Chapter 24 Spy?

78 3 2
                                    

Jade POV

"What do you mean?" seryosong wika ni yuina at kitang-kita na mas naguluhan siya. Alam kong pwede silang mabahala at mangamba kung sasabihin ko ito. Pero I need to do this, mas kailangan nila itong malaman lalo't na napapadalas na ang nangyayari gulo sa amin, baka doon sila gumawa ng aksyon. Atleast they will be aware what could be happen if ever..

"Ung araw na iyon may taong nanunuod sa atin maliban sa grupo nila Dylan. Iyon ang dahilan kaya hindi ko naiwasan ang pangatlong patalim na parating sa akin dahilan para dumaplis siya sa braso ko." seryoso kong paliwanag..

"Hindi ko makuha ang ibig mong sabihin, besty." naguguluhang wika niya, kita sa mukha niya ang pag-aalala. Alam kong pwedeng pumasok sa isip niya ang taong kinakatakutan nila.

"Spy." tipid na wika ni Aya.

"Binggo!" pag-sang-ayon ko.

"SPY?!" sabay-sabay na wika nila, gulat ang makikita sa mukha nila.

"So there are someone watching you, Jade?" tanong ni alesia na diretsong naka-tingin sa akin.

"Hindi ko alam kung ako, ikaw o sino sa ating lahat. Hindi lang naman ako ang nakaka-pansin sa kanya, Aya know that too. Right, aya?" wika ko.

"Yeah, Pero nung una wala akong ibang makitang dahilan." aya.

"Maraming pwedeng maging dahilan, Aya. Lalong lalo na sa kalagayan ko at maging kayo. Ang isang dahilan lang ang iniisip kong hindi ko alam, Sino?" dahil wala pang nasasabi sa akin si ate na nandito na siya, alam kong hinahanap niya na kami. Pero imposibleng makita niya kami ng ganon kadali, kung siya man iyon dapat meron na siya ginagawa. Kung tauhan man niya yon malalaman pa rin namin iyon, kaya sino? Bakit lagi siyang nagmamasid sa amin? "Hindi lang iyon ang una't huli na nandoon siya." dugtong ko.

"Yes, jade is right. Andoon din siya noong araw na nakipag-laban si Zahra sa leader ng girl gang." seryosong wika ni aya. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala, naguguluhan, at pangangamba. Maging ako ay napapa-isip, hindi ko alam kung may ibang tao pa ba kaming kalaban bukod sa taong sisingilin ko. Alam kong meron pa akong hindi alam, pero ano nga ba iyon? Ipinikit ko muna ang mata ko at kinalma ang sarili, mas gumugulo ang lahat.

"T-teka, may posibilidad ba na nakita din niya si besty?" nag-aalalang wika ni mayzie.

"No, you don't need to worry about that mayzie. Bago pa man mangyari ung bagay na iyon ay sinubukan kong lumapit kung nasaan siya nung mga oras na iyon. But before pa ako makalapit ay mabilis din siya nawala." Aya.

"Kaya ka pala nawala sa tabi ko non." alesia

"Kaya ka rin ba lumabas bago tayo kumain kanina?" tinig iyon ni yuina, napaka-seryoso nito. Ano nga pala nangyari non?

"Yeah, yon talaga ang totoong dahilan ko non. Hindi ko mapaliwanag pero hindi siya isang normal na nag-mamasid lang sa atin. Hindi siya ung tipo na madaling mahuli, masyado siyang mabilis." naguguluhang tono ni aya, kaya agad akong napadilat. Anong ibig niyang sabihin? Hindi na naman siya nakalapit? Hindi niya nakita?

"What do you mean by that, aya? You didn't see him?" I ask her.

"This is what I want to say to you, Jade. Mukhang alam niya na alam na natin. Sa tuwing tatangkain kong lumapit o lapitan siya ay mabilis siya nawawala. Ni hindi ko nga nakita ang mukha niya kung hindi ang katawan lang niya. Ang nag-i-i-spy sa atin ay isang assassin!" Ano? assassin? Pero.. WTH! Anong kailangan niya? Ughhh! hindi ganto ang inaasahan ko.

Panandaliang katahimikan ang bumalot sa loob ng HTR, halos lahat kami ay hindi inaasahan ang mga sinabi ni Aya.

"Paano mo nasabi iyon, aya? You said, hindi mo nakita ang mukha niya." naguguluhan wika ni Zahra. May hindi tama talaga, bakit parang kinakabahan ako?

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon