Third Person POV
Isang malakas na suntok ang pinaka-walan niya at mabilis na sipa sa bawat lalaking sumusugod sa kanya. Napaatras naman ang mga ito sa ginawang pag-ganti ng dalaga. Pinunasan ang dugo sa kanilang labi, habang sapo ang sikmura na sinipa ng dalaga. Mabilis nilang inayos ang sarili, humarap ulit sa dalaga. Sumugod silang muli at binalewala ang ibinigay sa kanila.
Halos hindi na nila inalintana ang suntok na natatanggap nila, buong lakas na ibinibigay nila ang kanilang mga suntok at sipa para sa dalaga. Pero balewala lang ito kay Jade, hindi niya inuubos ang kanyang lakas dahil alam niyang mas kakailanganin niya ito sa pag-haharap nila ng leader ng gang na ito.
Kung makakasuntok ang isa sa kanila, sinisigurado ng dalaga na doble ang ganti nito. Malakas man silang sumuntok iba pa rin ang suntok na ibinibigay ni Jade, doble ito kahit alam ng mga kaibigan nito na hindi pa siya seryoso sa laban. Napapansin ito ng dalawang nasa taas na nagmamasid, kinikilatis ang bawat kilos ng nasa gitna. Hindi maiwasan mamangha nila, maliban kay mayzie.
Nag-aalala pa rin ito, hindi mapakali. Bakas sa mukha ang takot na pwedeng mapa-hamak ang kaibigan sa ginagawang pakikipag-palitan ng suntok at sipa. Mas madami ng natamong sugat ang apat na binata kaysa sa dalaga. Dahil sa galing nitong iwasan ang ibang pag-atake sa kanya ay wala itong gaanong natamo kaysa sa mga binatang halata na ang pagod.
Hinihingal na ang mga ito at kita na ang pagod dahil sa halos kalahating oras na ang nakalipas ng simulan nila ang laban. Dahil sa nakikita ni Jade ay gusto na niyang tapusin ang laban sa pagitan ng apat na lalaki. Siya na ang unang sumugod dito, mabilis siyang lumapit sa isa sa kanila.
Dahil sa bilis makalapit ng dalaga ay hindi napansin ni Elijah ang suntok na pinakawala nito papunta sa mukha niya. Sinuntok siya sa sikmura at napayuko ito. Tinaas ang paa upang bigyan ng malakas na sipa pababa dahilan para bumagsak siya. Dahil sa nakita nila ay sumugod naman si Austin.
Agad na humarap dito si Jade, binato ng malamig na tingin ito. Humanda sa ginawang pag-sugod ng binata, binigyan siya nito ng suntok pakaliwa kanan na iniwasan lang. Siya naman ang gumanti, binigyan niya ito ng sipa sa tagaliran dahilan para mapa-atras siya. Agad siyang lumapit dito at sinuntok sa mukha, sikmura. Malalakas ang ibinigay niya dahilan para bumagsak din ito.
Agad naman lumapit si shin, matapos makakuha ng lakas ulit. Sumugod siya sa dalaga, gumanti ng suntok na nakatama naman. Ngunit doble ang balik sa kanya, suntok sa sikmura, mukha. Sipa sa likod, tagiliran. Binigyan niya din ito ng sipa sa mukha dahila para tumilapon ito paatras, at ang huli niya tira dito ay sipa sa sikmura upang bumagsak ito.
Si Elijah at Austin ang may pinaka-maraming tama sa kanila. Isa na lang ang natitira sa apat, si Hunter. Agad siya lumapit dito na nakahanda na para sa pag-sugod niya. Mabilis din itong kumilos kaya kinakailangan pa niya doblihin ang bilis niya. Agad na nag-pakawala ito ng suntok para sa binata na iniwasan naman ngunit naka-ready naman ang paa nito para bigyan siya ng sipa sa tagiliran na ikinadaing niya.
Tumayo siya ulit at sinugod ang dalaga, sinuntok niya ito sa mukha na ikinatama niya. Ngunit ginantihan agad ito ni Jade, Sipa naman sa mukha niya. Suntok sa sikmura dahilan mapayuko din ito na binigyan niya ng malakas na suntok pababa sa likod nito. Napa-suka ito ng dugo dahil sa lakas, pero pinilit pa rin nito tumayo at lumaban. Agad naman siyang gumanti ng suntok ulit, pero naiwasan ulit ito. Nang makakita si Jade ng timing ay agad itong umikot para makapunta sa likod niya.
Binigyan niya ito ng hampas sa may parte ng batok nito dahilan para mawalan ito ng malay. Sumigaw pa si Dylan upang bigyan ito ng babala ngunit huli na, nawalan na ito ng malay. Agad na tumayo sila Shin, Elija at Austin. Upang lumaban ulit, hindi pa rin sila sumusuko. Gayon kita na sa mukha nila na wala na silang laban dahil sa nang-hihina na ito at hinihingal na sa pagod.
Muling sumugod sila sa dalaga, nag-paulan na naman sila ng suntok dito at sipa. Sabay-sabay silang sumugod ngunit wala na muling nakatama sa kanila, dahil sa mabagal na ang pag-kilos ng mga ito. Mabilis na binigyan niya ito ng mga suntok sa sikmura upang ikayuko nila. Agad na kumilos si Jade at tig-iisang binigyan ng hampas ito sa batok dahilan para mawalan na rin ito ng malay.
"Tss!" sambit ng dalaga matapos pabagsakin ang apat na lalaking kalaban. Pinunasan nito ang gilid ng labing nag-dudugo matapos makatanggap ng ilang suntok sa mukha. Nag-unat at tumayo ng maayos, ngumisi ito ng nakakaloko matapos makita ang apat na lalaking walang malay. Naisip nito na iyon ang pinaka-magandang laban niya, nahirapan man siya at nakaramdam ng pagod ay alam niya hindi pa tapos ang laban
Nabawasan ang takot at kabang nararamdaman ni mayzie, ganon din ang iba pa nitong mga kasamahan. Hindi rin mawawala ang pagkamangha ng mga ito sa dalaga, lalong-lalo na si Yuina. Napangiti ito ng mapabagsak niya ang lahat gayon kitang-kita rin kong gaano kagaling ang mga ito. Isa na lang ang inaalala nila, ang leader ng gang.
"Napaka-ganda ng laban na iyon." namamanghang komento ni Yuina.
"Yeah! And what I observe to jade, hindi naging madali sa kanya ang lahat; lalo na sa part ni Hunter at Shin. Kinakailangan niyang doblehin ang bilis niya." sagot naman ni Aya, ngunit may ngiti sa labi dahil sa napanood na isang magandang laban.
"Yeah, Magsisimula pa lang ang totoong laban. Between Jade and that guy, Dylan Jack." Wika naman ni Yuina, ngunit ramdam ang inis ng banggitin ang pangalan ng binata.
"I Dont think this will be an easy to Jade." nag-aalalang wika ni Aya, tumango lang ang kasama.
Ganoon din ang pag-uusap sa pwesto ng dalawa pang dalaga, sila Zahra at Alesia. Pinuri ang kanilang kaibigan na si Jade, na napaka-galing. Ngunit hindi naka-ligtas sa kanilang mga mata ang kalagayan ni Jade. Alam nilang hindi nito binuhos ang buong lakas, ngunit kita na rin ang pagod dito. Nawala ang ngiti sa kanilang mga labi at napalitan ng pagseseryoso, pero kita sa mata ang pag-aalala.
"It's your turn!" walang emosyong wika ni Jade sa lalaking kanina pa nakatayo at nanunuod.
'Magsisimula na ang totoong laban.' wika ni Jade sa isipan.
BINABASA MO ANG
Miserable Life
Mystery / ThrillerIsang babaeng walang hinangad kung di mag higanti. Nabuhay ng puno ng galit at poot. Laging kaligtasan ng mga taong mahal niya ang iniisip. She's not scared to face death. And biggest goal is to kill the person who destroy her life. Kill only in her...