Chapter 37 Jade's deal with the TSG

68 0 0
                                        

Dylan POV

[Jade's deal with the TSG.]

Where are here at HQ, wala pa si Elijah. Marahil ay ginagawa niya na ang dapat gawin. Naka-upo lang ako dito habang umiinon ng can beer, si Hunter ay nag-babasa ng libro. Si shin ay nag-lalaro ng dart, Si austin? ano pa nga ba aasahan na gagawin niyan, ayon sa loptop na naman tutok.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Elijah, may ngiti sa labi. Ngiting masaya at maamo. Ano naman nginingiti-ngiti nito? Tss!

"Kamusta, dude? Nahanap mo ba siya agad?" untag ni Shin ng hindi tumitingin sa kausap.

"Yup!" tipid nitong sagot at nag-tungo sa mini refrigerator, kumuha ng can beer. Nag-tungo sa tabi ni Austin at umupo.

"Paano mo nahanap? Saka bakit nandito kana? Diba sinabi ni Jade na huwag mo aalisin ang mata mo sa kanya hangga't di tapos ang klase?" na iiling-iling na wika ni hunter, ganoon din ang dalawa. Huwag nilang sabihin na natatakot sila sa babaeng 'yon? Aba!
Lagi naman 'yon ganon.. Psh!

"Uuwi ba ako dito kung hindi tapos ang trabaho ko?" sarkastiko nitong wika. "Maaga siyang umuwi ngayon, Masama daw ang paki-ramdam." paliwanag nito.

"Paano mo siya nahanap? Sabi mo wala siya sa room?" takang tanong naman ni Austin, inalis nito ang pag-kaka-tutok sa loptop niya at isinandal ang likod sa couch.

"Ahh.. Nakita ko doon sa rooftop na tambayan ko, sa pagod ko doon ako nag-punta. Alam niyo bang nalibot ko na ang buong school kakahanap sa kanya, ang sabi naman ni Jade may dala daw itong kotse kaya nung tinignan ko ung sinabi niyang kotse andoon naman. Hindi ko naman akalain na doon ko lang siya makikita." mahabang paliwanag niya, ngunit bigla na lang ngumiti. Baliw! -_____-

"Buti, hindi ka nasungitan." komento naman ni Hunter na bigla na lang sinarado ang libro nito at nilapag sa center table. Kumuha ng beer can na hindi ko pa binubuksan. Psh!

"Nasungitan, sympre. Hindi naman maiiwasan 'yon. Saka hindi pa nga niya ako napansin na nasa tabi niya ako, siguro lumipas ang mga 20min. Bago niya ako napansin, mukang ang lalim ng iniisip." nag-tatakang wika nito. Ganoon?

"Ehh, paano mo naman nasabi 'yan?" shin at umupo na rin sa tabi ni Hunter. Nag-kibit-balikat na muna ito bago sumagot.

"Ewan, yon ang nakikita ko. Saka mukhang nag-bago na rin siya, natatandaan niyo ung pakiki-tungo niya sa atin sa hospital? Ganoon pa din ang nakikita ko, hayss!" elijah.

"E' anong nginingiti-ngiti mo kanina?" singit ko bigla mula sa pananahimik.

"Wala naman, iniisip ko parang pabor na rin sa akin ang utos ni Jade. Hehehe.." tawa-tawang wika naman nito. Napa-kunot-noo ako, at bakit naman?

"What?!" iritang wika ko..

"Chill! Sa akin lang naman, sympre makaka-sama ko lagi si mayzie. Di pa nakaka-tuwa kung iisipin?" gumuhit ang malaking ngiti sa labi nito na pwede na ngang mapunit! Tang*na! Lagi nga siyang dinedema ng isang 'yon.

Hindi na namin siya pinansin, nag-kanya-kanyang balik ang lahat sa ginagawa nila. Bumalik sa pag-babasa si Hunter, bumalik ang mga mata ni Austin sa loptop nito.

"Keep dreaming, dude!" komento ni Shin bago bumalik sa pag-lalaro. Binalik ko na lang ang pansin ko sa iniinom ko at baka mabadtrip lang ako ulit. Tss!

Hunter POV

Halata pa rin sa mukha ni Dylan ang pagka-badtrip, tss! Ito naman ang gusto niya diba? Ang malapit sa babaeng 'yon at malaman ang pagka-tao niya, o iniisip niya ang mga sinabi nito na maaaring mangyari sa amin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon