nila ngayon?" balik tanong ko rin.

Tumawa siya ng mapait. "One day, I saw a beautiful girl but she's emotionless, dangerous, terrible girl I seen. Walang takot na itinutok ang patalim sa isang tao. This is funny but on that day I saw her is the the day I starting to like her even if I feel a enormous fear." malamig ngunit kita sa mata ang lungkot.

"You are insane, kid." walang emosyon kong wika.

"Mali ang taong pinili mong gustuhin." singit na komento ni yuina.

"Wrong? How do you know that? Why I can't like her?" naguguluhan wika niya.

"Umalis kana at huwag ng mag-papakita o lalapit pa sa akin. Itigil mo na itong kahibangan mo, bata." malamig at kalmado kong wika, ngunit nasa tono ko pa rin ang pagbabanta. Tumalikod na ako at akmang aalis na ng mag-salita siya ulit.

"You cannot stop me." matigas niyang wika.

"You're a hardheaded, kid. Don't push me to do something wrong, I'm giving you a chance to save your poor soul."

"I told you, you cannot stop me."

"Okay, I have no choice kung hindi ang patayin ka at patigilin ang pag-tibok ng puso mo."

Mabilis kong binunot ang naka-ipit na baril sa binti ko, sa ilalim ng palda ko at humarap sa kanya ng may matalim na tingin ngunit blangko ang mukha. Itinutok iyon sa kanya ng walang pag-dadalawang isip, halata ang gulat sa kanyang mukha. Ang blangkong ekpresyon niya ay napalitan ng takot, kaba, pero kita sa mga mata niya na may lungkot, sakit, dismaya. Bakit?.. Bakit nakikita ko ang mga ganyan sa kanya?

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon